Kinabukasan, hindi pa rin ako pinalabas ng ospital. May mga test pa raw na pinapagawa sa akin ang obstetrician-gynecologist doon. Sinisiguro nilang hindi prone sa Placenta Previa o ibang complication ang bleeding ko noong isang araw.Paparating na rin si Kuya Kristoff. Tinawagan siya ni Blake noong dinugo ako. Hindi ko alam kung bakit sila magkakilala. Ang mga magulang ni Denisse na Duke at Duchess ng Luxembourg ay nakadalaw na rin. Nagkagulo pa ang lahat dahil biglaan ang pagdalaw nila doon. Buong security team yata ng hospital ay nasa labas ng kwarto ko noong dumating sila.
They were both excited and happy to find me pregnant lalo na ang Mama ni Denisse na naging ka-close namin ni Sandy.
"You look thinner now Karen. You should eat more! When I was pregnant with Denisse I was twice my normal size, but you, it looked like you've lost a lot of weight. Take care of yourself for the sake of your baby." Ang Mama ni Denisse ay hindi naubusan ng paalala sa akin. Alam ko namang kitang kita na hindi ako healthy.
Ilang beses na rin ako sinabihan ng Mama at Papa ko tungkol sa kalusugan ko at ng magiging apo nila. Isang blessing na din na lahat sila ay supportive sa pagbubuntis ko. Ni hindi sila nagalit sa nangyari sa akin. They just wanted me to feel better na hindi ko naman magawa. Kahit feeling ko ay hindi sila naniniwala sa sinasabi ko, tahimik lang silang inaalagaan ako.
"Sandy, Karen, we'll go ahead hija. Please don't hesitate to ring us if you need anything. You can both stay at the Palace when you're released from the hospital."
"Thank you Duchess. Yes, we'll give you a call." Si Sandy na ang sumagot para sa amin. Yumakap na ang mag-asawa at naiwan na naman kami ni Sandy.
"Karen, do you realize now that everyone that sees you says the same thing. You should take care of yourself and your baby. Your brother is supposed to arrive today. If Blake will not tell you where Lucas is, maybe Kuya Kristoff can find him." Inaayos ni Sandy ang mga dalang pasalubong ng parents ni Denisse.
"Alam ko Bes. Sinusubukan ko naman umayos. Best effort na 'to. Sabi ni Kuya may sorpresa siya sa akin kaya 'wag na raw ako malungkot. Sira ulo lang diba? Ilang linggo niya akong di kinausap tapos pupunta dito at may pasurprise. Buti kung si Lucas ang surprise niya matutuwa pa ako." Ano nga kaya ang sorpresa ng kapatid ko? May natuklasan na kaya siya? Pero sabi niya noon huwag na raw akong umasa.
Nakangiti sa akin si Sandy paglingon ko sa kaniya.
"Anong problema mo? Ba't ka nakangiti?"
"Masaya ako. This is the first time you talked in one long sentence na hindi ka umiiyak. Even if it just a complain of your brother's visit. Since the day you regained your memory of Lucas, you don't even talk to us this way. I miss you Karen. We miss you. Please help yourself. Don't let the sadness you are feeling completely change who you are. I am sure Lucas will not like it."
Sira ulo rin ang bestfriend ko. Pinaiyak pa ako. Ayos na nga ako eh. Well, sana ayos na nga ako. Alam ko namang wala na akong ginawa kung hindi umiyak at umiyak. Tumitig sa kawalan. Tumango at umiling tuwing may itinatanong sila sa akin. Nasanay na nga sila na answerable by yes or no lang lagi ang tanong nila para siguradong sasagot ako.
"I know. Im trying Sands. I really am trying. When I saw myself bleeding, natakot ako. Hindi dahil sa posible akong mamatay, kung hindi dahil sa baby ko. Magagalit si Lucas kapag may masamang nangyari sa baby namin. Gusto ko sanang mahawakan at makita ang baby namin. Paano ko magagawa iyon kung ako mismo hindi ko alam kung aabot ba ako sa oras na magkikita na kami? The misery is eating out my will to live Sandy. I am losing my will to live with each passing day." She approached me and stroke my hair. My tears started its normal course out of my eyes. Ipinahid ko ang mga mata ko sa manggas ng suot kong Hospital Gown.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Protege
HumorCOMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn her the man that she desires? Lucas vowed never to fall in love. Could his cold and frozen heart be t...