Part 2: First Day of School

550 10 0
                                    

"Waaaaaah!! Late nako omg omg!!" Sigaw ko pagka mulat na pagka mulat ng mata ko.. 9 am na and 10 am ang first class ko.. Lagot na!! Huhu.

Diretso agad ako sa banyo at naligo ng 20 minutes. Nagbihis nako agad pagkatapos maligo at nag ayos ng konti. Yung uniform ko ang cute bagay sakin haha (selfie muna and post sa fb #firstday).

Buti nalang may scooter nako, nagpadala kasi sila mama at papa last month, so bumili na ko nito para di hassle sa transportation, medyo mahirap pa naman ang taxi sa tinitirahan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Buti nalang may scooter nako, nagpadala kasi sila mama at papa last month, so bumili na ko nito para di hassle sa transportation, medyo mahirap pa naman ang taxi sa tinitirahan ko. Pinaandar ko na yung scooter medyo ingat ako dito kasi ayokong madisgrasya..

Sa school nalang ako mag aalmusal or brunch rather.. Mga 30 minutes lang ang biyahe ko dahil hindi naman ako dumaan sa Edsa. ^_^ Ipa-park ko na sana yung scooter ng biglang may sumulpot na black na kotse sa gilid ko at muntik ng masagi ang scooter ko buti nalang mabilis mata ko.. "Aba kuya paki ayos naman ang pagpa-park natin, muntik mo masagi yung sasakyan ko oh!" sabi ko ng marinig kong nakalabas na yung driver. At pag tingin ko sa driver.. Teka parang familiar siya.. (Isip.. Isip..) Hmm.. Diko maalala.. "Sorry miss.." Sabi niya with pa-cute smile. Medyo natameme ako ah. Ikaw ba naman ngitian ng isang gwapo.. \\^_^\\ "Ahem!! Ahem!!" Kunwaring pag ubo ko dahil di ko na talaga alam ang sasabihin. "Okay sige basta next time paki ayos nalang po yung pag papark niyo" sabi ko sabay kuha ng bag at naglakad na.. "Miss wait!! I think I know you.." Sabi niya pero nagkunwari nalang akong walang narinig at nagtungo na sa room namin.

Pagdating ko sa room konti palang ang mga students. And wala parin yung prof. Anobayansha! Madaling madali pa naman ako kanina tapos walang prof ngayon!! -.- Azaaar!! So instead na mainis ako naghanap ako ng magandang pupwestuhan. Dito ako sa pangatlo sa dulong row at nasa left side. Pagkaupo ko hiniga ko muna yung ulo ko sa desk at nag isip kung anong kakainin ko mamaya. May narinig akong umupo sa tabi ko pero diko pinansin dahil inaantok pako. "Good morning Ma'am" dinig kong sabi ng katabi ko na siyang dahilan para itaas ko agad ang ulo ko. Tumingin ako sa harap pero walang prof don inikot ko pa ng tingin ang buong room pero wala talaga. Napatingin ako ng masama sa nagsalita pero may hawak pala siyang phone na tila may kausap. Tsk!! Akala ko pinagtitripan ako e.

Pagkakita niyang naktingin ako ng masama sakanya bigla nalang siyang humalakhak ng tawa. "HAAAAH HAHAHA!!" alam ko na ang ibig sabihin ng pagtawa niya kaya bigla ko siyang nasapok. "Aray!" sabi niya sabay hawak sa part ng ulo niya na nasapok ko. Wow ang OA nito parang tinapik ko lang naman siya.. "HAHAHAHAHA" tawa niya ulit na siyang kinagulat ko (ang cute niya tumawa in fairness ^-^) habang tumatawa siya naktingin lang ako sakanya.. "Okay I'll stop na hahaha" sabi niya sa sarili niya. At nag stop naman siya at tumindig ng ayos, inabot ang kamay sakin na parang nakikipag shake hands at sinabing "I'm Kenjie Reyes by the way"

 At nag stop naman siya at tumindig ng ayos, inabot ang kamay sakin na parang nakikipag shake hands at sinabing "I'm Kenjie Reyes by the way"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(To be continue)

MY SEATMATE, MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon