Chapter 23-Searching

5.2K 220 11
                                    











May mga bagay talagang hindi inaasahan ngunit bigla na lang nagaganap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mga bagay talagang hindi inaasahan ngunit bigla na lang nagaganap. Parang kami ni Lucas. Wala akong kahit anong ideya noon sa nararamdaman niya para sa akin kahit na ang totoo pala, mas malala pa ang tama niya kesa sa pagkahumaling ko sa kaniya. Kung gaano ko siya kamahal ay mas higit pa pala ang kaya niyang ibigay.  Kung nalaman ko sana ng maaga, kung walang nasayang na mga oras kakahabol ko sa kaniya at kakaiwas niya sa akin, sana mas matagal pa kaming nagkasama.

Sobrang sakit at unfair ng buhay. Binibigyan ka ng chance na lumigaya at maaabot ang mga pangarap pero patikim lang pala. Babawiin din pala ni tadhana ang bagay na ibinigay niya. May dahilan daw lahat ng pangyayari sa buhay ng tao, kung ano man ang dahilan na 'yon ayaw ko nang malaman pa. Dahil aanhin ko pa ang buhay kung wala naman ang taong dahilan para magpatuloy pa.

We were at the wrong place at the wrong time. Ito raw ang sabi ng mga pulis nang tanungin ko si Mama tungkol sa kaso. Napagkamalan raw ang sasakyan namin na sasakyan ng Mayor ng Ilocos na dapat sana ay target ng mga gunmen.  Kung sana ang mga assassin sa Pilipinas ay marunong magresearch ng tama, hindi sana nadadamay ang mga hindi dapat.

Tinambangan kami sa daan ng dalawang sasakyan nang papunta na kami ng Sagada galing ng Ilocos. Nacorner kami. Isang itim na sasakyan ang bumangga sa Land Cruiser para sumadsad sa gilid ng tulay, hanggang ngayon tuwing nakakarinig ako ng kaluskos at ingay ay napapatigil pa rin ako na parang naririnig ko pa ang langitngit ng bakal noong araw na iyon.

May isang sasakyan pang biglang huminto at humarang sa harap namin. Bumangga kami dito, magkasabay na pagbangga sa gilid ng sasakyan at sa harapan. Sa sobrang lakas ng impact ay tumama ang ulo ko sa bintana kung saan malapit ako.  Naramdaman kong may dugo na naman na umaagos mula sa ulo ko.  Mula sa sasakyang humarang sa amin ay may naglabasan na dalawang lalaking may dalang mga baril. Para akong nanonood ng action movie na ako ang puntirya ng mga kalaban. Napanghinaan ako ng loob sa sobrang takot.

Mabilis ang mga pangyayari pero mas mabilis si Lucas na alisin ang seatbelt namin at itulak ako sa sahig. Dumagan siya sa akin, tinakpan niya ang katawan ko ng sarili niya para maiwasan ang mga balang sigurado kaming ipauulan sa amin.  Kahit natakpan niya ako, naramdaman ko pa ring may mga bala na tumama sa katawan ko. Nakabibingi ang mga putok ng baril, ngunit mas nakabibingi ang katahimikan pagkatapos noon.

Naririnig ko pa din hanggang ngayon ang mahinang bulong niya sa akin nang tahimik na ang lahat.

"You're safe. I love you."

Hindi na ako nakasagot, hindi ko nasabi na mahal na mahal ko rin siya. When I tried to move para makita ko siya, parang binabarena sa sakit ang ulo at katawan ko. Sinubukan ko pa rin. I saw his pale and bloodied face. May dugong umaagos mula sa batok niya. Nakapikit siya. I tried to call him pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. I tried to move my arm to touch him pero wala akong lakas. Naramdaman kong unti unti na akong nawawalan ng malay at katinuan ng isip.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon