Chapter 9-Dance

5.7K 179 9
                                    



Isang advantage ng pagiging bestfriend ng isang Hotel Empire Heiress ay ang pag-stay ng libre sa maganda at eleganteng hotel Suite. Not to mention na doon mismo sa hotel na iyon gaganapin ang party na pupuntahan namin. Kahit na sumama ang loob ko sa sinabi ni Lucas the previous day, nag-all out effort pa rin akong magpaganda para sa kaniya. I chose a sexy black tube long gown na may mahabang slit sa gilid. Sumisilip ang long flawless legs ko tuwing maglalakad. I chose to wear a 3 inches heels para hindi alangan sa tangkad ni Lucas. Assuming lang naman na isasayaw niya ako. Pagdating namin sa venue nag-aabang na doon ang bagong admirer ng kaibigan ko.

"Wow. You look gorgeous." Si Franz. Kung sana si Lucas maappreciate man lang niya kahit konti ang itsura ko, ang saya ko na siguro.

"Karen, thank you for still coming kahit na may nangyari kahapon." Ipinaalala pa niya.

"Ok lang, nasan pala si Luke?" Hinanap ko na ang dahilan kung bakit kami talaga pumunta doon sa Charity Ball. Hindi rin naman ako makakapagdonate dahil nakatali lahat ng ipon ko sa mga membership na sinalihan ko para makapag sight seeing kay Lucas. Ang hashtag ko nga yata ay #landipamore #waldaspamore

"He's on his way. I'll show you our table. Dinner will be served soon." Nang sinabi ni Franz na on his way na ang pinsan niya. Hindi ko naman inasahang on his way to ruining my night pala. Ang hudas na iyon nagsama pa ng babae! Para siyang nanandya. Alam naman niyang pupunta ako nagsama pa siya ng date!

Sobrang inis ko ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa pagkain. Mabuti na lang at masarap ang mga food na inihanda nila. Masyado ring stiff and formal ang party.

Franz invited Sandy to dance kaya't naiwan ako sa table namin. Ako lang mag-isa dahil halos lahat sila ay nagsasayaw. Kung alam ko lang na couples party ito at may ibang ka-couple si Lucas ay hindi na sana ako nagpunta. Adding insult to injury naman sila masyado. Wala man lang silang regard sa feelings ng mga MU na katulad ko. When Lucas arrived with his date na parang aatend ng foundation day sa kapal ng make-up, I gave up trying to gain his attention. For this night, pass muna ako. Hindi kaya ng emotions ko ngayong makipagsabayan sa babaeng mukhang espasol.

I took out my phone and started scrolling sa iba't ibang social media sites para libangin ang sarili ko. Pati ang mga posts ni Madam Kilay pinanood ko na.

"May I have this dance?" Kung iisipin kong si Lucas ang nagtanong ay hohopia lang ako kaya't inisip ko na hindi. Kaya hindi na rin ako nagulat na hindi nga siya. Gwapo naman ang lalaki. Maputi at matangkad.

"Baka magalit ang ka-date mo." Wala kasi talaga ako sa mood makipagsayaw pero he smiled at me at nakita ko ang dimples niya. Hindi lang pala siya gwapo, cute pa siya.

"I don't have a date. Actually, kakadating ko lang and I was so lucky na may nakita rin akong walang kasama. Well, I assumed lang dahil nagcecellphone ka lang dito." Ngumiti na naman. Habang tumatagal pagwapo siya ng pagwapo sa paningin ko. Siguro dahil sa perfect white teeth niya at dimples. Pero perfect din naman ang smile ni Lucas. Mas lamang lang si Lucas ko ng mga dalawang paligo sa kagwapuhan, siguro kasi biased ako.

"Judgmental ka naman. May kasama ako kaso may kasayaw na iba."

"Well, if that's the case, then you should dance with me. By the way, I'm Blake Kendrick." Kendrick daw. Nakita niya sigurong nag-iba ang expression ko. Lalo pa at iniabot niya ang kamay niya for a handshake.

"Karen Santiago." I took his hand and smiled. Natigilan rin siya nang narinig ang pangalan ko. Baka kapatid ni Lucas ito. Pero wala naman akong nabasa sa report ni Kuya Kristoff na may kapatid siya.

"Penny for your thoughts?" Napatulala pala ako at magkahawak pa rin kami ng kamay.

"Ah. Wala. Sige sayaw na tayo." We walked to the Dance floor at nasaktuhan naman na pang slow dance ang tugtog. He took my hands and looped them around his neck and he placed his hands on my waist.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon