Bonus Chapter 29-Lucas Part 1

6.8K 185 16
                                    


Dear readers, The Rugged Rancher by Makris Orpilla and published by Sensation Press is now available via shoppee, lazada and tiktok of Anvil Publishing. Grab your copy for only P125!

Thank you for your support! -makris July 2024

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you for your support! -makris July 2024



Lucas


"Bro, nandito na nga siya. Dinugo siya pero ayos na sila ng Baby n'yo. Wala namang complications. Nagpapahinga siya ngayon. Paano mo nalaman na pupunta siya dito?" Bungad ng kapatid ko pagpasok niya ng kwarto ko.

"Dahil alam kong hindi siya susuko hangga't hindi niya ako nahahanap. Buti at walang masamang nangyari sa mag-ina ko." Abot kamay ko na sila. Malapit na.

"Dapat kasi nagpakita ka na sa kanya nang nagising ka. One week ka nang out of comma. May clearance ka na nga para lumabas." Umiiling iling pa si Blake habang pinagsasabihan ako.

"Hindi ko pa sigurado kung maayos na nga ako. Paano kung magkita kami tapos mamatay na lang ako bigla. Mabuti na 'yong sigurado kaysa paaasahin ko siya na mabubuhay ako ng matagal kahit hindi naman." Iyon talaga ang kinakatakot ko. Na magkita kaming muli tapos ay mawala na naman ako sa kaniya. Gusto ko kapag nagkasama kami, wala nang makakapaghiwalay sa amin.

"Luke, ako mismo ang tumingin sa mga test results mo. Maayos na ang lahat. Masyado ka kasing matalino. Ang dami mong nabasang hindi mo naman dapat iniisip ngayon."

"Maraming mga cases ng commatose survivor na namamatay after ilang araw Blake. Alam mo yan."

"Para kang tanga! Nandiyan na sa kabilang kwarto ang mag-ina mo. Ikaw nandito lang. Ano papakuhaan mo na naman ng video?"

"Meron ka ba? Nasan?" Napailing na lang siya sa akin.

Lagi ko kasing inuutusan dati ang kapatid ko na kuhanan ng video si Karen sa ospital kapag natutulog ito. Hindi man ako nakakalapit sa kaniya noong unang nasaktan siya sa Pilipinas, siniguro ko namang parang kasama niya pa rin ako. May ilang beses na naipuslit pa ako ni Blake para makita ang mahal ko. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, doon pa lang ay ipinagtapat ko na sa kaniya na mahal ko siya. Mas maraming oras pa sana kaming magkasama.

"Naku ewan ko sayo! Pati ako nadadamay sa kalokohan mo. Nandito na sila Mama. Pag nalaman nila ang ginawa mo kay Karen lagot ka."

Kilala ng kapatid ko at mga magulang ko si Karen dahil lagi ko siyang ikinukwento dito. Kahit hindi ko pa naamin sa sarili ko na mahal ko siya, sila alam na nila. Mas nauna pa nga nilang narealize ito kaysa sa akin. Ang lagi kong bungad sa kanila tuwing nagkukwento ako ay I have this student. Noong tumagal ay hindi na sila naniniwala sa akin na protege ko nga lang ang ikukwento ko.

"Gusto mo ba talaga akong mamatay?! Bakit mo pinapunta sila Mama dito? Sinabi mo na agad na nagising na ako? Hindi pa ako ready."

"Tanga ka ba talaga o epekto yan ng pagkakakalog ng utak mo?! Siyempre tinawagan din ng ospital! Ilang buwan kang commatose! Umayos ka nga Lucas. Stressed na ako sa Girlfriend mo. Ang daming tanong. Iyak pa ng iyak. Bilisan mo na maghanda at sigurado akong malapit na niya malaman kung nasaan ka. Huwag kang ngumiti na parang kinikilig na teenager diyan!" Kahit naiinis ang kapatid ko alam kong masaya rin siya para sa akin. Sino bang hindi sasaya na nabuhay pa ako kahit akala nila ay wala na.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon