Part 6: Acquaintance Party

308 6 0
                                    

Isa sa mga kaabang abang na party ang acquaintance party kaya hindi ko ito palalampasin.

Nag aayos ako dito  sa bahay ni Kate, hassle kasi kung uuwi pa ko sa bahay dahil may pasok pa kami kanina kaya nakiusap ako sakanya na dito nalang mag ayos. And dahil mabait siya, pumayag naman siya.

"Aryana pwede mo ba kong lagyan ng eyeliner? Nanginginig kasi yung kamay ko e.

"Sure tapusin ko lang yung sakin."

"Wooow ang ganda mo talaga Aryana. Ang galing mong mag make up at at at yung outfit mo. I really like it. Simple lang pero ang gorgeous tignan sayoo! Kyaaah! Kaya idol kita e." Hindi ko naman alam ang sasabihin ko  sakanya kasi naman simple lang talaga ang makeup at outfit ko. Since CBA kami, naka all black ako, black dress, black heels and yung naiba lang with white pearls accessories.

"Talaga ba? Haha thank you. Osige akina. Lagyan na kita ng eyeliner."

Natapos na kaming mag ayos at nag punta na sa party. Sa gym ng school gaganapin ang party kaya nilakad nalang namin mula sa bahay nila Kate. Medyo nakaka conscious maglakad ng nakaayos sa daan dahil ang dami nakatingin. Pero keri lang.

Pagpasok namin marami ng students at maingay na sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok namin marami ng students at maingay na sa loob. Dim din ang light kaya diko masyadong makita ang mga classmate namin.
"Once again I welcome you freshmen to your Acquaintance Party. Enjoy the rest of the night!" Sabi ng emcee at nagstart na yung mga mag peperform. Hinahanap ko si Kenjie kanina pa pero hindi ko talaga siya mahanap. Asan na kaya yung lalaking yun?? Pupunta kaya siya?? Hindi ko siya nakita kanina sa klase. I miss him already..

Nagpa-party party na kami ngayon sobrang lakas ng sound at ramdam na ramdam ko yung vibrations pero ayos lang dahil nag e-enjoy ako. Kahit na nageenjoy ako si Kenjie parin ang hinahanap ko. Hindi ko alam kung isa ba siya sa mga sumasayaw kanina kasi hindi naman ako nanuod nahihilo kaya ako sa pailaw nila hindi ako sanay sa ganun.

"Hi Ara!" Sigaw ni Carlo sakin.

"Hello!" Smile ko naman.

"Okay lang ba isayaw kita mamaya?!"

"Ano?!"

"Isayaw kita mamaya!?"

"Ah! Osige!"

"Crush kita!?"

"Ha?! Sorry di kita marinig?!

"Sabi ko ang ganda mo ngayon!?"

"Hahaha salamat naman!"

Sakto bigla nalang naging slow dance ang song at lumiwanag ng konti sa gym. Nakita kong nag start na maghanap ng partner ang ibang students at nakikita ko din ngayon si Carlo na papalapit sakin.. Nang biglang may humila sakin mula sa likod kaya umikot ako at muntik na ma out of balance pero may sumalo sakin.. Sinalo ako ng crush ko.. Sinalo ako ni Kenjie..

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MY SEATMATE, MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon