f i f t e e n

75 11 0
                                        

Copyright © by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.


Chapter 15



"Ako...."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay namayani ang katahimikan sa amin.

After a few seconds..

"HAHAHAHAHAHA" I laughed.

Ako lang yung tumawa ng mag-isa. Ahehe. Sige, mukha akong timang. Ako nga lang
kasi talaga ang tumawa. Inulit pa. Haha. Nagtinginan sakin yung mga tao mula sa iba pang kubo. Grabe, diba joke yun? Makisakay kayo sakin! Diba joke yun? Napangite lang si Ash . Okay. Mananahimik na lang ako. Ayaw ko na. Parang namumula ako. Buti na lang medyo madilim na nun. Tiningnan ko yung cell phone ko. 6:30 p.m na.

Patapos na yung party. Inaannounce na nung emcee na time for goodbyes na muna.

Ang drama e no? So yun, para makalimutan nila ang kahihiyan na ginawa ko. Yinaya ko
na silang lahat na umuwi.

"Umuwi na nga tayo!" Nag-ngitian silang lahat. Well, erase na lahat ng nangyare.

Sigurado ako na isa lang yun sa mga banat ni Ash. I'm sure talaga. Haha. Marami naman siyang alam diba?

"Sige bikx! Sabi mo eh" Then, nagtayuan silang lahat. Kasabay kong maglakad si Ash
. Ewan ko kung paano kami nagkasabay. Haha. Siguro, sinundan niya ako. Badtrip
siya no? Nag-ayos naman kami ng kaunti

. Tumawid na kaming lahat para maghintay
ng jeep. Si Gigi lang yung unang baba dun sa subdivision nila. Tapos kami nila Gian,
Joshua, Prince at Ash ay nakatira sa isang subdivision na mas malayo sa subdivision nila Gigi. Nakita ko naman si Kuya Danniel at Ate Kim na kakalabas lang ng school. Tatawid din sila papunta samin.

"Bye Aish. Ingat ka..." Sabi niya sakin habang nakangite siya. Ngumite lang naman ako sa kanya tapos nag-wave ako ng goodbye sa kanya. Bigla naman akong tinabig ni Ash. Tumingin ako sa kanya ng mataas kasi alam ko na intentional yun. Pero pinagtaasan niya ako ng kilay para sabihin na hindi talaga intentional yung pagtabig niya kahit halata naman na intentional lang talaga ang lahat. Mas naunang sumakay ng jeep si Ate Kim at
Kuya Danniel. Sumakay kami dun. Katabi ko si Ash sa right side nung jeep. Tapos yung apat eh andun sa left side. Magkakatabi sila tapos nakatingin sila samin ni Ash na sigurado ako na may
halong pang-aasar. Inirapan ko lang sila. Nakangite langsi Ash

Medyo sumusulyap kasi ako sa kanya ng paunti-unti para hindi halata. Then yun, una ngang bumaba ni Gigi. Ganun pa din yung tingin nila Joshua, Gian at Prince samin. Badtrip talaga yung apat na lokong 'to. Kung mang-asar eh. Hahaha.

Then yun, at last nakababa na din kami . Sumakay kaming tricycle.

Badtrip silang apat. Ako pa yung pinaupo dun sa charity seat! Grabe, ang gentleman
nila?! Grabe, ang kapal talaga ng mga mukha ng apat na 'to. Pinagtatawanan pa nila ako?!

Ano pa nga namang magagawa ko diba?! Humiwalay na samin si Prince at Gian kasi
yung bahay nila eh malapit sa mall. So kaming tatlo nila Joshua at Ash ang naglalakad papuntang phase namin. Kumaliwa na si Jerome kasi dun ang bahay niya syempre. So kami na naman ni Ash ang until the end eh nagkatuluyan este nagkasama sa paglalakad.

Your GlimpseWhere stories live. Discover now