Dear readers, The Rugged Rancher by Makris Orpilla and published by Sensation Press is now available via shoppee, lazada and tiktok of Anvil Publishing. Grab your copy for only P125!Thank you for your support! -makris July 2024
This is a work of fiction. Any similarities to real life events or names were not intentional. All rights reserved. Plagiarism is a crime.
***
I never expected to fall in love with someone. Mali pala. It's not 'with' since hindi pa niya ako mahal. Mamahalin pa lang. Future tense muna hangga't hindi ko pa nakukuha ang matamis niyang oo.
Oo? Paano nga ba ako magsisimula na mabingwit 'yon kung hindi man lamang siya lumilingon sa 'kin. Kulang na lang magsuot ako ng blinking neon sign para lang bigyan niya ako ng kahit isang sulyap man lang.
"Karen, tinatawag ka ni Sir." Muntikan na akong mahulog sa upuan ko sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa akin ng katabi ko. Pwede namang kalabit lang kung bakit nanulak pa.
"Aray naman." Nang magregister sa akin ang sinabi niya, bigla akong napatingin sa aking harapan. Hindi naman sana tumulo ang laway ko. Sobrang nakakatulala talaga siya. Para akong nawawalan ng ulirat tuwing mapapatingin ako sa mala Greek God niyang kaguwapuhan. Maputi , perpektong hubog at makinis na mukha, parang ang sarap haplusin, mapulang labi na gusto kong tikman, matangos na ilong na pinapangarap kong umamoy sa akin, matangkad at matipunong pangangatawan na gusto kong maging akin. Hindi ko sigurado kung may lahi ba siyang Greek, Italian, Spanish, French o American pero sisiguruhin kong gagawin ko ang lahat maging kalahi niya lang lahat ng magiging anak ko.
"You're daydreaming again. Remind me once more why you took this class? This is not even part of your curriculum." My God! Kinakausap niya ako. At alam niya ang curriculum ko! Heaven ang feeling! Parang gusto ko irecord para gawing ring tone. Nakatitig siya sa akin. Kung pwede ko lang rin ivideo para ma-replay ko ang minsanang pangyayaring ito.
"Ms. Santiago. Don't waste my time and the time of your classmates. Get out of the room if you're not interested." Sabay tumalikod na siya. Ang broad ng shoulders at ang ganda ng likod! Ang gwapo talaga kahit likod. Hindi man lang niya hinintay na sagutin ko siya. Oo Sir! Oo I will marry you! Kaso, hindi nga pala iyon ang tanong. Better luck next time Karen.
"Sir, I'm very much interested." Binulong ko na lang. Ayaw ko naman na lalo pa siyang mainis sa akin. Baka mapatagal pa lalo ang pagtatagumpay ng Oplan Akitin si Sir Lucas na mag iisang sem ko nang project.
"Girl, minsan ka na nga lang tawagin sa klase pinagalitan ka pa." Intrimitida talaga itong kaklase ko, feeling close na naman.
"Ayos lang. Kahit ano pang sabihin niya hindi ako titigil ng pag-amo sa kaniya. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para mapansin niya."
"Ha? Ano bang pinagasasabi mo? Geology class 'to. Diba MassCom major ka?"
"E ano naman kung MassCom ako? Parehas lang tayong nagbayad ng units dito at mas madalas pa akong pumasok kaysa sa'yo. Excuse me lang." Inirapan ko na lang ang babaeng katabi ko. Once a month nga lang siya pumasok may gana pa siya kwestyunin ang pagpasok ko dito! Sakto naman na nag-ring na ang bell kaya't pwede na akong lumabas. Umalis na rin kasi si Lucas ko. Kailangan ko magmadali para maabutan ko pa siya sa parking.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Protege
HumorCOMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn her the man that she desires? Lucas vowed never to fall in love. Could his cold and frozen heart be t...