Part 12: The Revelations

240 10 0
                                    

Kenjie's POV

Wala akong idea na best friend pala ni Janine si Ara. Hindi ko alam. Oo hindi ko talaga alam. Paano ko malalaman kung wala namang nababanggit sakin si Janine?

Oo niligawan ko nga si Janine pero nung high school pa yon. Matagal na. At dahil mag kaiba kami ng school, hirap akong manligaw sakanya. At dahil din don kaya binasted niya ko. Dahil wala akong time sakanya at parang hindi naman daw panliligaw yung ginagawa ko.

Dati hindi ako yung tipo ng lalaki na susuyuin yung babae para lang makuha ito. Hindi din ako yung mag tiyatiyaga dahil alam kong maraming babae jan. At ganun ako noon.

Pero nang makilala ko si Aryana nag iba lahat. Gusto kong gawin lahat para sakanya. Gusto kong nakikita yung ngiti niya. Gusto ko lagi ko siyang kasama at kausap. Masaya ako kapag katabi ko siya dahil nakukulit ko siya. Kapag kasama ko siya lagi lang akong nakangiti.

Una ko palang siya nakita nagandahan nako sakanya. Pero nung mas nakilala ko pa siya.. Mas nagugustuhan ko siya araw araw.

Nung nalaman ko nga na mag kaibigan sila. Hindi naman ako natakot dahil alam kong wala namang kami ni Janine at isa pa hindi naman naging kami. Kaya hindi iyon naging dahilan para iwasan ko si Aryana. Pumunta pa nga ako sa bahay nila e. Nalaman kong magisa lang pala siya dahil nasa abroad ang parents niya.
Nung acquaintance party sobrang ganda niya. Halos ayoko nga na mawala siya sa paningin at ayokong makita siya na may kasayaw na iba kaya hinatid ko na siya pauwi.

Nagka problema lang ako nung nalaman ko na may gusto parin pala sakin si Janine. Pinilit kong ipaintindi kay Janine na wala na akong nararamdaman sakanya. Kaya na late ako sa party dahil nag usap kami dun ko sinabi sakanya lahat. Sinabi ko sakanya na wala na akong gusto sa kanya at si Aryana na ang gusto ko. Sinabi ko pa nga sakanya na balak ko ng ligawan si Aryana e.

Akala ko naintindihan niya. Akala ko okay na. Hanggang sa naramdaman kong nilalayuan ako ni Aryana. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan. Pinilit kong mag reach out sakanya pero iniiwasan parin niya ko. Hanggang ngayon ganun parin. Wala naman akong magawa dahil kapag kinakausap ko siya ang tipid tipid ng mga sagot niya.

Hindi ko na siya pinilit pa dahil gusto ko siyang bigyan ng space. Baka nasasakal ko na siya.

MY SEATMATE, MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon