Chapter 19-Trip

4.5K 141 14
                                    




7 pm ang call time ko sa 3M Bar and Bistro at miraculously ay umabot naman ako nang walang aberya kahit na ilang beses pa kaming nag-bargain ni Lucas bago kami tuluyang bumangon sa higaan at nagbihis.

"Kailangan ko na mag-ayos. Mag-6 pm na hindi ko pa pala alam kung saan ang pupuntahan ko. Dapat pala dinaanan natin kanina para nakita natin ang exact place." Magkatabi na kami sa higaan at magkahawak ng kamay. Binuksan ko na din ang lampshade sa may side table. Baka kung ano pa ang pumasok sa isipan namin dahil sa dilim kaya't minabuti ko nang magbigay ng liwanag.

"'Wag ka na mag-ayos. Kahit magbihis ka na lang. Hindi mo kailangan magpaganda, sadyang maganda ka na." Tiningnan niya pa ako at hinawakan sa pisngi. First time niya akong sabihang maganda. Muntikan ko na siyang mahalikan ulit. Buti na lang at naunahan niya ako. Matapos ang ilang minuto pa ay bumangon na talaga ako. Pero hinila niya pa ako pabalik sa tabi niya.

"Bumangon na tayo. . .hindi ako pwede ma-late. Nakakahiya. Sila pa nagbayad dito sa hotel natin tapos anong igaganti nating dalawa? Ito?!" Tinawanan lang ako ni Lucas.

"Believe me. Hindi nakakahiya. Sige babangon na tayo, pero last na, isang isang isang kiss na lang promise."

"Isang isang isa? E tatlo yan. Naku Lucas ah, pag ako talaga napagalitan. . ." He pulled me again. Grabe, ganito pala ang feeling ng mga hayok sa halik. Nakakaubos ng katinuan.

"Hindi ka nga mapapagalitan. Ako ang bahala. Malakas ako sa may-ari ng bar na 'yon." Napairap na lang ako dahil sa pagpupumilit niya. As if naman makakatanggi pa ako.

"Ikaw siguro malakas, paano naman ako?"

"Mas malakas ka. . .sobrang lakas."

At ang isang isang isa niya ay umabot ng 30 minutes. Ang bilis ng oras. Parang may hinahabol na deadline.

Saktong alas-siyete kami nakarating ng 3M Bar and Bistro. Malapit lang naman pala sa hotel at kabisado nga ni Lucas ang location. Hindi na ako nakapag-ayos dahil wala ng time. Feeling ko sinadya ni Lucas na magpa-late para wala na akong magawa. Nagpalit lang ako ng isang mid thigh figure hugging black dress na mukhang naappreciate naman niya. Isang strappy flats naman sa paa to complete the look. Si Lucas naman ay gwapong gwapo as usual sa suot niyang dark blue polo shirt at fitted maong pants at loafers.

Nagulat pa ako dahil kakilala ni Lucas ang mga staff sa bar. Mula sa mga bouncer pati mga waiter. Puro Good evening Sir Luke. Wow ah close silang lahat?

Marami ng tao sa lugar pagdating namin. Malamang ay sinusulit nila ang promo ng first night dahil unlimited cocktails for the ladies at beer naman sa kalalakihan hanggang 8 pm. Hindi ko alam na tomador rin pala ang mga taga probinsiya.

8 pm ako isasalang. Dapat ay same band na kasama ko sa Maynila ang tutugtog kasabay ko, kaso lang ay hindi sila nakarating dahil sa isang emergency daw. Kaya nang kinausap ako ng manager, acoustic na lang raw. Pati pagtugtog ako na din. Wow! Sinulit naman nila masyado ang bayad sa akin. Sana man lang naghire sila ng back-up. Wala man lang silang back-up system dito at contingency plan.

"Luke. Wala ang band na kasama ko dapat. Acoustic na lang daw sabi ng manager. Hindi pa naman ako prepared. Sana nasabihan ako ng maaga. Ayoko naman gawing KTV ang pagkanta, edi sana nag-videoke na lang ang mga tao." Nakita siguro ni Lucas na naiinis ako. He pulled me into a hug.

"Don't worry. Ako na lang ang tutugtog para sa'yo. I'll even sing with you for free. Ay, hindi pala free. May kapalit na kiss." Emeged. Grabe na 'to. Ang haba ng buhok ko, baka umabot na sa Baguio sa sobrang haba.

"Seryoso ka ba? Mag-duet tayo? E hindi naman tayo nagpractice." I even looked at him at mukhang seryoso naman siya. He smiled at me. Ang pinaka drop dead gorgeous niyang ngiti.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon