s e v e n

83 9 2
                                    

Copyright© by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.



Chapter 7


Bumaba ako agad sa first floor. Tama nga ang hinala ko. Si Kuya Danniel nga.

Andun si mama. Kilala niya pala si Kuya Danniel. Siya lang naman daw kasi yung anak nung kliyente ni mama na ubod ng yaman. Isang 12th year student na may pag-aari ng isang BMW na kotse pero hindi nakakahingi ng allowance. Whoa.

Makikipagpustahan ako. Ang suot na suit niya ngayon ay nagkakahalaga ng sampung
libo pataas. Makalaglag panga naman ako nun. May dala nga siyang roses. Isang bouquet pa. May White. May Red. May Blue. Nanlaki yung mata ko. Anak ng kalahating patola.

Blue Rose. Eh sobrang mahal niyan. Ang hirap pang makabili niyan. Paano siya
makakabili ng ganyan kaagad?

Ghad. Masyado atang literal 'to. Prinsepe ka nga ba talaga? Haha.

"Uh ... Kuya Danniel?" Grabe. Mula sa mga salita ako. Omg.

"Sorry kung nabigla ata kita. Gusto sana kitang maging kadate sa SHS Ball" eh si Ash.

Gusto kong sampalin yung sarili ko ngayon. Paano si Ash? Huyyyy. Ano ba Aish?!
Dapat si Ash?! Badtrip. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Bigla namang may isang familiar na tao ang kumatok mula sa pintuan ng bahay namin.

Si Ash.Cheap man ang suot niya pero mas gwapo pa din siya.

Ano baaa? Ang hirap
naman mag-decide. Okay na ang lahat eh. Sumingit ka lang prince charming eh.

"Ready ka na ba Aish? Lika na" Isa pa 'tong wrong timing oh. Dapat mamaya ka na pumasok sa eksena eh.

"Uh ..."

"Ay, kadate mo pala siya?"

"Uh?" Okay. Fine. Ako na mukhang timang.

"Oo. kadate ko siya"

"Uh!" Pare-parehas lang sinasabi ko pero nag-iiba ang expression. Haha.

"Ow. Then, sabay-sabay na lang tayo na pumunta sa school. Pinahiram ako ni papa ng kotse. Andyan yung driver namin para ipag-drive kaming dalawa ni... I mean... tayong tatlo na pala..."

"Uhhhhh...." Nadagdagan na siyang ng madameng 'h'. Hahahahaha.

"Okay. Sige" Pumasok si Ash ng bahay namin tapos hinawakan niya yung kamay ko then hinila niya ako papalabas.

"Sige Tita Zari. Babalik ko ng buhay 'tong anak niyo. Don't Worry." sabi niya habang hila-hila ako.

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Naiilang ako. Pero okay pa rin. Gamit yung isa kong kamay, hinawakan ko yung ring na ginawa kong pendant. Ang tanda ng walang katapusang friendship namin ni Ash. Ang friendship namin na halos for 9 years na eh hindi pa din naglelevel-up. Haha.

Lumabas na rin si Kuya Danniel . Nakakapagtaka. Bakit siya ganun? Siguro dahil kliyente ni mama yung mommy niya kaya nakikipagclose siya sakin. Pero ano ngayon diba? Anong connect?

"Sa unahan ka Aish.." Nagtaka kami ni Ash kung sino ba samin yung pinapa-upo niya sa unahan. Na-gets niya ata yun kaya naman sinundan niya pa ng isa pang statement.

Your GlimpseWhere stories live. Discover now