Chapter 21-Formality

5.9K 148 16
                                    




A/N: The previous chapter was set to Private. Please dont forget to vote, comment and follow. Please ensure you have read Chapter 19 before this Chapter.


***

May tatlong pinsan ako na nagkatuluyan sila ng mga best friend nila dahil namasyal sila sa Ilocos at doon nagkaaminan at nagkagustuhan. May isang classmate pa ako noong Elementary na nakilala raw ang napangasawa niya dito rin sa Norte. Parang gusto ko nang maniwala na may something special sa hangin ng Ilocos. It brings you and your loved ones closer. At ang mga dating hindi mo naman mahal, nagagawa mong mapansin at mahalin dahil sa magandang tanawin at sa experience ng lugar.

Ang sarap ng feeling na mamasyal kasama ang taong pinapangarap mo pero mas masarap na alam mong gusto ka rin niyang makasama. Iba talaga. Heaven ang feeling.

Lucas enjoyed the rock formation dahil Geologist nga siya diba. Ako naman gusto ko talaga ang Wind mills sa Bangui. Sobrang relaxing tingnan ang hile-hilerang puti at matatayog na elesi na nagsisilbing Power Factory ng lugar. Inexplain pa sa akin ni Lucas how the wind power converts the kinetic energy in wind to generate electricity or mechanical power.

"A wind turbine consisting of propellers is connected to a generator to generate electricity. It can also be used as mechanical power to perform tasks such as pumping water or grinding grains. . ." Ang gwapo niyang geek. Hindi ko na masyadong inintindi dahil mas gusto kong titigan siya kaysa makinig sa trivia ng wind mills. Hindi naman ang windmill ang mapapangasawa ko.

Sobrang dami naming pictures dalawa. Nagamit na rin ang tripod ko dahil gusto kong makakuha ng maraming litrato at videos namin na magkasama. Hindi ko naman isasama sa blogs. For private viewing pleasure ko lang siyempre. Hindi naman for sharing ang future husband ko.

We went to the Bojeador Lighthouse. Walang tao nang nagpunta kami doon, nagkataon lang siguro pero dahil dito ay naging mas intense ang feeling nang sunod niyang ginawa. He knelt down on one knee noong nasa taas na kami. Amidst the magnificent view, ang pinakamaganda view ay lumuhod sa harapan ko at inalayan ako ng isang red velvet box. Hindi ako OA para mag-assume na engagement ring ito dahil malapad ang kahon at sigurado akong hindi singsing ang laman. I did not move an inch, held my breath and waited for his speech.

"Karen, I know this is sudden and. . . God, I am so bad at this. . ." Huminga pa siya ng malalim at pumikit bago ulit dumilat at tumingin sa akin. Nakita kong nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang kaba.

"Masyadong maraming dahilan kung bakit ako natagalan ng pagtanggap at pag-amin sa sarili ko na. . . mahal na mahal kita. Pero ito na, sa wakas masasabi ko na sa'yo na Karen, mahal kita. Sobrang mahal kita."

.

.

.

.

.

"Ha? Mahal mo ako?" Naging parang parrot ako ng mga sandaling iyon.

Tumayo si Lucas at lumapit sa akin. His heartwarming kiss answered my question for me. Kung siguro may voice over lang ang halik, nagsalita na ito at ipinagsigawan sa akin na Mahal kita, obvious ba?!

Kung ito ang pagmamahal niya, sobrang nakakaliyo at nakakapanghina.

When he finally let go of my lips, he stepped backwards and took my right hand. Hindi ko na nakita ang kahon na lagayan ng isang platinum charm bracelet na isinuot niya sa braso ko.

"Oo, mahal kita at hindi na ko papayag na mawala ka pa sa akin. Karen. . .pwede ba akong mag-apply na boyfriend mo?" Napadantay ako sa kanya. Nakakapanghina rin pala marinig na mahal ako ng taong mahal ko. He hugged me closer. Alam kaya niya na vitamins ko talaga na pampalakas ang mga yakap niya?

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon