When I emerged from the restaurant na nagpapanggap na Cafe kung saan kami naglunch, nakita ko kaagad si Lucas. May hawak siyang malaking puti at asul na bulaklaking sombrero, parang pang tourist na Donya ang dating. Coincidentally kakulay ng suot kong white na off shoulder blouse at blue na shorts. Pang-itaas lang ang pinalitan ko dahil mas presko naman kapag nakashorts. Nakapaghilamos na rin ako at nagtoothbrush. Baka mamaya nakangiti ako sa video ko puro tinga pala ang ngipin ko. Kahit conscious ako sa poknat ko sa likod ng ulo ko ay itinaas ko narin into a bun ang buhok ko. Sobrang init kasi. Nagreapply ng sunblock sa mukha at sa mga parte ng katawan na matatamaan ng araw. Hindi na ako nag make up. Lip gloss lang sapat na. Baka magmukha lang akong molten wax kapag ipinilit ko pa maglagay ng kolorete sa mukha.Hindi pa ako agad nakita ni Lucas kaya nag-sight seeing muna ako ng kagwapuhan at kakisigan niya. Napansin kong nagpalit siya ng damit. Noong una ay naka polo shirt siyang itim at maong na pantalon, he changed into a fitted light yellow shirt na lalong nagpakita ng defined muscles niya. Naalala ko tuloy ang abs niya na di sinasadya kong nakita noong nagkasabay kaming mag-jogging.
"Hey. Nandiyan ka na pala. Here. Wear this. Hindi kasi bagay kapag payong. Ah, ibig kong sabihin, baka ayaw mo na payong kaya ito na lang. Sobrang init kasi." Parang nahiya siya bigla. Kung payong sana, magkasukob kaming dalawa. Mas magkakalapit kami habang naglakakad. Sayang. Sana payong na lang.
"Wow. Thank you. Ang ganda! Sakto pa sa damit ko." Sinuot ko ang sombrero at pagkasabi ko na sakto sa suot ko ay tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Naconscious tuloy ako bigla kaya yumuko na lang ako.
"Oo nga, ang ganda. Sobra. . . Karen, let's go?" Nakatingin pa rin siya sa 'kin at inilahad niya ang kamay niya para kunin ko. I took the handy videocam from my bag and started filming. Medyo mahirap magfilm ng may ka-holding hands pero kinaya ko. Ako pa ba?!
Marami rami rin kaming nakuhanan sa Vigan. May mga camera shots din ako na hindi na kuha ng tripod. Si Lucas ang nag-film. Noong una nakakaconscious magsalita habang nakatingin siya at nagrerecord, pero nang tumagal, naging kumportable na rin ako na siya ang nasa likod ng camera.
Kasama sa pinuntahan namin ay ang Baluarte na sikat na zoo doon. Nagpunta din kami sa Burgos Museum at sa Plaza De Salcedo. May Dancing Fountain show doon tuwing gabi. Sayang at hindi ko mapapanood. Gusto ko pa sanang puntahan ang Pagburnayan Pottery at Hidden Garden kaso ay baka kulangin kami ng oras. Hindi kasi namin namalayan na mag-aalas singko na pala. Bumalik kami sa Calle Crisologo kung saan iniwan ni Lucas ang sasakyan niya.
"Karen, how do you do that?" Tanong niya sa akin after naming mamasyal. Sabi kasi niya ay magpahinga raw muna kami kahit mukhang ako lang naman ang napagod. Ni hindi nga siya masyadong pinawisan. Naupo kami sa isang bench doon sa lugar na malilim habang kumakain ng keso at ube flavored sorbetes.
"How do I do what?" Seryoso masyado ang mukha niya.
"Ang ginagawa mo. Parang hindi ka nauubusan ng naiisip sabihin. Kung hindi ko alam na bago ka lang dito, iisipin kong tour guide ka or isa kang local. Napakaspecific ng mga details mo at ang pagbato mo ng mga information, parang kabisado mo lahat. Pati nga ang manong driver ng karitela nakita kong namamangha sa'yo. Tapos first take lahat, parang walang tapon sa lahat ng nakuhanan natin." Nahiya naman ako bigla. Napansin pa niya 'yon. Ganda points for Karen Santiago.
"Ah. Kasi sa trabaho ko kailangan ko ring aralin ang material na gagawin. Kung baga sa reporter, I have to know what my report is all about. Hindi pwedeng sabak lang ng sabak sa field na walang substance ang sasabihin. When I took up Mass Media and Communications, gusto ko talagang maging related sa field and reporting or sa mga movie making ang magiging trabaho ko. Nagkataon lang, nahilig akong mag post ng mga Video BLogs ko sa internet. Dumami ang followers ko at mga viewers. I earn from the advertisements na nasa page ko kaya ginawa ko na lang ring negosyo. Since first year college ginagawa ko na kaya nasanay na rin ako. . . . For editing pa din naman ang mga kuha natin. Aayusin ko pa at pipiliin kung alin ang mga isasama ko." He was intently looking at me. Feeling ko tuloy namula ang mukha ko sa hiya. Tinatalaban naman pala ako ng hiya pag special occassion.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Protege
HumorCOMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn her the man that she desires? Lucas vowed never to fall in love. Could his cold and frozen heart be t...