Part 7: Dance with my crush

282 7 1
                                    

Sinalo ako ng crush ko.. Sinalo ako ni Kenjie..

Pagkasalo niya sakin, inayos naman niya ko ng tayo. Magkaharap na kami ngayon. As in magkaharap at sobrang lapit namin sa isat-isa na halos maamoy ko na yung pabango niya. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilagay yun sa balikat niya habang ramdam konglg inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Nagsimula na siyang gumalaw at sinusundan ko lang siya. Left.. Right.. Left.. Dahil sa nangyayari ngayon hindi ko marinig ang music mas nananaig ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Habang sumasayaw ay nakatingin lang kami sa isat isa kanina pa, wala ni isang nag sasalita samin. Hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"You're beautiful" mahinang sabi niya pero dinig ko naman.

"Ano?" Pagkukunwari kong sabi

"Isasayaw ka yata ni Carlo sabi ko?" Kunot noo niyang tanong.

"Oo kaya lang bigla kang dumating" haha ang cute ng expression niya. Nagselos ba siya??

"Gusto ko ako ang una at huli mong sayaw" hindi ko malaman kung ano ba dapat ang lumabas sa bibig ko pagkasabi niya non.

"H-ha?!" Hinawakan naman niya ang ulo ko na parang bata.. Ayan nanaman siya.. Pinalalakas nanaman niya ang tibok ng puso ko.

"Sabi ko bakit ang ganda mo?"

"Wala e ganyan talaga" pag iiba ko ng mood. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Bakit ka pala late?" Dagdag ko pa.

"May inasikaso lang ako kanina sa bahay kaya medyo nalate ako"

"Ahhh.. Akala ko isa kana sa mga sumasayaw kanina e. Haha!"

"Hindi mas importante pa dun yung inasikaso ko."

"Naaks. Seryoso ba yun? Ang seryoso ng tono mo."

"Oo haha. May itatanong ako sayo?"

"Ano yun?"

"Nagkaboyfriend kana ba?"

"E ikaw nagka girlfriend ka na ba?"

"Answer me first because I asked first."

"Tss. Hindi pa. Bata pa ko no. Siguro ikaw nag karon na no?"

"Haha alam kong gwapo ako pero pihikan ako sa babae kaya wala pa kong naging girlfriend. Pero may niligawan ako noon kaya lang hindi umepekto yung charms ko." Pagmamayabang na sabi niya. Totoo ba yun? Sino kaya yung babaeng hindi siya sinagot? Mas maganda pa kaya yun sakin? At bakit naman hindi niya sasagutin si Kenjie?

"Ang yabang mo kasi kaya ayan di ka sinagot haha"

"May sasabihin pako.. Gusto kong malaman mo na gusto na kijsnxhska.."

Biglang napalitan ang music ng napakalas na rock sounds kaya hindi ko na narinig pa ang mga huli niyang sinabi..

"ANO YUN? ANO GUSTO MO?" bigla naman siyang nahiya at kinabahan na parang hindi alam ang sasabihin.

"SABI KO GUSTO KO IHAHATID NA KITA MAMAYA PAG UWI DAHIL GABI NA SA DAAN" yun ba talaga yung dapat sasabihin niya? Hmm.. Akala ko sasabihin na niyang gusto niya ko e haha. Assumera talaga ko.

"AH OSIGE AKALA KO.."

"AKALA MO ANO?"

"WALA HAHA SAYAW NA LANG TAYO"

Baka sabihin pa niya napaka assumera ko kung sasabihin ko yung nasa isip ko. Alam ko namang kaibigan lang yung tingin niya sakin e.

"Ayaw mo iangkas nalang kita sa scooter ko? Haha." Biro ko sakanya.

"Sumakay kana sa kotse. Ihahatid ko nalang yan bukas sa inyo since wala naman pasok bukas."

"Okay fine" hindi si Kenjie ang nagmamaneho dahil wala pa daw siyang lisensya hindi pa narerelease pero malapit na daw. Dito ako nakaupo sa likod magisa. Kasi naman parang iniiwasan ako ni Kenjie, tahimik lang tuloy ako sa buong biyahe. May nagawa ba kong masama?

"Dito nalang po!" Sabi ko kay manong driver. Pagkahinto ng kotse, agad nakong bumaba at nagpasalamat kay Kenjie sa paghatid sakin.

"Hindi mo man lang ba ko papapasukin sa bahay niyo?"

MY SEATMATE, MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon