Chapter 24-Grieving

4.9K 167 13
                                    




Lahat ng lugar na maaring puntahan ni Lucas ay pinuntahan ko. Maging ang mga bahay na nakalista sa report sa akin ni Kuya ay inisa-isa kong lahat. Wala siya doon. Iisa lang ang sinasabi nila. Wala siya. Wala na siya. Pati sa 3M Bar at sa mga negosyo niya pumunta na rin ako pero araw-araw akong umuuwing bigo.

Iba na ang tingin sa akin ng mga taong napapagtatanungan ko. Kahit sinusubukan ko namang mag-ayos, tuwing maaalala ko siya napapaluha ako. Mukha na siguro akong nasisiraan ng ulo. Sabagay, ganoon naman ang pakiramdam ko. Wasak na wasak na ako. Isang tao lang ang makakabuo sa akin at kailangang mahanap ko na ito.

Hindi ko makita sa internet ang insidenteng nangyari sa amin. Wala ni isang balita ukol dito. Kaya naman ang tingin ng iba ay gawa-gawa ko lang ang lahat. Pati ang mga pulis sa Ilocos hindi rin maalala ang nangyari. Nakakapagtaka na iba ang sinabi ng Mama ko sa sinabi ng mga Pulis na nakausap ko. Wala daw aksidente o insidenteng nangyari nang araw na 'yon. Kung mayroon daw ay siguradong nabalita na ito. I even took a flight to Ilocos to verify what happened pero wala akong napala. I also went to Laoag at kinausap ang Manager ng 3M Bar pero huling kita rin nila kay Lucas ay ang araw na umalis kami doon.

I am back to zero. Negative 100 pa nga yata. Dati hinahabol ko lang siya, sinusundan sa bawat lugar na pwede ko siyang makita at makasama. Pero ngayon, ni hindi ko alam ang totoong existence niya. Hindi ko alam kung saan, paano at bakit hindi ko na siya mahanap. Araw araw, oras oras kong tinatanong sa sarili ko kung totoo ba talaga ang lahat ng nangyari, pero may mga patunay ako. Ang mga litrato, ang mga videos, ang mga ala-ala namin at ang pagtibok ng puso ko para sa kaniya na lamang ang nagisisilbing mitsa ng nauupos kong buhay.

May isang beses na hindi ko na napigilan, huminto ako sa isang tulay at binalak kong tumalon. Hindi man ako malunod ay siguradong mamamatay pa rin ako sa dumi ng tubig ng ilog sa Pilipinas. Kung hindi pa biglang sumakit ang tiyan ko ay hindi ako matatauhan.

Unti unti nang nauubos ang hibla ng katinuan ko. Si Denisse na lang ang pag-asa ko. Kapag nahanap niya si Blake, pakiramdam ko mahahanap ko na si Lucas. Kailangan ko si Lucas. Kailangang kailangan. Lahat ng bagay kinakaya kong mag-isa kahit dapat ay kasama ko siya.

Isang beses ay hindi ko sinasadyang marinig na nag-uusap si Karla at si Denisse.

"Ate, baka naman kaya hindi mahanap ni Ate Karen si Lucas ay ayaw niyang magpakita. Baka tinataguan na niya si Ate."

"Hindi naman siguro. Walang dahilan para pagtaguan niya si Karen. They looked in love. Hindi ba at pinakita niya sa 'yo ang mga litrato nila? Siguradong may dahilan kung bakit hindi siya makabalik. Sana lang ay totoong buhay pa siya. Hindi ko alam kung makakayanan ni Karen lalo na ngayon. Karla, hindi siya dapat napapagod at nasasaktan. Kung kaya ko lang na kuhanin lahat ng paghihirap niya."

"Hindi na normal Ate Denisse. Masyado na siyang obsessed na mahanap si Lucas. Pinapabayaan na niya ang sarili niya."

"Intindihin mo na lang ang kapatid mo. Huwag kang bibitaw sa pag-alaga sa kanya. Kailangan niya tayo."

Alam ko namang irrational ang ginagawa ko. Dapat ituloy ko nang normal ang buhay ko pero hindi ko kaya. Wala na ang dating Karen na malakas ang loob at masiyahin. Wala na. Napalitan ito ng babaeng laging tulala at laging umiiyak.

