t w e n t y - f o u r

31 0 0
                                        

Copyright © by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.

------------------------------------------------------

Chapter 24

Napangite na lang ako. Nagpatuloy naman yung Star Gazing activity namin. Nasilip na rin namin yung iba't-ibang klase ng stars at Meteor . Kwinento ko naman kay Gigi ang lahat nung kaming dalawa lang yung andun sa loob ng tent.

"OHHHHMMYYYYGHAAADDDD bikx?!!" ganyan yung naging expression niya nung sinabi ko sa kanya yun. Hahaha. Palagi na lang kaming nagkakatinginan ni Ash. Tapos nagkakahiyaan pa minsan. Hindi ko nga alam kung ano na kami eh. MU nga ba?

Hindi ko masasabi. Pero parang dahil dito, napalayo ata ako sa kanya sa sobrang hiya. Natapos na din yung StarGazing activity. grabe, antok na antok ako. Wala kayang tulugan?! Hahaha. Kahit sabihin mo na may isang sobrang nakakakilig na revelation, hindi pa din keri ng powers ko ang hindi makatulog. So yun, bagsak talaga ako agad sa kama. And nakatulog na din ako.

Nagising naman ako syempre. Halos walang nangyayare. Lumipas ang mga araw. Lalo din naman kaming napapalapit ni Ash sa isa't-isa pero masasabi mo na may hiyaan pa din. Hindi na nga namin ulit pinagusapan yung tungkol dun sa i love you niya eh. Well, bahala na. At least, alam ko na ang sikretong tinatago ng mokong na 'to. Haha. Lagi na din kaming magkasabay tuwing recess at lunch. Syempre, pati na din dismissal.

Inaasar na nga kami nila Gigi eh. Pero okay lang. Kahit nung hindi pa man din naamin sakin si Ash, inaasar na rin nila kami eh! Haha. Hindi nanliligaw si Ash. Ewan ko ba kung bakit. Pero ayaw ko na ring isipin yun. Bumalik na din si Kuya Danniel nun. Halos 2 weeks siya sa States. Pero hindi ko rin naman sa kanya natanong kung anong meron dun.

Narealize ko nga na ang dami ko palang hindi alam kay Kuya Danniel no? Parang meron siyang sikreto. Behind those sweet smiles na pinapakita niya, parang merong... something eh... ayoko ng isipin kung ano yun... November na ngayon. ang bilis talaga ng panahon no? Haha. Kasama ko si Gigi ngayon. First time maging busy ngayon ni Ash. Nagsisipag na ata ang loko no? Hindi ko tuloy siya kasabay ngayon sa pag-uwi. Hahaha. Mamimiss ko yun. Awww. Joke!

Hahaha. Palagi ko naman siya nakikita, kailangan pa bang mamiss yung lokong yun?! Uuwi na sana kami ni Gigi nun ng dumaan kami sa court. Nakita namin na nagprapractice yung Volleyball varsity. Balita ko meron silang game. Ayun, sana naman manalo sila no?! Haha.

"nuod muna tayo bikx!" yinaya ako ni Gigi.

"sige..." umupo kami dun sa stage sa court then nanuod kami ng practice ng Volleyball varsity. nagtaka naman ako ng hindi ko makita si Kuya Danniel. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap pero diba dapat kasama siya sa mga nagprarpractice.

"bakit... bakita prang hindi ko makita si kuya Danniel?" napatanong naman ako sa sobrang curios ko.

"aba, hindi ko alam..." busy nun si Gigi sa panunuod ng mga gwapong volleyball players na nagprapractice kaya siguro ganyan yung sagot niya sakin. napalingon naman ako sa gilid ko ng makita ko si Kuya Danniel na kakalabas lang sa canteen na may kinakain na ice cream. Nakaschool uniform nga lang siya tapos dala niya yung bag niya. Halatang wala siyang plano mag-practice. Ano na naman bang ginawa neto?!

"uy teka lang Gigi ha? dyan ka lang..." sabi ko kay Gigi. Tumango lang si Gigi. Tumayo ako tapos bumaba ako sa stage. Linapitan ko si kuya Danniel para makausap siya.

Your GlimpseWhere stories live. Discover now