Dear readers,
Please follow my social media accounts and my Dreame.com and Yugto profile "Makris"
Exclusive NEW stories will also be posted there in the coming days. Thank you for your love and support in all my writing endeavours.
Makris, May 2021
FB Group: Team Makris
Instagram: makris_stories
FB Page : Makris Stories
Dreame/Yugto : Makris
The Heart Hacker
Kristoff Santiago is not just an average guy. He is extremely good looking and has a charm and wit that can make anyone putty in his hands. Ladies loves him and craves for his attention. But because of a previous heartbreak, he doesn't give them even a second glance.
Steffani Romualdez's super model beauty and body makes everyone's head turn. But her feistiness and sarcasm wards off everyone that tries to get close. She is the irony of bad mouth and beauty in one.
One uncanny incident brought them together and turned their normal lives upside down. Will they develop something towards each other aside from hostility and anger?
***
"Kristoff, meet Steffani, my new room mate. She's a Filipino too like you. She just got here in Sydney two days ago. I hope you show her around. She doesn't know anybody here aside from me."
Ngumiti si Kristoff sa magandang babaeng ipinakilala sa kaniya ng kaopisina niyang si Charisse. Ilalahad na sana niya ang kamay niya para pormal na magpakilala ngunit tiningnan siya nito mula ulo hangga't paa at saka tumalikod at lumakad palayo.
"Wow. Just wow. I was about to shake her hands." Napailing na lang si Kristoff sa inasal ng babae.
"She's something isn't she? She doesn't even smile. I brought her here 'coz she said she needed booze. Well, she's here and I have to go. See you tomorrow!" Tumango lang si Kristoff kay Charisse. Sinubukan niyang hanapin ulit ang maganda ngunit supladang babae. Sa suot nitong maiksing skirt at fitted na blouse, sigurado siyang magiging flavor of the night siya ng mga lalaki sa bar. Hindi naman niya maaring pabayaan ang isang kababayan. Kinumbinsi niya ang sarili. Nang mamataan niya ito, nagulat siya nang makitang sinampal ni Steffani ang isang caucasian. Tumayo ang Australyano at ambang gagantihan ang matapang na babae. Lalapitan na sana niya para sagipin ito ngunit mukhang hindi naman nito kailangan ng tulong. Pinilipit ni Stefanni patalikod ang kamay ng lalaki na sinubukan siyang hawakan.
Nakita ni Kristoff na may apat na lalaking papalapit sa kanila. Sigurado siyang mga kasamahan ito ng lalaking namimilipit sa sakit. Nilapitan niya ang bouncer na kakilala niya para ipaalam ang problema. Mabuti nang maagapan ang gulo habang maaga. Nilapitan ni Kristoff si Steffani sakto namang naawat ng mga bouncer ang papalapit na mga lalaki.
"Hey Steffani, what seems to be the problem?" Sinadya ni Kristoff na pumagitna kay Steffani at sa lalaki at kuhanin ang kamay ng babae. Laking gulat ni Kristoff na ang nakaengkwentro pala ni Steffani ay isa sa regular na client ng Software and Programming company na pinagtatrabahuhan niya.
"Sir Carl, please excuse my friend. She's new here. Come on Steffani, our friends are looking for us." Hinila ni Kristoff ang braso ng babae. Gusto sanang magpumiglas ni Steffani ngunit nakita nito ang matalim na tingin ni Kristoff sa kanya.
Nang makarating sila sa labas ng bar, tuloy tuloy ang paghila ni Kristoff hanggang sa may poste ng ilaw patungo sa parking lot. Nagpumiglas at itinulak siya nito nang huminto na sila sa paglakad.
"Bakit ka nakialam?! Hindi ko pa natuturuan ng leksyon ang manyakis na 'yon!"
"Kung hindi mo napansin, maraming kasamang body guard ang taong kinalaban mo. Kaya ka nilang pulbusin sa isang pitik lang. Manyakis? Kung ayaw mo palang mabastos, dapat hindi ganyan ang isinuot mo."
Umuusok na sa galit ang babae. Namumula ang mukha at tenga nito pati ang kanyang dibdib.
"Ihahatid na kita. Nasaan ang coat mo? Maginaw dito. Baka mapulmunya ka pa."
"Ano naman sa'yo kung mapulmunya ko! Napaka pakialamero mo! Hindi ko kailangan ng tulong! I can take care of myself! At wala ka ring pakialam kung anong suotin ko!"
"Sige, kung yan ang gusto mo. Bahala ka kung balikan ka nila at dalhin kung saan. Hindi ka pagaaksayahan ng panahon ng mga awtoridad dito kapag may nangyari sa'yo. Hindi mo kilala ang lalaking binangga mo. O siya, since you can take care of yourself naman pala, aalis na 'ko."
Hindi natinag si Kristoff sa init ng ulo ng babae. Nakaramdam pa nga siya ng kaunting tuwa na makitang naiinis ito. Tumalikod na siya nang maalala niya na hindi pa pala niya nabayaran ang Scotch on the rocks na ininom niya. Pumasok itong muli sa loob. Sakto namang papalabas na si Carl at mga tauhan nito. Hindi niya maintindihan ngunit parang kinabahan siya nang maisip na maaring makita nila si Steffani sa labas na nag-iisa, kaya't nagmamadali siyang bumalik sa pinanggalingan.
"Steffani, parating na sila. Tara na!" Hinila ni Kristoff si Steffani at naglakad sila papunta sa likuran ng Bar kung saan nakaparada ang kotse niya ngunit ilang distansiya pa lang ang kanilang nababagtas ay nakarinig sila ng isang malakas na putok.
"Ano 'yon?" Nagulat na tanong ng babae.
"Putok."
"Pinipilosopo mo ba ako?"
"Hindi. Close ba tayo para pilosopohin kita?" Napansin niyang hawak pa din niya ang kamay ng babae kaya't daglian niyang binitiwan ito.
"Ewan ko sa'yo! Bakit ba 'ko nag-aaksaya ng oras na kausapin ka." Lalayo na sana si Steffani kay Kristoff nang sunod sunod na tatlong putok naman ang narinig nila.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Protege
HumorCOMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn her the man that she desires? Lucas vowed never to fall in love. Could his cold and frozen heart be t...