Chapter 3-Plan B

7.8K 217 24
                                    







Napagpasiyahan kong umuwi na lang dahil wala na rin naman ang ipinunta ko sa lugar na iyon. Hindi man lang ba siya nagandahan sa boses ko? Parang nag-enjoy naman ang ibang nanood at nakinig.  Baka naman sobrang taas ng standards niya at hindi ako pasado. Tumugtog pa mandin ako ng gitara. Effort kung effort na ako waley pa din.

Sa sobrang affected ko dahil sa pag-alis ni Lucas, lumabas ako ng bar at naglakad papuntang parking lot nang mag-isa. Nalimutan ko na malaking katangahan nga pala na gawin 'yon lalo at kaunti na lang ang tao sa labas. Nagsasayawan naman kasi ang mga tao ngayon after ng Open Mic Session.  Ang 3M pala ay Resto Bar na Disco pa! Pati pala mga lugar ngayon ay 3 in 1 rin. Akala ko kape at ice cream lang ang 3 in 1.

Habang papabalik na ako ng sasakyan, naramdaman kong may mga sumusunod sa akin. Kabadong kabado ako dahil patay ang ilaw ng mga poste sa parking lot. Kanina nang dumating ako sa parking lot, may ilaw naman doon. Baka nag-cost cutting sila kaya wala nang sindi kapag late na. Sana naman nagtulos sila ng kandila para may liwanag kahit kaunti. Next time suggest ko 'yan sa management. 

Binilisan ko ang lakad dahil hindi ako makatakbo sa sobrang taas ng heels na suot ko. Sige Karen, brisk walking ka na lang! Naririnig ko na ang mga hakbang na papalapit sa likuran ko. Parang dalawang tao sila. Hindi ko na tinangkang lingunin at baka kung ano pa ang makita ko. Mabuti nang bilisan ko na lang at subukang tumakas. Kinakapa ko ang cellphone ko sa bag habang nagbrisk walking pero sobrang kalat ng bag ko kaya't hindi ko makita, kahit naman pala makita ko ay lowbat nga pala 'yon. Wasted effort and energy lang pala.

Hinigpitan ko ang hawak sa susi ng kotse na itatarak ko sa mata ng kung sino man ang susugod sa akin. Ready to fight na sana ako pero nawala sila. Bago nawala ang tunog ng mga sumusunod sa akin, nakarinig pa ako ng parang kalabog na lalong nagpakaba sa akin. Huwag kang lilingon Karen. Pumikit ka na lang. Pagpasok ko ng sasakyan agad kong inilock ang mga pintuan at pinaandar ang makina. Nabuksan ko na ang headlights ay nakapikit pa rin ako. Feeling ko talaga noon ay bida ako sa horror/thriller movie. I shifted the gear in reverse and went out of the parking slot. Pagkalabas ay sinipat sipat ko ang paligid. Wala na akong nakitang kahit isang tao. Salamat sa Diyos at nawala na sila. Akala ko matsutsugi na ako ng hindi ko man lang nakakamit ang pangarap ko.

I went home that night feeling miserable. Charot! Hindi naman. Sanay naman na ako ng hindi pinapansin ni Lucas ko. Move to Plan B na lang kung ayaw gumana ng Plan A.

***

Hindi pumasok si Lucas kinabukasan. First time niyang umabsent at nag-alala talaga ako ng husto.

"Friend, bakit kaya wala si Lucas kanina? Baka kung napano na 'yon. Samahan mo kaya ako puntahan natin ang bahay nila?" Ang sabi ko kay Sandra na kasabay ko mag-aral sa library. Political Science student siya kaya't lagi siya nagbabasa sa library. Nahawa lang ako sa kanilang dalawa ni Denisse na honor student din.

"Karen. Why are you so worried? And another thing, do you know where he lives?"

Naku patay! Yari na mabubuking na agad ako matalas pa naman itong si Sandra sa mga pagsisinungaling ko.

"Ha? Ah. . . e kasi hindi nga siya nag-aabsent diba. Parang never pa siya nag-absent kaya worried ako. Address niya? Oo nga pala hindi ko nga pala alam kung saan siya nakatira." Kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Sandra. Buking na nga ako.

"I know you're hiding something. I know you too well. Karen, don't do anything stupid especially if Denisse and I doesn't know. We can't bail you out if you won't tell us anything."

"Grabe ka! Parang makukulong naman ako! Oo naman hindi ako mapapahamak promise." Alam kong nag-aalala lang sila para sa akin at sinusuportahan nila ang mga kagagahan ko kahit lagi nila akong pinagsasabihan, alam kong para sa ikabubuti ko lang ang iniisip nila.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon