Continuation of Part 2

416 12 2
                                    

Tinanggap ko yung kamay niya "Aryana Marie Sanchez" i said and I smiled at him. Hindi naman ako ganun kasungit. Pagkasabi ko non dumating na yung prof namin.

"Sorry class I'm late! So I'm gonna give you some orientation about the subject and then you can all go because the professors will be having meeting at exactly 1 pm, so I need to be prepared." So ayun inorient niya lang kami at umalis na. Hmm.. Ano ng gagawin ko niyan? Saan ako pupunta? Nakakalungkot naman at sakit mag isa. Ang sakit sakit.

"Aryana do you want to have lunch with me? Tara sa canteen. Wala kasi akong pupuntahan niyan. Para makabawi na din ako sa nagawa ko kanina sayo"

"Sorry pero di kasi yung tipo ng babaeng sumasama sa hindi ko pa masyadong kilala.."

"Ahh ganun ba.."

"Joke! Hahaha. Tara gutom na din naman ako"

Nakita ko naman siyang ngumiti at nauna nakong lumabas ng room sakanya at nakita ko naman siyang sumunod.

"Aryana di mo ba ko naaalala?"

"Ha? Bakit nagkita na ba tayo?"

"Oo alam mo nung enrollment, ako yung nakabunggo sayo." Nahihiyang sabi niya.

"Ahhh! Kaya pala familiar ka! Ikaw ah kaya pala gusto mong bumawi. Ang dami mo na palang atraso sakin"

Nakarating na kme sa canteen. Buti nalang wala masyadong students. Nakahanap kami agad magandang uupuan.

"Aryanaaaa!" Sigaw ng isang babaeng familiar ang boses at pagkatingin ko si Janin lang pala, best friend ko nung highschool.

OMG si Janin yung bestfriend ko!! Dahil sa tuwa ko niyakap ko siya na may pa talon talon pa. "Bessy!! Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa America kana?!"

"Hindi na natuloy kasi nagkaproblema ang parents ko kaya nag decide akong dito nalang mag aral!! Hindi ko alam na dito ka din pala!!" Patalon talon at pasigaw niyang sabi.

Tuwang tuwa naman ako na andito ang best friend ko kasi nung bakasyon pa yan umalis nagpuntang US. Alam mo yung feeling nanakakita ka ng maraming chocolate sa harap mo. Ganun yung feeling ko ngayon!!Pero bigla kong naalala na may kasama pala ako.

"Bessy si Kenjie pala, classmate ko"

"Hi I'm Janine!"

"I'm Kenjie.. Uhm Aryana baka makaistorbo ako sa inyo. Ano kaya kung mauna na ko?"

"Nako okay lang ikaw ang first friend ko dito sa campus kaya sabay sabay na tayo kumain. Okay ba yun bessy?"

"Nako bessy sorry kakatapos ko lang maglunch and may aayusin pako with my parents later. I'm so sorry I can't eat with you guys. Maybe next time." Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Ayoko sa lahat yung nirereject ako eh. Pero baka talaga importante so ayos na nga.

"Ganun ba osige basta tawagan mo nalang ako after. Ang dami na nating namiss sa isa't isa.. So sad.."

"Aww yes I promise.. I will call you later. Mwa. Bye bessy. Bye Kenjie!" sabi niya at umalis na.

"Kenjie anong gusto mong kainin??"

"Ikaw dapat tinatanong ko niyan e. Anong gusto mo?"

"Sabay nalang tayo bumili haha"

At ayun sabay nga kaming bumili at umupo agad sa pwesto namin at kaagad ng nagsimula kumin.

"Bakit nga pala Business Management kinuha mong course?" Tanong ko kay Kenjie.

"Kasi my parents has business in US. That's why haha.. How bout you??"

"Ewan trip ko lang.. Wala nakong mapili e haha.. Dejoke kasi gusto ko magtayo ng sariling negosyo sa future.."

"Anong business yan?"

"Ano siguro coffee shop, botique, resto at marami pang iba.." Naka smile kong sabi pagkatapos nguyain yung kinakain ko.

"Haha so you need to work hard to achieve all of your goals."

"Oo kaya dapat ngayon palang nag iinvest nako haha.."

At patuloy ang aming kwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain.. Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Ang saya niya kasi kausap at marunong din siya makinig. Kapag nagkukwento ako talagang alam kong nakikinig siya dahil nagsstop talaga siya kumain haha ang cute niyaa.. Buti nalang may bago nakong kaibigan dito sa Dream Academy. :)


(A/N: Itutuloy ko pa ba? Haha parang ang pangit kasi ee.)

MY SEATMATE, MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon