Bonus Chapter 30-Lucas Part 2

7.1K 178 25
                                    


Dear readers, my book The Rugged Rancher by Makris Orpilla and published by Sensation Press is now available via shoppee, lazada and tiktok of Anvil Publishing. Grab your copy for only P125!

 Grab your copy for only P125!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you.





Please read Lucas POV Part 1

Lucas

Unang araw na nagising ako mula sa matagal na pagkakatulog, siya agad ang hinanap ko. Si Karen. Ipinaliwanag ni Blake sa akin ang nangyari. Kinailangan akong ilipat ng Ospital sa Maynila para sa mga operasyon na gagawin sa akin. Kasama ko raw si Karen pero sa ibang Ospital siya dinala. Nagpasiya si Blake at mga magulang ko na huwag munang ipaalam sa iba ang nangyari. Lalo at nagkaroon ng Selective Amnesia ang mahal ko. I was transferred sa Luxembourg noong natanggap na si Blake sa application niyang magtrabaho dito. Kailangan niya akong mabantayan at nakabuti na rin iyon dahil mas moderno ang mga pasilidad sa ospital na pinagtatrabahuhan niya.

Wala man siya sa Pilipinas, siniguro naman ni Blake na maalagaan si Karen. He told Karen's mother tungkol sa tunay na sitwasyon at sa totoong nangyari. Hindi nila sinabi ang totoo kay Karen para hindi ito mag-alala at umasa. Si Kristoff naman ay nalaman lang ang lahat nang bumalik na ang ala-ala ng kapatid niya.

Marami akong taong kailangan pasalamatan dahil sa pag-aalaga nila sa mag-ina ko pero bago iyon, kailangan ko munang maipakita sa mahal ko na hindi ko na sila ulit iiwan.

Maraming beses ko nang napatunayan kung gaano niya ako kamahal. Pero ako ay hindi ko pa naipapakita ang kahit kalahati ng pagmamahal ko para sa kaniya.

When I first saw her, I thought she was Lorraine. Pero hindi pala. Ibang iba siya sa kaibigan ko. Noong una ay iniwasan ko pa siya dahil tuwing makikita ko siya ay bumabalik sa akin ang ala-ala ng taong nawala dahil sa kapabayaan ko. Kahit ilang ulit sabihin ni Blake na aksidente ang lahat, bumabalik pa rin ang sisi at guilt sa akin. Kung hindi ko sana siya itinakas, hindi siya mapapahamak. Sana ay ibang paraan na lang ang ginamit namin para tulungan siya.

When I finally realized that Karen is not Lorraine, doon ko na rin natanggap na hindi ko na siya kayang mawala sa buhay ko. I fell in love the moment I saw her pero I realized that I could not live without her when I almost lost her.

Lahat ng bagay na ginagawa ni Karen ay nakatanim sa puso at isipan ko. Ang first Video Blog na binigay niya sa akin ang paborito ko.

How to Win My Guy's Heart in 5 Ways by Karen Santiago

Karen: Alam mo ba na sa dinami dami ng lalaki sa mundo ay ikaw ang napili ko? Bakit? Hindi ko rin alam pero wala ka nang magagawa dahil I will win your heart no matter what.

Sa parte na iyon pa lang ay nakangiti na ako. Ang lakas ng loob niya para sabihin 'yon sa akin. Nakakakilig na nakakainis. Dapat ako ang nanliligaw at hindi siya. May mga action pa at props si Karen kaya't tuwang tuwa ako sa videos niya. Pinag-isipan niya talaga ang concept para lang maiparating sa akin ang mensahe na gusto niya. Sabi niya she will win my heart at alam kong sa unang beses pa lang na itinaya niya ang baraha, panalong panalo na siya.

Karen: First, I have to know what you like and use that to my advantage. So I did some research.

Sa parteng iyon ay tawa ako ng tawa, ang background niya kasi ay isang buong library at sigurado naman akong walang kahit anong libro doon tungkol sa akin. May hawak lang siyang isang magazine na hindi ko maalala kung na-feature nga ba ako.

Karen: Second, I have to know where you work and make sure you see me and fall for me everyday.

Dito naman ay ang video namin sa klase, napaka-resourceful niya dahil hindi ko alam na nakuhanan niya ako ng video habang nagpapaliwanag ng Rock formations.

