To Bessy Janine:
Good night bessy! Thanks for the food kanina. So charap. Bagay talaga sayo ang HRM. :)
From Bessy Janine:
Ikr. Haha good night din bessy! :)
[ 1 text message ]
From Kenjie Reyes:
Sorry kanina Amarie :(
Good night. See you tomorrow :(
---
Tss. Tas ngayon text text pa siya. Nako nako. Pasalamat siya crush ko siya kung hindi. Haha. Nag effort pa talaga siya mag text. Kyaaah! Kinikilig ako.
Katulad ng sabi ko kanina. Bago ako natulog sinave ko muna yung pics namin ni Kenjie sa phone ko. Syempre habang ginagawa ko yun kinikilig parin ako. Hihi. Kahit si Janine hindi alam na crush ko na si Kenjie kaya dapat walang makaalam non dapat maunang umamin si Kenjie. Bwahaha.
Pagkapasok ko sa room hinanap agad ng mata ko si Kenjie pero wala siya. Nasan ka yun??
Nilagay ko yung bag ko sa seat ko at nilapitan si Kate, wala pa namang prof e. Close kami ni Kate kahit papano siya yung parang bestfriend ko dito maliban kay Kenjie at Janine.
"Huy kate ikaw ah. Kinukuhaan mo pala kami ng picture ni Kenjie ah. Grabe ka" pakipot kong sabi sakanya.
" Sorry na.. E kasi naman ang cute niyo tignan at bagay kasi kayo ee.."
"Ikaw lang ba ang may pakana non?"
"Hindi ah. Marami kaya kami."
"Sino sino kayo??"
Mga sampu yata silang may alam dito yung iba mga close friend ko sa klase. And take note nalaman kong may group chat pa pala sila at dun nila lahat sinisend lahat ng mga pictures namin. Nakooo. Ano kaya magiging reaksyon ni Kenjie pag malaman niya to? Matutuwa kaya siya? O baka magalit siya? Omo wag naman sana..
"Ayan na siya Yana!!" Kinikilig at may kasama pang yugyog na sabi ni Kate. "Aray." Napatingin naman ako sa direksyon ng tingin niya and as usual nakita ko si Mr. Right ay este si Kenjie pala. Naglalakad siya papunta sa direksyon namin ngayon ng bigla siyang matapilok. Oo natapilok nga siya haha. Joke hindi talaga inimagine ko lang yon kasi naman napaka manly niya maglakad e nakakamangha lang..
"Let's talk." Seryosong sabi niya. Pero pabebe ang lola mo kaya hindi ko siya pinansin ay tumingin sa ibang direksyon na parang hindi ako ang kausap niya. Pero hinawakan niya ang kamay ko at wala akong nagawa kundi mapatayo at mapasunod ako sakanya. Kinikilig nanaman ako. \\^_^\\ Pero syempre di ko pinapahalata. At namalayam kong nasa garden na pala kmi ng school. Oo may garden ang school na to.
"About what I've said yesterday, I'm really sorry for that. I didn't mean those. Hindi naman malayo na magkagusto ako sa tulad mo kaya wag ka ng magtampo okay?"
"Yeah right." Pabebe kong sabi pero deep inside sasabog nako sa tuwa.
"I like you as a friend. Alam mo namang ikaw lang yung close kong babae dito sa campus diba? Biro lang talaga yung sinabi ko. Kilala mo naman ako right? Halos araw araw na tayong magkasama and hanggang ngayon di mo pa rin ako memorize." Ano daw?? He likes me?? Kyaaah!! Pero as a friend lang?? At ako lang naman talaga ang close niyang girl dito eversince haha. I'm so proud of myself. "Ano kaba ayos lang ako Kenjie! There's no need for explanation. I totally understand you. At alam ko namang joke lang yun haha. Nag drama lang ako haha. I gotcha! Hahaha."
Pero seriously?? He likes me as a friend?? Na friend zone ba ko kanina?? Pero hindi ko naman siya nililigawan kaya hindi ako na friend zone. Hindi niya alam na crush ko siya. Mas maganda na yung ganun para nakakalapit ako sakanya haha. Baka mamaya lumayo pa siya. I just need to be positive. Fighting!!
#Friendzonedtoday
#Bepositive
BINABASA MO ANG
MY SEATMATE, MY CRUSH
Fiksi RemajaFirst story ko to, and requested ng pinsan ko. Lol haha. Hope you like it. :) Syempre sa college seryoso na dapat.. dapat wala ng laro laro kasi yan yung start ng career natin but of course di parin pwedeng mawala yung kilig hihi.. kaya paano kung m...