Chapter 27-Party

5.3K 165 6
                                    





Kinabukasan ay maaga pa lang dumalaw na ang parents ni Lucas. Sinadya raw nila ito para siguradong maabutan nila ako bago kami lumabas ng ospital.

"Karen, iha. Magpalakas ka. Huwag ka nang mag-alala masyado. Makakasama sa baby."

"Tita. . ."

"Mama ang itawag mo sa akin kung ayos lang sa'yo? Magiging anak naman din kita. Hindi pa kita nakikita ay parang anak na rin kita dahil sa mga kwento ni Luke. My son loves you so much Karen at alam kong hindi niya gugustuhin na makita kang nahihirapan." I felt the tears threaten to fall from my eyes dahil sa mga sinabi niya.

"Opo Mama. Sorry po. Hindi ko lang po talaga kaya. . . mahal na mahal ko po si Lucas. Sobrang miss ko na po siya. Sorry po nakalimot ako ng ilang buwan."

"Sshhh... Siguro ay plano talaga ng Diyos na alisan ka ng ala-ala para hindi ka mahirapan."

"Sana po ay hindi na niya ibinalik kung wala naman ang hinahanap ko." Niyakap ako ng mahigpit ni Mama at tuluyan na akong naiyak.

"Iha, everything happens for a reason. Maiintindihan mo rin ang lahat. Sa ngayon, please take care of yourself. Mag-ayos ka ha? Ang ganda ganda mo pa naman tapos nakasimangot ka palagi. Smile. Kapag okay ka na, magbonding tayo sa kusina ha. Sabi ni Lucas masarap ka raw mag luto. Proud na proud siya sa'yo." Lalo pa akong napaiyak dahil sa mga kwento niya.

"Ma. . .Lalo mong pinapaiyak si Karen." Inawat na siya ni Blake.

"I can't help it. Basta, Karen, we'll see you soon okay? Take care of yourself."

"Opo. Thank you po." Nang umalis na sila ay nakahanda na ako para lumabas ng ospital.

Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita o napanaginipan ko kagabi. Nakita ko si Lucas sa loob ng kwarto ko. Nasa tabi siya ng kama at nakatingin sa akin. He looked like he wanted to say something. Natakot ako kayat ipinikit ko muli ang mata ko. Hindi naman siguro siya multo dahil nararamdaman kong hindi naman siya patay. When I opened my eyes wala na siya. Si Blake na ang nakita ko. Posible raw na namalik mata lang ako dahil kahawig niya si Lucas sabi niya.

***

Nang dumating kami kina Denisse ay nakahanda na ang tutuluyan namin. Doon din sa kwarto kung saan kami namalagi dati noong Engagement Party nila ni Warren. Sabi ng Duchess, may party daw doon sa gabi kaya busy ang mga tao. Huwag daw muna kaming lalabas para hindi kami maguluhan sa labas pasok na mga tao sa Palasyo.

Nandoon na rin pala si Denisse at Warren at mga kaibigan nito. Ano naman kaya ang okasyon? Hindi pa naman birthday ng kambal. Inisip ko kung may National occassion ba sa Luxembourg para ipagdiwang pero wala naman. Sabi ni Sandy, masanay na raw ako normal raw sa mga mayayaman ang nagpaparty kahit walang okasyon. Iniisip ko naman bakit ako masasanay e hindi naman ako mayaman?

Dumaan ang maghapon na si Denisse, Sandy at mga cute kong inaanak na sina Louise at Maxine lang ang kasama ko sa malaking silid na tinuluyan namin. Sa laki ng kwarto ay parang nasa loob ako ng bahay namin. Kwarto pa lang dito ay kasing laki na ng normal na bahay sa Pilipinas. Mabuti at kasama ang mga bata, nalibang ako at napatawa ng kadaldalan nila. Kahit hindi pa masyadong maintindihan ay ang daldal nila.

"Manang mana sa'yo ang mga inaanak mo noh. Ang iingay. Di ko naman maintinidihan ang sinasabi." Puna ni Denisse nang napansin niyang napatahimik na naman ako ang napapaisip. Hindi nila ako hinayaang malungkot noon.

"So pag maingay ako agad? Maingay rin naman kayong dalawa. Hawa-hawa lang."

"Ni. . .nan. . ." Tawag ni Maxine. Ang cute ng inaanak ko. Sana ang anak ko kasing cute nila.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon