Chapter 18-Smile

5.9K 186 57
                                    




Buong maghapon na yata akong nakangiti. Feeling ko nga ay nag lock jaw na ang panga ko sa kakasmile. Daig ko pa ang mga contestant ng Binibining Pilipinas dahil sa hindi mapunit kong mga ngiti. Bakit nga ba? Gumawa ako ng listahan.

1. After kong maligo at pagkakita sa akin ni Lucas sa suot kong yellow na shorts at asul na V neck shirt na may butas na disenyo sa magkabilang balikat at sneakers na puti, ay napanganga siya at napabulong ng "Wow". Bulong lang pero narinig ko pa rin.

2. Nagpadeliver si Lucas ng breakfast na tocino, hotdog, egg at daing na bangus with sinangag sa room namin at sabay kaming kumain. Sinubuan nya pa ako ng pagkain ng mga apat na beses with his own spoon na halos ikinahimatay ko sa sobrang kilig.

3. Kasama ng breakfast ay ang isang bungkos ng mga white at red roses. Anim na white at anim na red. Sabi ni google white is a sign of new start and red is love and romance. So in short, new start of love and romance ang ibig sabihin ng mga roses na iniabot niya. Emeged.

4. Sinigawan ni Lucas ang bellboy na nakatitig sa legs ko noong napadaan kami sa lobby. Ayaw siguro niya na may ibang tumitingin. Gusto niya siya lang.

5. Lagi niyang hawak ang kamay ko tuwing maglalakad kami. May fixation yata ang mahal ko sa HHWWPSSP (Holding hands while walking pasway sway pa).

6. Tuwing may kukuhanan ako ng video na lugar ay nahuhuli ko siyang nakatitig at nakasmile sa akin. Minsan nagpapanggap na lang akong may kinukuhanan para lang tingnan niya pa ako.

7. Sa lahat ng pinasyalan namin hindi niya ako hinayaang mainitan o mauhaw. Kung may makikita lang siguro siyang portable fan ay binili na niya para hindi siya mahirapang magpaypay tuwing makikita niyang naiinitan ako. Nagmistula akong poon sa dalas ng pagpunas niya sa akin ng panyo.

8. Sa Paoay Church, he took my hand at lumakad kami sa harap ng altar. I want to tell you the whole details kaso baka himatayin ako.

9. Sa Museum ni Marcos, madilim at malamig, he hugged me protectively habang nasa loob. Nakadami na naman ako ng chansing.

10. Madami pa kaming pinuntahang museum pero isa lang ang perfect looking na artifact na pinaka nagustuhan kong kuhaan ng video at picture at si Lucas iyon.

Tinapos namin ang pamamasyal namin sa Laoag at sa karatig bayan ng Ilocos Norte bago mag alas kwatro para daw makapagpahinga pa ako para sa pagkanta ko sa 3M Bar and Bistro sa gabi. We took a shower after resting for thirty minutes. Sabay kaming naligo as usual. Siya sa labas ng kwarto at ako naman doon sa shower sa loob. Pangtulog lang ang suot ko since hindi ko naman ito nagamit the night before. Baggy shirt at shorts ulit. Dapat ay leggings pero dahil napapatingin siya sa legs ko, mas minabuti ko nang pagbigyan siya. Nakakahiya naman sa kaniya kung hindi.

"Karen, movies ulit? Or do you want to play a game?" Tumayo siya at hinila ako papalapit ng higaan niya. Maglalaro kaya kami ng apoy?

"Anong game naman?" I was curious and excited at the same time.

"Truth or dare na may twist."

"Paanong twist?"

"Ikaw ang pipili kung ano ang gusto mo para sa opponent. Example, ako ang taya, ikaw ang pipili kung truth or dare ang gagawin ko then ikaw rin ang magtatanong and magbibigay ng dare. Here, ito na lang hair brush ang gamitin natin." He reached out behind me dahil nasa may likuran ko ang brush ng buhok na ginamit ko bago niya ako hinila palapit sa kaniya. His body momentarily pressed into mine na ikinatigil nang paghinga naming dalawa. Nang makuha niya, tinitigan niya muna ako sa mata bago siya bumalik sa pwesto. Kung laging ganoon ang mangyayari, maaga akong mamatay dahil sa heart failure.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon