Part 10: Paglayo kay Crush

238 8 0
                                    

Simula nang ipagtapat sakin ni Janine na may gusto siya kay Kenjie at nang ipagtapat din niya sakin na siya yung tinutukoy ni Kenjie na nilagawan niya pero binasted siya, nilayuan ko na siya. Nilayuan ko na si Kenjie. Nilayuan ko na yung crush ko.

Kasi sinabi din sakin ni Janine na kaya lang lumalapit sakin si Kenjie ay para mapalapit ito sakanya muli. In short ginamit lang ako ni Kenjie. Akala ko pa naman gusto na din niya ko. Nakakainis! So ibig sabihin pala yung halik niya na yun sakin wala lang?? Siguro friendly kiss lang yun at mahilig talaga mantrip. Ako naman ito si assuming. Akala ko lang pala..

Pero kahit na ganun namimiss ko parin yung katabi ko.. Yung tipong aayain niya ko kumain pagkatapos ng klase tapos nagkukwentuhan ng kung ano ano.. Kapag naiinip siya bigla nalang akong kikilitiin.. Kapag nabobored siya bigla nalang hahawakan yung buhok ko na kunwari inaayusan pero hindi naman marunong haha.. Kapag nakita niyang seryoso ako sa pakikinig sa prof bigla nalang tititigan ako at kapag nakatingin nako magpapacute nalang bigla.. Lahat ng iyon unti unti nang nawawala.. Dahil ako na yung lumayo.. Ako na yung umiwas.

Ayoko namang mag away kami ng best friend ko ng dahil lang sa isang lalaki. Buti nalang pala hindi ko sinabi ang totoo kay Janine, na gusto ko na din si Kenjie kung hindi mag mumukha akong tanga. Pero ayos lang.. Matagal na din naman pala akong tanga.

Nung sinabi sakin lahat ni Janine ang katotohanan. Naintindihan ko siya agad. Hindi naman ako nagalit sakanya kasi simpleng bagay lang naman yon at hindi na dapat palakihin pa. Hindi iyon naging dahilan para masira ang pakakaibigan namin.

At..

Dahil malapit na ang finals. Kailangan ko ng mag review. At nandito ako ngayon nag rereview sa room dahil isang oras nalang mag sstart na ang exam. Nakapag review naman ako nang maayos kaya kampante naman ako na hindi ako babagsak. Pero ang iniisip ko ngayon sakanya pala ako bumagsak. Nakakatawa. Nakakatawa talaga ako. Pero ang totoo.. Nakakaawa ako dahil wala palang sasalo.

"Ara nagsend nako sayo ng mga pictures niyo ni Kenjie sa messenger tignan mo haha kakiliiig!" Sabi ni Kate sakin.

"Ngayon ko lang nasend kasi naman kakagawa lang ng wifi sa bahay. At nagpalit kasi ng password yung kapitbahay namin." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Okay lang haha"

"Pansin kong hindi na kayo masyadong nag uusap ah.. Pwede bang malaman kung bakit??" Dagdag pa niya.

"Wala busy lang kami"

"Team KenjiNa parin ako Ara wag ka mag alala!! Fighting!!"

Seriously?? Yung team kenjina na yan.. Yan yung simula ng lahat e.. Jan nagsimula na umasa ako. Umasa akong may gusto din siya sakin.. Umasa ako na pwede magkaroon ng kami. Na pwedeng mapasayo yung crush. Na pwedeng magustuhan ka din ni crush.

Speaking of crush.. Andito na siya.. At as usual magkatabi na naman kami. Reyes at Sanchez e.

"Hi" bati niya sakin.

"Low" sabi ko naman.

Ganyan lang kami simula nung nalaman ko lahat. Di naman ako galit. Kasi una sa lahat wala naman siyang dapat ipaliwanag sakin. Dahil seatmate nga lang kami diba?

MY SEATMATE, MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon