t w e n t y - s i x

40 1 0
                                    

Copyright © by @E-rindepity

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved.
E-rindepity 2017.

------------------------------------------------------

Chapter 26

Nagtaka ako ng sobra kay Kuya Danniel. Pero ayaw ko na rin pansinin yun, baka masira lang ang buong fieldtrip ko kakaisip ng mga kung ano mang meaning ng gestures ni kuya Danniel. Nagpatuloy kami sa pagkain at sa aming pagkwekwentuhan. tawanan kami ng tawanan lalo na nung umapaw yung laman nung coke-in-can ni Nathan.

Ang saya nga nun eh. Pati yung ibang estudyante na schoolmates namin nakisali na rin sa tawanan namin. Pagkatapos naming kumain, yung iba samin tulad ni Gigi, Nathan at Ash ay naggala na naman at nagpicturan. Niyaya din nila ako kaso ang sakit na ng paa ko sa kakalakad kanina. Nakakapagod kaya no! Daig ko pa ang nag 1 kilometer run. Si Ate Kim naman at si Ate Kez ay nakipagkwentuhan muna sa mga classmates nila.

As usual, si Gian at Joshua meron na namang trip. Ewan ko kung ano. Bahala na sila. Haha. Pasimuno talaga ng kalokohan kahit kelan si Joshua eh?! So yun kaming dalawa lang ni Kuya Danniel yung natira dun sa table. Medyo nahihiya naman ako. ewan ko din kung bakit.

Nagulat naman ako ng biglang hindi ako pinansin ni kuya Danniel. tumayo din siya tapos naglakad-lakad siya. hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Ano ba yan!? ako ng pambansang loner. sana pala sumama na lang ako kay na Ash. Pero okay na din 'to. feel na feel ko naman nun yung malamig na simoy ng hangin. amoy na amoy ko na ang pasko. Haha.

Napatingin naman ako sa paligid ko then nilingon ko yung way na pinuntahan ni kuya Danniel. feel ko sobrang laking pride yung dapat lunukin ko bago ako nakatayo at pagpasyahan na sundan siya. pero kahit gaano man kalaki ang ego ko, naisipan ko na ring pumunta dun sa pinuntahan ni kuya Danniel. Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Hindi ko dinalam. Diba pwede naman siguro na si Ash na lang ang puntahan ko? bakit si kuya Danniel?

Pati ata ako naguguluhan na din sa sarili ko. bahala na. Sana hindi ko na lang makita si kuya Danniel. Sana hindi siya hanapin ng mga mata ko... pero parang kahit anong dasal ang gawin ko... parang meant to be ata kaming 'tong si kuya Danniel.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa isang tabi. natingin lang siya sa paligid. Nagtaka tuloy ako. Pwede naman niya akong yayain na pumunta kasama ako diba? Gusto kong pigilan yung mga paa ko sa paglapit sa kanya pero hindi ko alam kung anong tawag sa force na yun na nagtulak pa rin sa mga paa ko na lapitan siya...

Ano bang meron sa kanya?? Hindi ko na siya crush eh. Sigurado ako sa sarili ko.

Hindi ko rin siya gusto... mas nakakakasigurado ako dun... at hindi ko siya mahal... alam ko yun... kay Ash ko lang naramdaman ang lahat ng yun pero anong meron kay kuya Danniel? bakit parang of all people sa kanya ako napupunta? linapitan ko siya nun. Mukhang nagulat siya nung nakita niya akong nasa harapan niya. Madaming tao na dinadaanan kami.

Siguro, nagtataka sila pero wala na akong pakielam. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Bumilis yung pagtibok ng puso ko habang nakatingin sakin si kuya Danniel. Parang anytime tatalunin pa ng pagsabog ng puso ko ang bagsik ng superlolo tuwing bagong taon...

"kuya Danniel?" malumanay kong binigkas yung pangalan niya. Nginitian niya ako pero ako naman etong hindi makangite. hindi ko alam kung anong rason. Naguguluhan na ata ako. nababaliw na nga ata ako eh! Hahaha! wag naman sana.

Your GlimpseWhere stories live. Discover now