Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.
Chapter 11
Naghintay ako sa labas ng kwarto kung nasaan si Kuya Daniel. Nagsta-start na din
yung Basketball Boys ng 11th at 12th Naglalaro na si Ash. Kaso parang may nagpipigil sakin na manuod. Feeling ko kasi na parang mas gusto ko pang magpaka-chismosa dito sa nangyayarikay Kuya Danniel. Kasama ko ngayon si Gigi na bagot na bagot na. Mas gusto niya kasi na
manuod ng laro ng kanyang papa Ash."Ano ba yan?! bikx! Naglalaro na si Papa Ash!" O di ba? Sinabi ko naman sa inyo?!
Hahaha
"Ano ba?! Hindi ka ba nag-aalala kay Kuya Danniel?!" Saktong pagkasabi ko naman ay biglang lumabas si Ate Kim. Parang namumula yung mata niya. Halatang
kakatapos lang umiyak. "Ate Kim?" Yan na lang ang tangi kong nasabi sa kanya.Tumingala siya para pigilan yung luha niya. Ngumite siya sakin na parang walang
nangyare then ginamit niya yung pink niyang panyo para takpan yung mukha niya. Then, umalis siya kaagad."Hala, anong nangyari kay Ate Kim" Pag-aalalang sinabi ni Gigi sakin. Sigurado ako na meron ngang koneksyon 'to kay Kuya Daniel. Bakit ba kasi masyado akong
naiintriga?! Napapaisip tuloy ako. Dati naman walang ganito. Nakilala ko lang si KuyaDanniel, naging ganito na ang lahat. Sumilip ako dun sa kwarto and nakita ko si Kuya Danniel na nakahiga, nakataas pa nga yung paa niya habang hinahagis niya yung bola ng volleyball sa ceiling pero syempre, nasasalo niya pa din. Siguro, alam niya rin na andun ako. Napatingin kasi siya dun sa direksyon ng pintuan at napatigil na din siya sa pagva-volley nung bola mula sa ceiling."Aish?" tumingin ako sa likod ko para siguraduhin na hindi si Ash ang tinatawag niya kundi ako. Haha.
"Uh... Sorry... Aalis na ako..." Paalis na sana ako nun pero hinawakan ni Gigi yung
kamay ko para pigilan ako."H-hindi. Okay lang. Pumasok ka" Nakangiteng sinabi niya. So pumasok naman kami ni Gigi. Nahihiya pa nga si Gigi eh. Aba, ang baklitang 'to meron pa palang hiya?!
Haha. Hindi nga siya masyadong nagsasalita eh. Umupo lang kaming dalawa ni Gigi.
Sobrang tahimik, yung tipong nakakabinge na. Napapa-ubo nga si Gigi eh. Para lang
masabing may tunog kaming naririnig. Haha. Meron namang isang 11tht year na hindi ko kilala ang kumatok dun sa clinic."Kuya Greg, laban niyo na po sa senior... "Okaaay. Sino ang ano ba ang Kuya Greg ?!
HAHAHAHA. Laugh Trip. Tiningnan ko nun si Gigi na ang sama ng tingin sakin. Gusto
ko siyang tawanan. Nakita ko naman si Kuya Danniel na napapangite na rin. Gusto
kong tumawa ng malakas eh. Grabe."Che! Magkita na lang tayo mamaya bikx! Baboosshh.." Ngumite na lang ako sabay tango then umalis na si Gigi. Mukhang timang lang eh. Nawala yung mga tawa ko ng narealize ko na kami na nga lang pala ni Kuya Danniel yung nasa kwarto.
"Kanina pa ba kayo andyan?" Sa tanong niyang yun, halatang may tinatago siya.
"Uh... Hindi naman... pero..." Napatigil ako . Nagdadalawang isip pa kasi ako kung
tatanungin ko pa ba sa kanya.
YOU ARE READING
Your Glimpse
Teen FictionAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...