Chapter 7-Work It

6.3K 192 9
                                    










Hindi naman siguro aberya ang tawag sa wardrobe malfunction ko sa swimming pool dahil tagumpay naman ito. Paulit ulit kong nirereplay sa isipan ko kung paano tumingin at ngumiti sa akin si Lucas. Tadhana na mismo ang naglalapit sa amin.  I called my bestfriend Sandra for her help.

"Good morning Sands! Tara work out. May bagong bukas na gym dito sa village namin. Agahan mo na ang punta as in now na. Si Denisse hindi pwede at alam mo na preggers at magwawala si Warren kapag nawaglit sa paningin. So ano? Nagbibihis ka na ba?" I have to insist para hindi na siya tumanggi pa. My bestfriend sighed kaya alam kong panalo na ako.

["You didn't even give me a chance to agree or not."] Ano naman kaya ang ineemote ng friend ko.

"Hala sya. Aagahan mo lang naman ng bangon. For sure naman kanina ka pa gising dahil tumawag si Attorney mo."

["He didn't call."]

"Weh? Di nga? E wala kayang palya 'yon. Bakit hindi tumawag? Basted na ba?"I was referring to his childhood crush na may hidden desire pala sa kaniya.

["I called him instead."]

"Ayiiiii! Talandi ka bes! Hahaha. Ikaw na tumatawag ngayon ha. So ano? Kayo na ba? Kailan mo ba aaminin na lagi kayong magkasama? Kung hindi pa ako napasyal sa bahay mo as surprise visit hindi ko pa malalaman na hindi ka na natutulog doon pag weekends." I laughed at her kasi sigurado akong naiinis na siya. Tinatago niya sa amin ni Denisse na nagkakamabutihan na sila ni Rovic. Nakakainggit sila pero alam ko namang darating din ang time na ako naman ang papakiligin ni Lucas.

["I'll prepare my things then go to your place. Why do we need to go the gym anyways? Don't you swim twice a week as your workout? Why hit the gym now?"] Mabubuking  na ako.

"Ha? Ah. Eh. Maganda kasi ang bagong gym. Sige na ha punta ka na dito friendship. I'll see you!" Lagot ako kapag nalaman niya na si Lucas ang dahilan kung bakit ko gustong mag gym. Bumangon na ako at naligo. Sinigurado kong malinis na malinis at mabangong mabango ako para kahit pawisan mamaya ay maakit pa rin siya sa akin.

I decided to wait for Sandy outside sa may porch para makaalis kami kaagad pagdating niya.

"Woah! You won't even let me get inside the house first and say hi to everyone?"

"Huwag na bes. Nakaalis na rin sila halos lahat. May mga lakad. Ang tagal mo kasi. Dalian na natin baka hindi natin siya maabutan." Hinahabol ko ang oras dahil sabi ng attendant ng gym sa village namin ay until 8:30 lang raw si Lucas everyday. Buti at malapit lang ito sa bahay.

"That's it? You wanted to go to the gym just to see someone? Karen! Sino na naman this time?" Hindi ko na pinansin dahil ayokong maiwanan ni Lucas.

"Halika na alam ko hanggang 8:30 lang siya baka hindi natin abutan. Come on!" I even shook her shoulders para magmadali na siya.

"Fine! You have some explaining to do later." And she drove to the Gym. Pagdating doon, tinakbo ko na papasok para maipagpamember ko si Sandy kaso ay mahabang proseso kaya guest ko na lang muna siya.

Habang hinihintay ko ang bestfriend ko ay pinagsawa ko muna ang mata ko kay Lucas.  He's doing bench press at kung pwede lang akong tumili habang pinapanood ko siya ay ginawa ko na. Parang piyestahan para sa mga mata ko ang nakikita kong pagflex ng muscles ni Lucas. Ano pa kaya ang pwedeng ma-flex sa kaniya?

"Karen, is that the Geo guy?"

"Luke. Call him Luke for Lucas Kendrick . Tara na, mag warm up ka na. Tapos nako magwarm up sa bahay. Magwork out na 'ko ha." I walked towards him habang naalala ko kung paano ko natuklasan na dito siya palagi nagpupunta.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon