f o u r

136 10 0
                                    

Copyright © by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.



Chapter 4

Nakalimutan ko talaga ang lahat ng kabadtripan ko dahil sa isang chocolate. Syempre, nakasakay na din kami ng jeep na papuntang Hi-way. Bumaba kami sa may Rusi. Nag-motor papunta ng pharmacy.Naglakad lang ng kaunti. Dumaan kami sa chapel at sa tindahan kung saan may nakatirang pogi. Haha. Isang liko na lang sa kaliwa. Ayun, nakauwi na din. Magkatabi lang yung bahay namin ni Ashley. Pati veranda
ng kwarto namin eh magkatapat. Kaya naman pag-gising ko, aba Mr.Sunshine agad ang matatanaw ko.

Ngayon gagawin ko yung assignments ko. Nakapwesto yung study table ko sa labas ng pinto. Una, para matanaw ko agad si Ashley. Pangalawa, para mahangin. Hahaha.

Pero dahil talaga kay Ash kung bakit sa tapat pa ng veranda ko pwinesto yung study table ko. Busy naman ako sa paggawa ng essay na 'How's your vacation?' sa English.

Nakakasawa. Palagi na lang may ganito. Pero ngayon, idadagdag ko na din yung
pinakamalungkot na pangyayari sa existence ko. Ang pagkawala ni Syrie. Hay nako. Ayaw ko na ngang isipin yun. Nakakaiyak. Madrama-rama

Tuloy-tuloy ako sa pagsusulat dahil ang daming words na pumapasok sa isip ko. For sure, mahaba ang kalalabasan nito. Matatagalan na naman ako sa pagre-rewrite sa isang bond paper. Kailangan ko ng inspiration. Hahaha. Tumingin ako sa veranda ni Ash.

Ayayayyy. Inspiration lang hinihiling ko, aba anghel ang binigay sakin ni Lord.
Hahaha. Nakita ko si Ashley na nakatingin sakin tapos nakangite. Ang pogi sana.
Nakakabadtrip nga lang. Binuksan niya yung bintana niya.

"Ang sipag ah. Anong nakain mo?" Siguro pagkain. Hahaha.

"Masama na bang maging masipag ngayon? Ikaw ba gumawa na ng essay mo?"

"Hindi pa. Alam ko namang magaling ka dito, pagawa naman. please!" Badtrip.
Kakausapin lang ako kapag may kailangan.

"Badtrip ka din no? Mag-isa ka. Bwiset" Tumayo ako at padabog kong tinakpan ko ng kurtina yung bintana ng kwarto ko. Babalik na sana ako sa study table ko ng marinig ko ulit yung boses ni Ash.

"Aishhh!"

Binuksan ko ulit yung pintuan. Sabay sabi sa kanya ng "Oh ano na naman?"

"Wala lang. Masama bang magsabi ng good night?"

"Yun lang naman pala eh. Hindi naman importante." Isasara ko na ulit sana yung pinto ng sumigaw ulit siya.

"Wait!" Binuksan ko ulit yung pinto.

"Oh?"

"Sweet Dreams! Sana mapanaginipan mo ako! I Love You! Mwaaaahhh!" Napangite ako . Nakakatuwa kaya. Nakakakilig pa. Their some butterflies in my stomach.

"Kadiri. Hindi bagay." Tumawa naman ako nun. Haha. "Sige. Good Night Ashley" Then
sinara ko na yung pintuan ko.

Bago ako bumalik sa study table ko, umupo muna ako sa kama ko. Bumuntung hininga na lamang ako. Gusto kong sumigaw. Napakagat ako sa labi ko. Abot
langit yung ngiti ko. Hahaha.

Napahiga ako sa kama ko. Hindi ko na mapigilan na yakapin yung unan ko tapos
magpapagulong-gulong. Nakakakilig talaga. Badtrip. Waaaaaa. Nasa gitna ako ng paglalabas ng kilig vibes ko eh biglang may bumukas ng pintuan ko.

Your GlimpseWhere stories live. Discover now