Copyright © by @E-rindepity
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.
Chapter 17
Nginitian ko na lamang siya . Wala naman kaming napagusapan after that .Pinagpuyatan din
namin yung project na yun and ako pinakamaagang nakatapos sa kanilang dalawa ng project. Ang artistic ko kasi. Talent ko talaga ang pagdo-drawing ...Haha. Kaya naman tinulungan ko na si Gigi sa paggawa ng project niya. Baklita talaga. halos ako din yung gumawa nung project niya.Ang tamad niya talaga, grabe. Pero enjoy pa din naman kasi mas matagal kong makasama si Papa Ash. Joke. Hahaha. Nahawa na ako sa kalandian ni Gigi. Haha.
Sabay-sabay namin pinasa ang outputs namin pero ako na yung nag-volunteer na magpasa ng mga gawa nila. Gusto ko kasing tingnan yung gawa ni Ash.
Ai-ssSsh lang kayo. Haha.
Gusto ko lang naman makita kung ano bang nasa loob nung scrapbook niya. Baka naman scrap talaga. Joke! Haha.
Sa first page nung scrap book niya eh yung picture ng buong pamilya niya. Bata pa siya sa picture. Ang cute ! Haha. May caption
dun na 'I miss my Mom!'. Aww, baby boy. Kawawa si baby Ash, namimiss ang kanyang mommy. Haha. Then sa second page naman eh yung tropa niya. Malamang, andun si Prince , Joshua at Gian - nakasuot sila ng sando na black tapos nakapants sila pati astig na rubber shoes. Sige, sila na gwapo at dancer. Badtrip lang. Haha.Tiningnan ko yung susunod na page. Ineexpect ko na ako na yung susunod sa page. Kaso nadismaya ako nung nakita ko yung picture nilang dalawa ni Syrie na halatang well-decorated niya. Angcute nga eh.
Green and Violet yung motif nung page. Favorite ni Ash yung kulay na green and favorite naman ni Syrie yung Violet. Sa kulay pa lang na paborito nila, bagay na.
Kaya naman bagay talaga sila. Hahaha. Ako naman 'tong nasasaktan pero nagiisip pa rin ng mga fool analogies. Then, linagay ko dun sa next page. Akala ko ako na kaso picture pala nila ni Gigi na magkasama. Meron pang caption na 'Ang nagbibinatang tropa ko'.
Tagalog yun kaya for sure may minus point siya dun.
Haha. Ashungot talaga .
Ginawa yung scrap book na yun ayon sa sarili niyang kalokohan. Tama bang tawagin si Gigi nanagbibinata?! Pag nakita 'to ni Gigi, lagot siya sa baklitang yun. Haha. Then, next page ulet. Akala ko na naman ako na yung andun!? Kaso mga pinsan niya na yung andun?!
Badtrip. Paano na ako?! Nakalimutan na ba ako ng best friend ko? Naiinis na ako.
Halos gusto ko ng ilaglag yung scrapbook niya mula fourth floor at hindi na ipasa yung gawa niya. Haha. Joke. Pero kasi eeeehhhh, bakit wala ata ako? Flinip ko ulit sa mga sumunod na pages. Puro pictures ng relatives lang. Then, pagdating dun sa dulong page.
Dun na ako nawawalan ng pag-asa na kasama ako dun sa scrapbook niya then biglang nanlaki yung mga mata ko nung may apat na picture kaming dalawa ni Ash na magkakasama sa isang page. Yung una picture nung halos pre-school pa lang ata kami tapos nakain kami ng lasagna pareho at ang ayos namin. Sa pangalawang picture, yun yung picture nung elem kami. nasa may playground pa kami ng school namin. ang cute naman naming dalawa ni Ash. Haha. Then dun naman sa sumunod na picture eh picture namin nung 10thyear kami, naka-akbay siya sakin.
YOU ARE READING
Your Glimpse
Fiksi RemajaAishera Sirius Ramirez is her name. The girl with a perfectly imperfect life kung maituturing niya. A nobody that has a famous boy best friend. Love and adore by everybody. A story about Best friends. Love. Friendship. Sacrifices. Sa lahat ng baga...