"Hindi mo man lang ba ko papapasukin?" Gusto niyang pumasok sa bahay? Omg. Hindi naman ganun kalaki yung bahay namin pero fully furnished ito at magaganda ang designs. Simple pero maganda kumbaga.
"Hindi pwede."
"Bakit hindi? May tinatago ka ba jan?
"Wala no. Ano namang itatago ko sa bahay na to." Ano namang matatago ko wala nga ni isang tao dito at ako lang mag isa dito at hindi pa ko nakakalinis
"Sige na nga. Papasok na ko." At pumasok na nga siya.. Lagot na.. Makikita ng crush ko na marumi ako sa bahay.. Patay!! Sinundan ko naman siya.
"Surprise!!" Nagulat si Kenjie pagkabukas niya ng pinto ng bahay. Nakakatawa yung reaksyon niya. Gulat na gulat siya pero ang gwapo parin niya.
"Janine!!?"
"Hi bessy!! Hi Kenjie!!" tawang tawa na bati ni Janine samin.
"Anong ginagawa mo dito?! At bakit andito ka?! Pano mo nabuksan yung pintuan?!" gulong gulo na sabi ko sakanya.
"E kasi nga diba binigyan moko ng susi dito dati?"
"Ahh osya na sige papasukin mo na muna kami."
"Painumin mo na muna si Kenjie. Magbibihis lang ako sa taas." At umakyat ako sa kwarto
Kenjie's POV
"Bakit magkasama kayo ng bessy ko?" Tanong ni Janine sakin.
"Hinatid ko kasi siya dahil gabi na at delikado ng umuwi siya ng ganitong oras"
"Hindi mo naman ginawa sakin yan dati ah."
"Janine matagal na yun. At diba hindi mo naman ako gusto noon? Bakit parang nag iiba yata ang ihip ng hangin?"
"Hindi alam ni Ara na muntik na maging tayo noon. Bakit umaaligid ka sakanya? Para ba makuha ako ulit? Tss. Tigilan mo na siya."
"Hindi ito tungkol sayo. Gusto ko si Ara at hindi ko alam na mag best friend kayo dahil wala ka namang nababanggit dati."
"Kasi nga.."
"Oh anong pinag uusapan niyo?" Nakababa na pala si Aryana pagkatapos niya magbihis. Kahit pala nakapambahay lang siya ang ganda parin niya.
"Ahh wala bessy!! Si Kenjie kasi sabi ko antayin kana makababa bago siya umalis e. Diba kenjie?"
"Ah oo ara mauna nako ah. See you tomorrow."
"Tomorrow?? Bakit anong meron bukas?" Tanong ni Janine.
"Ihahatid kasi ni Kenj yung scooter ko nakila Kate kasi yun e." Sabi naman ni Ara.
"Ahh edi mag commute ka nalang sa monday. Baka may lakad pa itong si Kenjie bukas. Ikaw masyado mo siyang pinapagod bessy." Sagot ni janine.
"Ah wala naman akong gagawin bukas. Ayos lang ma ihatid ko yung scooter mo dito sa inyo." Sabi ko naman. Kasi wala naman talaga akong gagawin bukas. Gusto ko siyang makita bukas.
"Gabi na Kenjie umuwi kana sa inyo baka hinahanap ka na ng mommy mo!" Pagpapaalis ni janine sakin.
"Ah ihahatid ko lang si Kenjie bessy." At lumabas na kami ni Ara dahil ihahatid niya nga ako. Kahit lalaki ako kinikilig parin ako sakanya. Siya palang ang babaeng nakakapag paramdam nito sakin.
Andito na kami sa labas ng gate nila. "Sakay na kenj mukha ka ng pagod oh.."
"Ayos lang basta nakikita kita masaya parin ako"
"Tss. Haha ikaw yung mga joke mo hindi nakakatuwa baka maniwala ako niyan sige." Nakita ko namang medyo nag blush siya sa sinabi ko. At hindi ko napigilan ang mga sunod kong ginawa..
Hinalikan ko siya.. Hinalikan ko siya sa noo. At sabay pasok sa kotse at sabing "Good night. Dream of me"
BINABASA MO ANG
MY SEATMATE, MY CRUSH
Genç KurguFirst story ko to, and requested ng pinsan ko. Lol haha. Hope you like it. :) Syempre sa college seryoso na dapat.. dapat wala ng laro laro kasi yan yung start ng career natin but of course di parin pwedeng mawala yung kilig hihi.. kaya paano kung m...