Chapter 14-Dream Sequence

7.2K 229 38
                                    









Sa Cafe One kami nagpunta. Number one daw sa Vigan ito sabi ng mga reviews sa internet. Paano ko nalaman? Kasi balak ko talagang kumain dito as part of my Vlog. Now, pwede na rin akong magcomment about this place. I took some pictures of the place pero ang karamihan ng shots puro kasama si Lucas. He will always be my favorite subject.

Natuwa ako sa mga order ni Lucas, Kare-kare at Adobo na favorite niya at ang dalawang favorite ko na Sinigang na Hipon at Crispy Pata. He asked me what I wanted to eat pero sinuggest niya agad ang Sinigang at Pata. Nahulaan niya yata na gusto ko talaga ang mga 'yon.

"Kaya ba natin ubusin yan lahat?" Hindi ko pa nakasabay kumain si Lucas at hindi ko sure kung kaya nga namin ubusin lahat. Ako kasi pwede ako sa buffet at masusulit ko ang bayad. E sa katawan niya parang walang ounce ng fat.

"Pwede namang hindi ubusin kung hindi kaya. Kain na tayo." Extra sweet ng mahal ko, ipinaglagay pa niya ako ng kanin sa plato at ipinaghiwa ng Crispy Pata. Napatitig na naman ako sa kaniya. Kulang na lang kurutin ko siya para macheck ko ko kung totoo talaga lahat ng nakikita ko.

"What?" He smiled at parang natatawa siya sa reaction ko.

"Weird kasi ng feeling. I mean, this feels surreal. Parang hindi totoo. Baka mamaya magising ako tapos nandoon pa pala ako sa tabing kalsada waiting for someone that will tow my car." Mas lumalim pa ang panaginip ko nang kunin nya ang dalawang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"Karen, I said that this is real. Totoo 'to. Walang halong joke. Walang halong kahit ano. This is just plain reality. Kaya snap out of your dream sequence na imaginary lang naman. Ito na nga o, totoo na. Ayan, diba totoo naman ako?" He placed my hands on his face. Kung kanina intensity 6.5 ang kabog ng dibdib ko, ngayon lagpas na sa scale at gumuho na lahat dahil sa sobrang lakas ng paglindol ng puso ko.

"Pero bakit?" He was about to answer.

"Sir, wala pa po kayong drinks." Si Kuyang waiter manhid na bulag pa. Hindi ba niya nakikitang may moment kami ng Lucas ko! He let go of my hands gently bago hinarap ang waiter.

"Karen, anong gusto mong drinks?" He smiled na parang wala lang nangyari.

"Water na lang. Thanks." I smiled back at him.

"Dalawang bottled water." Nang umalis na ang waiter, we started eating. Doon ko narealize na gutom na din pala ako. Sobrang sarap ng luto sa restaurant na 'yon.

"There was a time na dinalhan mo ako ng kare-kare, pansit, adobo and chocolate cake. Hinanap ko kung saan ko ulit matitikman ang ganon kaso wala akong makita."

"Ah. Bakit mo naman hinanap?" Ang gwapo niya kumain. Kahit nga walang ulam, mauubos ko ang isang bandehadong kanin pag kaharap ko siya.

"Sobrang sarap kasi. Mas naging favorite ko pa sila dahil sa dinala mo." Juicecolored! Ano pa ba? Ano pa ba ang gagawin ko? Hulog na hulog na po ako dinadagdagan pa niya.  Hindi na talaga ako makakarecover Lucas.

"Ah. Ahm wala ka talagang makikita sa labas non. Luto ko kasi 'yon." His face lit up na parang pasko dahil sa sinabi ko. Sobrang laki ng smile niya.

"Talaga? Totoong luto mo 'yon? Kala ko kasi namali lang ako ng rinig. . .I mean namali ng sabi si Manang. Ikaw pala talaga lahat gumawa non. Wow! I'm really impressed. Pwede ka palang chef eh."

Ayoko, kasi ikaw lang ang gusto kong ipagluto forever.

"Thanks. Kapag may time ako nagluluto ako pero kasi busy sa mga racket kaya madalas puro take-out lang pag mag-isa or si mama ko nagluluto."  Conversation started flowing smoothly nang hindi na ako masyado tumitingin sa kaniya. Nadidistract talaga kasi ako. Para akong nawawala sa katinuan.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon