Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.------------------------------------------------------
Chapter 27
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang nagslow motion yung mga pangyayare eh. Syempre, dumating na yung mga teachers para tulungan si Kuya Danniel. Kinuha nila yung first aid kit. Hindi ko na alam kung ano yung nangyayare. Nakita ko si Ate Kim na parang pinipigilan niya yung luha niya. tapos feeling ko nun, mas nahihirapan siya kesa sa nararamdaman ni kuya Danniel.
Nagulat ako ng hinawakan bigla ni Ash yung kamay ko. Naging maayos din ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano mang nangyare kay Kuya Danniel. Lalo akong kinakabahan eh.
"okay lang kaya siya?" napatanong talaga ako. Naging malapit na rin naman sakin si kuya Danniel.
"magiging okay din siya..." sabi naman niya kahit walang kasiguraduhan yung sinasabi niya.
Napalingon ako kay ate Kim. Biglang tumulo yung mga luha niya. Hiniwalay ko yung kamay ko kay Ash tapos lumapit ako kay Ate Kim. Tinapik ko yung balikat niya.
"Ate Kim?" pinunasan niya agad yung mga luha niya at ngumite siya ng pafake para itago lahat ng nararamdaman niya. "Ate Kim naman..." niyakap ko siya ng sobrang higpit nun.
then, dun ko naramdaman na iyak na din pala siya ng iyak. Parang akong naha-heart
broken dahil sa mga drama ni Ate Kim. Kahit na parang ang dami ko pang hindi
naiintindihan tungkol sa kanilang dalawa ni kuya Danniel, nalulungkot para ako kay Ate Kim ... sila ..."Ate Kim... tahan na , okay?" binubulungan ko naman siya nun. Kahit na anong gawin ko naman eh, hindi pa rin siya tumigil sa pagiyak.
Inakbayan ko siya tapos naglakad kami papunta dun sa mga site na pinagkainan namin. Iniwanan na rin namin sila Ash na busy sa panunuod sa pagresponde nung mga paramedics kay Kuya Danniel. Umupo kami ni Ate Kim sa upuan.
Ang lamig ng simoybng hangin at nagtatago na rin yung araw. Tiningnan ko yung mukha ni ate Kim.
She's serious.
"Ate Kim... wag ka ng umiyak... please lang..." inaayos ko yung bangs niya nun na
nadikit na sa mukha niya. Pinagpapawisan na rin siya kaya nanghiram ako dun sa
classmate niya ng pamaypay para mabigyan siya ng hangin. Sumandal siya sakin at walang tigil yung pag-iyak niya."nahihirapan na ako..." nahirapan siyang magsalita nun. Eto naman akong nahihirapan na makinig sa kanya. Ewan ko ba. Parang may kumurot sa puso ko. Parang nakafeel ako ng mga durog ng puso nung narinig ko na magsalita si ate Kim.
"bakit Ate Kim??" nagaalala na din ako kay Ate Kim nun. wala kasi talaga akong kaalamalam eh. parang wala akong kwentang kaibigan... hay nako naman...
"hindi ko kaya makita na si Danniel ng ganun..." lalo siyang umiyak nun. Tinapik ko yung likod niya kahit na alam kong walang magagawa yun para paga-anin yung loob niya.
"Ate Kim, mas nakakasigurado ako na mas ayaw ka niyang nakikitang umiiyak..." sana
naman sa sinabi kong 'to sana naman umayos na din yung pakiramdam niya.Nage-effort talaga ako para lang patigilin siyang umiyak no!
"kawawa si Danniel. kawawa siya, Aish..." nanlaki yung mata ko. Wala talaga kasi
akong kaalam-alam tungkol sa kung ano mang meron kay kuya Danniel.

YOU ARE READING
Your Glimpse
Teen FictionAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...