***
A/N: Do not read while you're eating. Please be warned.
***
Ilang buwan na ring nakalipas mula noong graduation. Minsan naiisip ko na siguro nga hindi ko ganoon kamahal si Lucas nang sinunod ko ang utos niya na lumayo sa kaniya dahil gusto ko maka-graduate.
Balewala ang pinaghirapan ko ng ilang taon at ang mga 1.5 kong grades kung masasayang lang dahil sa kalandian ko. Kahit naman hindi kami magkita ng ilang buwan sigurado akong magkukrus pa din ang aming landas. Bakit ko naman nasabi na we were destined to meet and be with each other? Simple lang. I believe he's my soulmate. Kahit nauna lang siya ng mga ilang taon ipinanganak, he will be my future better half. Kung padamihan lang ng fighting spirit at confidence e winner na ako. E bakit ba? Confident talaga ako eh! Besides, may Plan C at Plan D pa ako.
After our graduation, I took some time off stalking him. At some point I was too busy in trying to help fix my brother and friend's lives that I seldom think about him. A part of me also stayed away dahil nakita ko kung gaano nasaktan ang kaibigan kong si Denisse nang tuluyan siyang ma-inlove at ganoon din ang kapatid ko na nasaktan nang hindi siya pinili ng babaeng mahal niya.
Siguro nga I am a sucker for a happy ending and I was scared at one time that I may just be chasing something that I was not meant to have in the first place. I lived my boring life just doing the usual, Video Blogs na kumikita naman ng malaki via YouTube, swimming classes tutorial every weekend, Singing sa 3M bar, but not during Open Mic Night na hindi ko na ulit ginawa, syempre doon tayo sa may bayad. Kinuha kasi akong guest singer na every second and fourth Friday night isinasalang ako for Acoustic Nights. Kung para sa iba exciting na ang life ko, for me boring pa din dahil walang nagbibigay ng kulay. It's just a routine that I've developed over the months.
Sabi ng mga kaibigan at kapamilya ko, masaya raw ang buhay ko dahil I'm not inside a box, araw-araw iba ang ginagawa ko and I am my own boss. I don't have anyone to order me around all day. Wala ring supervisor na nagpapasaload ng mga emails na inutos sa kanila ng boss nila tapos ay kukunin ang credit kapag nagawa mo ng tama ang ipinasang trabaho. Walang escalations and audits, walang nakakastress na clients na kung maka-demand ay parang sila ang nag-ire at nagluwal sa'yo sa mundong ibabaw.
I love my carefree life but sometimes it feels just like that, carefree. There are times when I want to go back to being the immature and selfish person without any regard to authority na description sa akin ni Lucas. Totoo siguro pero kapag tungkol lang sa kaniya. For him, I will live up to that description to the letter, at dadagdagan ko pa ng marami. Lahat ng good adjectives idadagdag ko para sa kaniya. Hibang na kung hibang, but I don't care lalo na nang tadhana na mismo ang magdala sa kaniya pabalik sa boring kong buhay.
I was jogging inside our village nang makatapak ako ng isang malaking malaki, malagkit at mabangong jackpot.
"Ung ino a mang ato a dumeb ito, mang a a mu la te a, at itaw na may ayi nan ato na nam pa e tas a al a da, ma ma ma ay a in, now na! Now a na ma ma ma ay! u eeh u eeh ang ma a a on nan mama ong angin na nanaloy ta yong iyong, ney ta pateij mamuna ta langt ah ma to to po teyt ta at in now na!" Kung sino ka mang aso kang jumeb dito, magkakabulate ka, at ikaw na may-ari ng aso na nagpa-etchas sa kalsada, mamamatay ka rin! Now na! Now ka mamamatay, unti unti kang malalason ng mabahong hangin na dadaloy sa iyong ilong, nasal passage papunta sa lungs at masusufocate ka as in now na!
Naglilitanya akong humihinga gamit ang bibig habang sinusubukan kong tanggalin ng isang stick ang umaalingasaw na poop ng aso paalis ng bagong bili kong running shoes. Sa sobrang pagkainis ko, napalakas ang pagtuklap ko ng pinakamalaking chunk at madikit na etchas na salamat naman ay tumalsik pataas at papalayo sa akin. Makakahinga na rin ako sa wakas!
"Shit! Shit! Shit! Damn it!"
It was the most romantic thing in a while na narinig ko. Ang dami pa niyang sinabing mura at expletives pero ang sarap pakinggan ng boses niya. Ang kaninang mabahong hangin ay nagmistulang amoy coolwaters dahil sa presence niya.
"Oo. Shit talaga 'yan. Shit ng dog na hindi ko alam kung kanino." Kung nakakamatay ang tingin, dead on the spot na ako. Pero okay lang naman dahil patay na patay naman ako talaga sa kaniya kahit may etchas siya ng aso sa t-shirt niya at namumula ang mukha niya sa galit.
"It's you again! Why is it that every time you're near me, something stupid always happens!"
Masasaktan sana ako ng very slight sa sinabi niya kaso lang ay naghubad siya ng t-shirt at napanganga na lang ako sa perfect six pack abs niya at pectorals. Isama na rin nating ang biceps niya at v-line na pwede kong iulam sa isang kalderong kanin.
"Ms. Santiago. Are you following me even here?!" I can't believe it, tinapon niya sa paanan ko ang t-shirt na hinubad niya, at naalala niya pa ako bilang si Ms. Santiago soon to be Mrs. Kendrick!
"Of course. . . not! Dito ako sa village na ito nakatira. Ikaw? Sinusundan mo na ba ako? Finally narealize mo na ba na. . ." Well, ang dami ko pa sanang sasabihin kaso iniwanan na niya ako. Ang mala-adonis niyang katawan ay tumalikod na at nagjog papalayo sa akin. Napaupo ako sa kalsada sa sobrang panghihina. Nakakaubos pala ng energy kapag nakita mong nakahubad nang live ang dating pinapantasya mo lang. Pinulot ko ang t-shirt niya at niyakap. Inamoy at hinalik halikan. O pag-ibig nga naman, kahit puno ng etchas ang inupuan ko at ang ninanamnam ko pang t-shirt, kebs lang. Amoy coolwaters!
Sabi ko sa sarili ko, Karen Santiago soon to be Kendrick, ayan na ang sign na hinihinintay mo. Ang tadhana na ang naglapit sa inyo ulit ni Lucas. Ang sagot naman ng voice over ng isip ko, hindi tadhana, yung aso at may-ari ng aso talaga ang dahilan. Pero alam ko ang totoo, ngayong nakuha ko na ang pending confirmation ni Fate and Destiny, hindi ko na papakawalan ka pang muli Lucas!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Protege
HumorCOMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn her the man that she desires? Lucas vowed never to fall in love. Could his cold and frozen heart be t...