Tatlong linggo simula nang bumalik ang ala-ala ko, nang mahanap ni Denisse si Blake. She even arranged an ambush meeting with him. Nasa Europe si Blake Kendrick, influential ang pamilya ni Denisse at Warren sa Europe kaya't nagamit namin ito para makipagkita sa kaniya. Sinamahan ako ni Sandy. Hindi pumayag si Denisse na bumiyahe ako mag-isa.


***


Ginamit ko ang pangalan ni Denisse Ellison-Riviera para magpacheck up sa Center Hospitalier de Luxembourg, ang ospital kung saan nagtatrabaho si Blake. Laking gulat niya nang ako at hindi si Denisse ang nakipagkita sa kaniya. 

"Karen? Anong ginagawa mo dito?" Luminga linga pa siya na parang may hinahanap. Hindi ko maintindihan kung bakit siya natatakot na makita ako.

"Ako ang dapat magtanong niyan sa'yo. Anong ginagawa mo dito? Blake, alam mo naman siguro ang sadya ko sa'yo. . . Please? I need the truth. Kailangan ko si Lucas. Kailangan namin siya. Please. . . Lahat gagawin ko makita ko lang siya." Unti unti nang pumatak ang mga luha na araw-araw kong kaulayaw sa hinagpis ko at pangungulila.

"Karen, kung pwede ko lang siya ibalik sa'yo gagawin ko. . . pero wala na siya. . .Hindi siya nakaligtas kagaya mo. . ."

"Nooooooo! Hindi ako naniniwala! Ilabas mo na siya! Sinungaling ka! Sinungaling kayong lahat!" Hindi ko napigilan ang mga kamao ko na saktan si Blake. Hindi ko matatanggap ang sinasabi niya.

"Karen. Please stop this." Si Sandy ay umaawat sa akin, kahit mabigat ako ay sinubukan niya akong hilahin palayo kay Blake. Tuloy lang ang pagwawala ko habang si Blake ay nakatayo lang at hindi natinag. Bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. Pero ang lungkot na nakikita ko ay wala pa sa kalahati ng sakit na nararamdaman ko.

"Tinataguan niya ba ako? Okay lang! Kaya ko buhayin mag-isa ang anak namin, sabihin mo lang na buhay siya! Kahit hindi ko siya makita, sige ayos na sa'kin. Pero hindi ko matatanggap na patay na siya. . .Hinding hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. . . . Parang awa nyo na. . . hirap na hirap na ako. . . sana pinatay nyo na lang ako. . . hindi nyo na sana 'ko hinayaang mabuhay kung wala na siya. . .Hindi ko kaya. . . Blake. . . please. . . hindi ko kayang wala si Lucas. . .kahit ano. . . please . . . tell me. . ."

"Karen. . . makakasama sa bata. . .Baka mapa-anak ka ng wala sa oras." Nagsusumamo na si Blake pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Araw araw simula nang nalaman kong buntis ako naiisip kong kawawa naman ang anak namin. Nababaliw ang nanay niya at nawawala ang tatay niya. Anong magandang buhay ang maibibigay ko sa batang ito kung ako nga ayaw ko nang mabuhay pa.

"Makakasama sa bata? Bakit? Makakabuti ba sa kaniya na ipanganak ko siya na wala siyang ama? Makakasama sa bata? Sana naisip nyo yan bago ninyo itinago si Lucas sa akin! Sa amin! Pitong buwan na Blake! Hindi ko man nalaman kaagad na buntis ako, pero sigurado akong alam mo! Ikaw ang naglipat sa akin ng ospital. Ikaw lang ang may kakayahang gawin 'yon. Sigurado akong ikaw rin ang nagtago kay Lucas!"

"Karen, please calm down. . .Oh my God! Karen, you're bleeding!" Sa pagkasigaw ni Sandy ay napatingin ako sa binti ko na may umaagos na dugo. Dugo na hindi ko gustong makita. Simula nang naaksidente kami ay nanghihina ako at nawawalan ng malay tuwing nakakakita ako ng dugo.

"Ang anak ko. . . Sandy. . ." Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay nakita ko si Blake na mabilis na lumapit para tumulong. Mabuti at nasa ospital na kami. Sana lang ay mailigtas nila ang anak ko. Hindi siya dapat nadadamay sa kabaliwan ko. Hindi siya dapat nahihirapan nang dahil sa paghihirap ko.

Lucas, parang awa mo na mahal ko. Bumalik ka na. Kung hindi mo kayang bumalik, isama mo na ako kung nasaan ka.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon