Part 4: KenjiNa Loveteam

350 7 0
                                    

Nasa klase kami today Principles of Management ang subject. Dahil medyo boring yung prof e medyo maingay din yung klase.

"May naiintindihan kaba?" Tanong ng katabi ko.

"Wala" sabi ko kay Kenjie. Bigla nalang siyang nakikipag apir sakin at inapir ko naman. May narinig naman akong nag bubulungan sa likod namin "Ayiiih.. Haha kenjina forever" at nakita kopa na nakatutok yung phone nila samin ni Kenjie na parang pinipicturan kami. Pero pinag walang bahala ko nalang.

Mabilis na natapos ang klase at uwian na naman.

"Amarie tara gawin na natin yung assignment sa PrinMan bago tayo umuwi" aya sakin ni Kenjie

"Nako sorry Ken. May date kasi ako ngayon e"

"Ha? Date? Kanino? Sinong kasama mo? At sino namang makikipag date sayo?" Nang aasar na sabi niya.

"Tss. Ang sama mo talaga no? -.-"

"Sino nga??" Worried na tanong niya. Worried talaga? Haha

"Remember my best friend? Janine? Ngayon lang kasi yun nagka time makipag meet sakin e. Akala mo siguro lalaki no? Selos ka naman? Haha" nang aasar na sabi ko sakanya.

"Hindi ah. Why should I? Haha." wow ang kapal niya ah. I admit medyo nainis ako sa sinabi niya. Kaya naman iniwan ko nalang siya dun mag isa. "Teka! Saglit lang Amarie! Huy! Joke lang yun!" Hindi ko na siya pinansin at umalis nako dala ang scooter ko.

"Asar siya! Akala niya naman! Haaay kaasar diko siya mapaptawad sa sinabi niya!!" Sambit ko habang nakasakay sa scooter. Diba nakakainis naman talaga yung ganun? I mean ang mean niya kaya!! Ang sama niya talaga hindi niya dapat sinabi sakin yon kahit joke lang huhu. Ang sakit sakit.. Hindi pa nga kami, sinasaktan niya na ko. Malinaw na sakin ngayon na crush ko siya. Gusto ko siya kaya ko siguro nasabi yon, kaya siguro nasasaktan ako ngayon.

Andito nako ngayon sa bahay ni Janine. Dito namin napiling mag kwentuhan. Nag door bell ako at binuksan naman agad ng maid nila. Masasabi kong di hamak na mas malaki at mas maganda ang bahay nila kaysa samin. Pero kahit na ganun napaka down to earth na tao ng bestfriend ko, hindi mo siya makikitaan ng kayabangan di tulad ng ibang mayayaman parang si Kenjie lang kahit mayaman mayabang haha joke.

Papasok nako sa malaki nilang pinto at nagulat ako sa nakita ko! Dim ang light at at! May nakaputing babae sa harap ko at nakaharang ang mahaba niyang buhok sa kanyang mukha. Kamukha niya si Sadako. Sa takot ko hindi ako makasigaw. Hindi ako makagalaw.

"Bwa bwahahahahaha!!!" Halos mapaiyak na sa kakatawa si Sadako. I mean teka.. Janine! Nilapitan ko siya at tinulak tulak sa sahig. "Bwisit ka Janine!! Ang lakas din ng trip mo ha!! Muntik nakong atakihin sa ginawa mo!! My gosh!!" Siya naman tawang tawa parin. Parang hindi na nga siya makahinga dahil sa kakatawa. Letxhe pagtripan ba naman ako!! Nagkunwari akong palabas ng bahay nila at bigla naman niya akong niyakap. "Sorry na bessy!! I love you! Haha! Sorry na talaga! Namiss ko lang ang bessy ko!"natuwa naman ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya at niyakap din. "Kainis ka! Wag mo ng ulitin yon ha!" sabi ko. "Oo na haha!"

Andito ako sa room niya at nakikigamit ako ng PC niya para gawin na yung assignment ko sayang oras e. Nagluluto pa kasi siya sa baba ng kakainin namin. Nang matapos ako sa assignment ko. Inopen ko yung FB ko. At may 3 unread messages ako. Tinignan ko. Yung una sa groupchat ng section namin, 2nd kay mama ko, pangatlo galing sa classmate kong si Kate. Inuna kong buksan yung kay Kate at nagulat ako slash kinilig. Nagsend siya ng mga pics namin ni Kenjie. Ang dami sobra. Bawat yata angle meron, lalo na yung mga moments namin na magkatabi at nag chichikahan kami sa room haha. Ang cute tignan. Natutuwa ako habang pinagmamasdan ko yung mga to. Bawat puntahan namin sa part ng school meron talaga. Ganun ba sila ka fan namin? Haha. But I admit.. Nakakatuwa pala kaming tignan sa malayo.. Isesave ko to mamaya sa phone ko. ^_^

#TeamKenjiNaForReal<3

MY SEATMATE, MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon