The Dinner meeting turned out to be a Contract Signing of his newest business venture. Hindi ko na masyadong inalam kung ano dahil I was too engrossed in watching him speak. Japanese kasi ang kausap niya kaya Japanese rin ang salita nila. Wala akong na-gets kahit isa. Buti kung aishite imasu ang sasabihin niya sa akin ay maiintindihan ko talaga. Sasagot pa ako ng I love you too.When he introduced Mr. Mura Kami, naikwento niya na nagbabakasyon daw sa Pilipinas ang Hapon at sa Ilocos nito napiling makipagkita sa kaniya. O diba, sakto talaga sa racket ko. Tadhana, maraming maraming maraming salamat po.
After they talked for a few minutes, wala pa nga yatang 30 minutes, nagpaalam na ang Hapon. Sinundo na kasi siya ng Pinay niyang asawa at sabay daw silang kakain. Mahilig talaga ang mga foreigner sa mga Exotic beauties. Pasok na pasok sa banga ang asawa niya sa kategoryang ito.
Nang makaalis na si Mr. Mura Kami, Lucas ordered dinner for the two of us. Dahil Japanese ang kausap niya, mga Filipino food ang inorder namin. Anong connection? Wala, nabanggit ko lang.
Bagnet, Daing na bangus, Pinakbet at Nilasing na hipon ang pagkain namin. Tinitingnan ko pa lang ang picture ng pagkain ay natatakam na ako. Sana hindi nahalata ni Lucas na masiba talaga ako. 15 minutes waiting time daw ang mga order namin dahil iluluto pa raw ang mga ito. Nagkuwentuhan muna kami ni Lucas.
"You really are different. Ikaw lang ang kakilala kong babae na magana kumain pero hindi tumataba."
"Nahiya ka pang sabihin na malakas kumain, tinone down mo pa by saying na magana." Tinawanan na naman niya ako.
"No. Seriously, nakakatuwa ka panoodin kumain. Swimmer ka ba? Baka kaya walang epekto ang pagkain sa'yo." Feeling ko namula ang pisngi ko dahil sa nabanggit na swimmer, naalala ko na naman ang nakakahiyang wardrobe malfunction ko noong pasikat days ko pa sa kaniya.
"Mabilis lang siguro ang metabolism ko kaya mabilis rin akong magutom. Pero yes, swimming talaga mostly ang excercise ko. Sa totoong buhay ayoko talaga ng pinapawisan, diba sa tubig, wala namang pawis." Tumawa na naman siya ng malakas. Ginagawa akong clown ng gwapong 'to ah.
"Totoong buhay talaga? May fake na buhay ba?"
"Oo naman, maraming fake sa mundo kaya mag-iingat ka. Baka mamaya ang kinakain nating kanin ay fake pala. Uso na din ang fake na gulay ngayon." He smiled at me. Ang klase ng ngiti na nakakalaglag ng lahat ng klase ng panty, mapa tback, bikini o granny panty pa.
"Bakit ka naman napangiti ng ganyan?" Naconscious kasi ako parang natahimik siya at nakangiti lang sa akin.
"You never fail to make me smile." Wow. Napapadalas ang pagcompliment niya sa akin.
"Baka bumabawi lang ako kasi diba dati I never fail to make you frown?" I tried to joke pero hindi siya kumagat. Wala naman nagbago sa ngiti niya. He just took the kilig factor a notch higher dahil sa pagkuha niya ng kanang kamay ko at hinalikan ito.
"I was not frowning at you back then. I was frowning at myself. Hindi ko kasi matanggap na. . ." Hindi naituloy ni Lucas ang sinasabi niya dahil dumating na ang waiter. Gusto ko pa sanang umapila na hindi pa 15 minutes.
Napilitan kaming magbitiw ng pagkakaholding hands. Nang nakalapag na sa mesa lahat ng dala ng waiter, I looked at Lucas at mukhang nagfocus na rin siya sa mga nagsasarapang pagkain. Nagutom nga siguro siya sa pamamasyal.
"Kain na tayo?" He asked me and I just nodded. Kinuha niya ang plato ko at ipinaglagay ako ng kanin.
"Ako na. . .kain ka na din." Kahit para akong uod na kinikilig, ayoko naman magpabebe ng husto kaya't ako na ang naglagay ng mga ulam ko. When we started eating, gutom talaga kami dahil walang nagasasalita sa amin. Nagkakatama ang mga tingin namin every once in a while kaya mas ginanahan pa akong kumain. Si Lucas lang masarap na ulam na, bonus lang ang mga order namin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Protege
HumorCOMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn her the man that she desires? Lucas vowed never to fall in love. Could his cold and frozen heart be t...