Pagkatapos namin sa park mag dramahan at magtawanan habang kumakain ng ice cream.. Andito na kami ngayon naglalakad papunta sa bahay dahil mag gagabi na kaya ihahatid na ko ni Kenjie.
Malayo pa lang kami tanaw ko na na may ilaw sa loob ng bahay namin. Kaya kinabahan ako.
"Teka Kenjie!" Nagulat naman siya sa pagtawag ko sakanya haha.
"Tumawag ka ng pulis!" Nagmamadali kong sabi sakanya.
"Ha? Bakit? Wag mong sabihing ipapa-pulis moko?" oo kase ninakaw mo puso ko. Char haha.
"Hinde ano kaba! Nakikita mo ba yung nakikita ko??"
"Alin?"
"Yung sa bahay namin, nakabukas yung ilaw. Pinatay ko yun kanina sigurado ako." sabay hawak ko sa braso siyang ma-muscle.
"Tara pasukin natin." hinawakan niya naman yung kamay ko. Kaya ngayon magkahawak kami ng kamay na naglalakad papunta sa bahay. Aaahhmm. Kenekeleg eke.
Andito na kami ngayon sa gate. At nakabukas din ang gate. Magkahawak parin kami ng kamay hanggang ngayon. Dahan dahan kaming naglakad ng magkahawak ang kamay at sabay naming binuksan ang pinto.
"Surprise!!" Sa gulat ko hindi ako makapag salita. Ni hindi rin ako makagalaw. Nilapitan ako ng nanay at tatay ko, niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Anak namiss ka namin ng papa mo!! Kamusta kana dito ha??" Niyayakap parin niya ko.
"Maaaaaa!!" Napaluha at napaiyak nalang ako at niyakap din siya. Kasunod non niyakap ko naman si papa. Waaah. Sobrang namiss ko talaga sila. Ang dami kong luha tuloy. Teka pero bakit biglaan? At ipapakilala ko pa pala si Kenj.
"Maupo na muna kayo ni Kenjie jan may dala kaming pagkain ni papa mo." Nagulat ako dahil kilala nila si Kenjie.
"Ano ma? Kilala niyo si Kenjie?" Gulat na gulat kong sabi.
"Oo anak kilalang kilala namin si Kenjie. At pinababantay ka namin sakanya. Para kahit papano may tumutingin sayo." Haaaaaa? Bantay ko si Kenjie?
"Ma! Pa! Bakit hindi niyo sinabi sakin agad?!" Gulong gulo nako sa mga nangyayari ngayon.
"Kasi mag kaibigan pala ang parents mo at parents ko kaya nang sabihin sakin nila tito at tita na may anak sila dito sa Pilipinas nalaman kong ikaw yun pero wag kang mag alala gusto na kita non bago ko pa sila makilala." Nakangiting sabi ni Kenjie sakin. Awww bakit hindi ko alam to?? Kalungkot.. Teka?? Gusto niya na ko noon pa?? Weeh??
"At isa pa anak gusto kasi namin ng mama mo na may nagbabantay sayo para alam namin na sa maayos kang kalagayan" Dagdag pa ni papa. Pero ayos na siguro yun. At least ngayon kasama ko na sila. At hindi nako mahihirapan sa pagpapakilala kay Kenjie. Hihi
"At may tiwala naman kami jan kay Kenjie.. Diba anak? Kenjie?" Anak? So anak niyo na si kenjie ganon? Dipa kami kasala at bata pako. Charot! Haha assuming nanaman ako.
"Opo daddy!" Daddy? Hihi.
"Pero pa.. Namiss ko talaga kayo ni mama. Magtatagal ba kayo dito sa Pinas? At bakit biglaan pag uwi niyo?" I need to change the topic dahil hindi ko kinkeri ang mga sinasabi nila. Kenekeleg ang lola mo.
"Anak anong biglaan?! E mag papasko na kaya. Gusto ka naming makasama sa pasko anak" onga pala jusko di ko pansin na December na pala ngayon haha.
I'm just so happy na nag meet na ang soon to be boyfriend ko at ang parents ko. Hahahaha! Assumera ko talaga! Just be happy for me. Haha
BINABASA MO ANG
MY SEATMATE, MY CRUSH
Novela JuvenilFirst story ko to, and requested ng pinsan ko. Lol haha. Hope you like it. :) Syempre sa college seryoso na dapat.. dapat wala ng laro laro kasi yan yung start ng career natin but of course di parin pwedeng mawala yung kilig hihi.. kaya paano kung m...