Karen: Third, Make you smile.

Napahagalpak ako ng tawa dahil puro siya ang nasa screen na nakangiti. Isang kuha lang ng mukha ko na nakasimangot. Hindi nga kasi ako ngumingiti dati.

Karen: Though, the third part is not working out well right now, in the future, I will make sure you will give me your sweetest smiles. Mark my word Sir Lucas!

Tama nga naman. She did this with flying colors.

Karen: Fourth, tell you who I am. Dapat talaga show eh pero saka na lang 'yon.

She told me things about her. Her full name, age, address, pati vital statistics niya sinabi niya. Lahat ng ayaw at gusto niya. Hindi nga siguro niya naalala na kaya ko nalaman na ayaw niya ng atay at sili ay dahil sinabi niya rin sa akin. Pati pangalan ng schools na pinag-aralan niya at mga kaibigan at mga taong nakaaway niya sinabi niya. Doon pa lang ay nakilala ko na siya.

Karen: Fifth, be consistent and never stop aiming for the goal. To win your heart.

She was staring at the screen at that time, tuwing pinapanood ko iyon parang nakikita ko sa mata niya kung anong nararamdaman niya. It was like I was staring into her soul. I used to play that video para lang makipagtitigan sa kaniya.

Marami pa siyang binigay na video sa akin na lalong nakapagpatunay na mahal niya ako at mahal ko siya. She gave me a tutorial na How to Smile when you are Feeling Sad. How to Fall in Love with the Girl Who Loves You. How to Not be Masungit at marami pang iba.

Maraming bagay na ipinagpapasalamat ko sa buhay pero si Karen ang nasa pinakataas ng listahan. She never fail to make me smile. Naiisip ko palang siya ay napapangiti na ako.

Sabi ng kapatid ko at parents ko, malakas raw ang tama ko sa kaniya. Mas malakas pa raw kaysa sa tama niya sa akin. One time kasi ay naabutan nila ako sa bahay na nanonood ng Video Blogs ni Karen sa YouTube. Subscriber ako ng Blogs niya. Hindi niya siguro alam na isa ako sa taga Like ng videos niya at minsan ay sumasagot pa sa mga bashers at bastos na taong nagcocomment. Nahuli nila akong nakatitig lang sa screen ng laptop. Sobrang ganda kasi niya sa video na 'yon, sabagay sa lahat naman. Para siyang anghel na bumaba sa lupa.

Perfect ang mukha ni Karen, hindi dahil mahal ko siya pero dahil kahit sino ay napapalingon sa kagandahan niya. Maliit na heart shaped face, maputi at makinis ang balat, matangos at maliit ang ilong na bagay sa mapupula niyang labi. Hindi siya nagmemake up pero parang nag-glow ang pisngi niya. Her long black hair na parang gusto ko laging hawakan at haplusin. Ang mga mata niyang almond shaped na mapupungay at ang kilay niyang nagpapaamo lalo ng mukha niya.

I used to stare at her body at naiimagine ko laging kayakap ko siya. Perfect din ang figure ni Karen. Sabi nga niya sa vital statistics niyang 34-24-34. Kaya't hindi ko napigilang lumigaya ng wagas nang minsan na aksidenteng natanggal ang bikini top niya habang nasa swimming pool kami. Mabuti na lang at malakas ang self control ko dahil baka doon pa lang ay may nagawa na akong kababalaghan.

Stalker daw ako sabi ni Blake dahil sa lahat ng Gig ni Karen sa Bar ay nandoon ako. Hindi niya lang ako nakikita pero I make sure she gets home safe. Mahirap na baka may mangyaring masama sa kaniya. Noong time na kailangan kong umalis para ayusin ang mga negosyo sa ibang bansa at para patahimikin ang mga kalaban ko ay pinabantayan ko pa siya sa Security Team namin. Hindi niya alam na may body guard siya na nirereport din sa akin kung anong ginagawa niya.

Kulang pa lahat ng bulaklak sa Pilipinas at mga precious stones sa buong mundo para ibigay at ialay ko sa kaniya maipakita at maipramdam lang na itinatangi ko siya. I love her with all of me. Lahat kaya kong ibigay sa kaniya at alam kong ganoon din siya sa akin. Lucas Loves Karen FOREVER. LucKar for life.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon