At may narinig naman akong nahulog ng malakas. Parang tao yata yon. Sa gulat ko bigla ko nalang binuksan yung pintuan ng kwarto ni Kenjie. At hindi ko inaasahan yung nakita ko.
I just saw Janine na nasa sahig at si Kenjie naman nasa kama at walang damit pang itaas.
Bigla nalang akong tumakbo palabas hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.
Bigla namang may humablot sakin pabalik.
Sinampal ko si Kenjie.
"Bitawan moko!!" At nagpupumiglas ako sa mga hawak niya
"Ano ba bitawan mo sabi ako e!!
At the blink of an eye, nakita kong nasa sahig na si Kenjie at may dugo sa labi.
"Hindi ko alam na ganito pala yung madadatnan ko dito. Walang hiya ka talaga Kenjie!"
Hinila ako palabas ni Benjamin.
"Teka! Amarie!" Pasakay na kami ng kotse ng bigla akong hilahin ni Kenjie.
"Bakit ka umiiyak? Bakit parang apektado ka?"
Sinampal ko siya ulit habang umiiyak.
"Tanga ka ba?"
"Mahal mo ba ko Amarie?" Tanong ni Kenjie
Matagal bago ako sumagot, dahil hindi ko alam ang sasabihin sakanya.
"Hinde." Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sakin.
"Totoo ba yan? Ni minsan ba hindi mo ko nagustuhan?" Nangingig na sabi niya na para bang paiyak na siya.
"Hinde."
Nakuha pa niyang ngumiti at tumawa.
"Eh bakit ka umiiyak? Bakit parang nagseselos ka?""Pwede ba! Tigilan mo nako!" Sabay pasok ko sa kotse ni Benajmin.
At umandar na nga ang kotse.
"Ang tanga tanga ko talaga!! Hindi na dapat ako nagkagusto sa lalaki na yon e!! Waaaah" sabi ko habang naka yuko at nagwawala sa kotse.
Pagka angat ko ng ulo ko. Si Kenjie na pala yung nag dadrive. Wait what the!!!??
"Hoy anong ginagawa mo dito!! Itigil mo tong sasakyan!! Bababa ako!!!"
"Hindi pwede!" Sabay wink niya.
At nagawa pa talaga niyang mag biro at this moment. Wala nakong nagawa kung hindi umiyak muli na parang bata. At hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Andito na tayo!"
Nagulat ako sa ganda ng view. Hindi ko alam kung nasaan kami pero parang hotel yata to. Na may magandang view sa labas parang tagaytay.
"Hoy nasan ako? Bakit dinala mo ko dito? Ibalik mo ko samin!"
"Magpahinga kana muna jan. Bukas na tayo uuwi" seryoso niyang sabe
"Anong bukas? Marami pakong dapat gawin kaya pwede ba bumalik nalang tayo sa manila."
"Gusto mo bang mag swimming?" Tanong niya
"Ayoko nga. Wala nga akong dalang damit e"
"Edi hubarin mo yang damit mo at suotin mo ulit.
"Siraulo ka ba?"
"I'm serious"
"No way!"
"Hahahha I'm just kidding. May damit ka jan sa cabinet mamili ka nalang. Kaya sige na magbihis kana at kakain pa tayo mamaya sa labas."
Unknowingly, sinunod ko nalang yung utos niya at di ko namalayan na nag sstart na naman akong kiligin.
Pagkatapos ko magbihis, nag ayos ako ng konti. At dumiretso agad ako sa labas dahil may nag assist naman sakin nauna na daw kasi si Sir Kenjie.
"Ma'am ang swerte swerte niyo po sa boyfriend niyo. No wonder why napakaganda at blooming po ninyo."
Nag smile nalang ako kay ate at dumiretso sa tinuro niyang daan.
Sa malayo palang nakita ko na agad yung naka set up na ding table at may pa kandila pa si Mayor. Sobrang ganda ng pagkakaset up pang mayaman talaga. Pati yung food pang mayaman din. May pa wine pa.
Pero wala dito si Kenjie. Asan kaya yon. Tingin sa left, tingin sa right. Wala talaga.
Hanggang sa may tumakip sa mata ko. At niyakap ako mula sa likod. Alam na alam ko parin yung amoy niya at hubog ng katawana niya.
"I love you, Aryana Marie Sanchez"
Hinarap niya ko sakanya at sinabi niyang muli iyon.
"I love you" hinalikan niya ako sa noo.
"I love you too" Hindi ko na napigilan na lumabas sa bibig ko yon. Hindi ko na kayang itago pa sakanya. Dahil sasabog nako kung hindi ko pa sasabihin.
Niyakap lang namin ang isa't isa at dinama ang init ng katawan ng bawat isa.
Sobrang mahal ko talaga si Kenjie. Hindi ko akalain na mapapasakin din pala yung taong crush ko lang.
Pagkakalas namin sa yakap agad naman niya akong hinalikan sa labi.
(The end)
BINABASA MO ANG
MY SEATMATE, MY CRUSH
Novela JuvenilFirst story ko to, and requested ng pinsan ko. Lol haha. Hope you like it. :) Syempre sa college seryoso na dapat.. dapat wala ng laro laro kasi yan yung start ng career natin but of course di parin pwedeng mawala yung kilig hihi.. kaya paano kung m...