Good morning sunshine!! "Haaayy" hikab ko pagkagising na pagkagising ko. Nakoo late nako nagising. Napasarap kasi tulig ko kagabi e. Ano nga bang nangyari kagabi? Hihi.
Waaah. Ang ganda ng araw ngayon ah. Tumungin ako mula sa bintana at nakita ko naman ang napakagandang langit. Hanggang sa mapatingin ako sa garden at nakita ko si Kenjie at Janine nagtatawanan?? What's this?!
Janine's POV
"Naalala mo ba nung nasa playground ako at umiiyak tapos inabot mo sakin yung ice cream hahaha! Bigla ko nalang dinikit yung tip ng ice cream hahaha!"
"Oo haha nagulat ako sa ginawa mo. Pero ikaw bigla ka nalang humalakhak akala ko tuloy baliw lang haha."
Hayy namiss ko yung tawa ni Kenjie. Matagal tagal na din nung huli kaming nagtawanan. Hindi alam ni Ara na magkakilala kami since wala akong nababanggit sakanya. Alam ko unfair ako pero hindi kasi talaga ako yung tipo ng tao na nagsheshare kahit kanino. Mas pinipili kong sarilin yung nagyayari sakin dahil nadala nako. Dati kasi lahat ng nangyayari sakin at nararamdan ko shinishare ko sa mga friends ko.. Pero hindi ko alam na hinuhusgahan pala nila ko at ginamit nila yun laban sakin. Umabot pa nga sa point na nadamay na pati parents ko e. Nakakalungkot at ang sakit sakit ng nakaraan ko.
But now.. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko si Ara.. Kaya sasabihin ko na sakanya na gusto ko na ulit si Kenjie at sasabihin ko na lahat sakanya.
"Kenjie!" Gising na pala ang bessy ko. As usual ang ganda parin niya kahit kakagising lang haha. May panis na laway pa si ate haha. Pero bakit kaya si Kenjie yung una niya tinawag? Sana naman mali yung iniisip ko ngayon.. Sana naman hindi niya gusto si Kenjie..
"Kanina ka pa ba dito?"
Tanong niya kay Kenjie. Close na talaga sila."Uhm hindi kararating ko lang din. Nadala ko na pala yung sasakyan mo."
"Aww.. Thank you Kenj!!" Sana talaga wala pang nararamdaman si Ara para kay Kenj. Dahil kung hindi mapipilitan akong mag paka selfish sa gagawin ko..
"Nag almusal ka na ba? Tara kain muna tayo?" Wag kang pumayag kenjie. Wag. Wag.
"Nag almusal nako e. And may pupuntahan pako. Ikaw ah miss mo ko no? Haha"
Ramdam kong kampante na sila sa isat isa at ramdam ko din na masaya si Kenj pag nakikita siya.. Parang sakin lang noon.. Kung hindi ko lang sana siya nireject sana kami na ngayon..
"Kapal mo haha! Pero thank you so much talaga!" alam kong si Kenjie yung tipo ni Ara.. Pero gusto ko din si Kenjie..
"Osige na mauna nako!
Ah teka Ara! May panis na laway ka pa sa haha!"
"Tss! Haha syempre bumaba ako kaagad pag kakita ko sayo dito!"
"Ayos lang maganda ka parin naman"
At umalis na nga si Kenjie ng naka kotse. Pansin ko namang kinilig si Ara.
"Bye thank you ulit!" Sigaw ni ara. At nang makaalis na si Kenjie..
"Bessy! May gusto ka ba kay Kenjie?" Nabigla naman si ara sa tanong ko. Kasi naman need ko na talagang malaman.
"Hmm. Wala no. Bakit mo natanong?" Alam kong nagsisinungaling siya. Alam kong gusto niya din si Kenjie.
"Totoo ba yan Ara??"
"Oo naman kaibigan ko lang ai Kenjie. Aaminin ko gwapo siya at mabait. Pero hanggang kaibigan lang ang tingin sakin non"
"Paano kung may gusto pala siya sayo?"
"Ano ka ba wala no! Parang kapatid lang turing non sakin"
"Kung ganun bessy.. May gusto sana akong aminin sayo..
Gusto ko si Kenjie.."
BINABASA MO ANG
MY SEATMATE, MY CRUSH
Teen FictionFirst story ko to, and requested ng pinsan ko. Lol haha. Hope you like it. :) Syempre sa college seryoso na dapat.. dapat wala ng laro laro kasi yan yung start ng career natin but of course di parin pwedeng mawala yung kilig hihi.. kaya paano kung m...