Kung alam ko lang na magiging madramang teleserye ang buhay ko, nag-artista na lang sana ako. Siguro ay mayaman na ako ngayon at marami nang naipundar para sa magiging anak namin ng mahal ko. Ang anak namin na muntikan nang mawala nang dahil sa kapabayaan ko. Nasa ospital pa rin kami para maobserbahan nila kaming mag-ina. Mabuti at hindi ako napaanak ng wala pa sa tamang gestation period ang baby.
Natuklasan kong buntis ako nang maalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Lucas. Akala ko noon ay kaya hindi ako nagkakaroon ng menstrual period ay dahil lang sa pagkakaospital ko. Laking gulat ko nang nagpacheck up ako at sinabi ng doctor na buntis raw ako. I was on my second trimester of pregnancy nang malaman ko. Mas nakakagulat na ang mga gamot pala na maintenance ko raw dahil sa head injury at mga sugat ko ay mga folic acid vitamins pala at pampakapit ng bata. Hindi maipaliwanag nila Mama kung bakit 'yon ang ipinauwing mga gamot ng Doctor ko noon at iyon ang laging ipinapadala sa bahay. Ngayon ay nasagot na lahat ng katanungan ko. Si Blake ang may gawa ng lahat.
"Please tell me everything. I need to know. Naguguluhan na ako. Nalilito. Kung hindi pa ako baliw ngayon Blake, baka sa mga susunod na araw bumigay na ako. Maawa ka naman sa akin. Hindi pa ba sapat ang lahat ng paghihirap ko?"
"Karen, I'm sorry. You had Amnesia. Hinala na namin ng mga Doctor doon dahil sa head trauma mo at nakumpirma namin noong nagkamalay ka saglit sa ospital sa Ilocos at hindi mo ako makilala. Hindi mo rin maalala ang nangyari. Kahit si Lucas hindi mo maalala. I tried to make you remember pero alam kong makakasama sa 'yo. I decided to transfer you to Manila when two weeks after the incident ay nagbago ang mga chemistry lab results mo. Milagro na hindi nadamay ang pagbubuntis mo sa tama ng bala."
"Bakit hindi mo ipinaalam na buntis ako? Paano mo nagawa na pabayaan ang magiging pamangkin mo ng ganon?"
"I made sure everything you need will be provided to you. Hindi ba at dinedeliver sa bahay ninyo ang mga gamot mo? Pati ang diet mo ay binantayan ko. Hindi ka ba nagduda na may daily delivery ka ng meals mo? Ang check up mo sa clinic hindi ka ba nagtataka kung bakit pinapatulog ka muna bago ka tingnan? Hindi nila masabi hangga't hindi pa bumabalik ang ala-ala mo. Anong sasabihin nila sa'yo? Paano ka nabuntis? Karen, I had to intervene. Binilin ka niya sa akin. Hindi ko man nagawa ng tama ang pag-aalaga sa'yo, I tried."
"Binilin? Paano? Bakit mo ba pinapalabas na patay na si Lucas? Nararamdaman kong buhay siya. Nandito siya. Isipin mo nang nababaliw ako pero nararamdaman ko nandito siya. Malapit lang siya. Bakit niya ako tinataguan?" Nag-uunahan na naman ang mga luha palabas ng mga mata ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para sa anak ko. Hindi na siya dapat madamay. Malapit ko nang makita si Lucas.
"Calm down. . . or else I won't tell you anything."
"Fine. Go ahead. Ito na titigil na ako. . ." I tried to stop the tears from leaking out of my eyes.
"He called me that day. When you were sleeping beside him the last day you were with him, he called me. He told me that he will marry you when you reach Baguio. Sabi niya pumunta raw ako doon dahil ako ang Best Man. Sabi ko tanungin ka muna dahil baka hindi ka pumayag sa biglaan. Pero confident siya na papayag ka. Alam mo naman si Lucas. He wanted to make things right. Sobrang mahal ka ng kapatid ko, Karen. He wanted to give you the life and love that you deserve. He told me to arrange everything. To have your parents and friends go to Baguio for a proposal and wedding. He wanted you to be his wife as soon as possible."
Kada isang salitang binibitiwan ni Blake ay parang blade na humihiwa sa puso ko. Tama siya. Siguradong papayag ako na magpakasal kami. Kahit saan, kahit kailan.
"Karen, ang unang aksidente mo, may kinalaman dito. May kaaway si Lucas na akala niya napatahimik na niya. Magulo ang kwento at baka makasama sa'yo kung isasalaysay ko pa."
"Please Blake, I want to know everything."
"May bestfriend si Lucas noon, si Lorraine. May konting resemblance kayo, at first glance lang. Akala ko nga ikaw siya pero malabo 'yon dahil namatay siya sa isang aksidente. Si Lucas ang sinisisi ng kapatid ni Lorraine. Siya kasi ang sumundo kay Lorraine sa simbahan ng araw ng kasal nito. Kung hindi raw itinakas ni Lucas si Lorraine, buhay pa ito ngayon."
"Magulo nga Blake, hindi ko maintindihan."
"Si Lorraine ay ipapakasal dapat kay Clarence Forbes, isang matandang negosyante. Humingi ng tulong si Lorraine kay Lucas na itakas siya dahil hindi niya kayang magpakasal dito. Ayaw ng kapatid ko makialam pero dahil alam niyang lihim kong mahal si Lorraine at wala ako noon para sagipin siya, my brother helped her for me. I was supposed to meet them at the airport in California kung saan dapat niya ihahatid si Lorraine." I was shocked with the revelation.
"Si Lucas ang nagmamaneho ng kotse nang bumangga sila sa isang truck. Malaking aksidente 'yon na karambola sa Edsa noon. Akala ko nga ay April Fool's day prank lang ang pagtawag sa akin na nasa ER siya. Milagrong nakaligtas ang kapatid ko ngunit dead on the spot ang babaeng mahal ko. That was more than six years ago Karen. Sinisi ni Luke ang sarili niya. He even had therapy just to get over the incident. Pero hindi siya pinatahimik ng kakambal ni Lorraine, si Lara. Sisiguruhin daw ni Lara na hindi magiging masaya si Lucas hangga't nabubuhay siya. Isa sa dahilan iyon kaya hindi ka agad naligawan ni Lucas. Natakot siya na madamay ka at mapahamak, pero noong sinaktan ka nila sa Hotel, he made up his mind to pursue you."
"Anong issue sa buhay ni Lara?"
"Close si Lorraine at Lara dahil kambal sila. Hindi niya matanggap ang sinapit ng kapatid niya. Sa tingin namin ay kaya siya nagpakasal kay Forbes ay para paghigantihan si Lucas. Silang dalawa rin ang pinaghihinalaan kong may kinalaman sa nangyari sa inyo."
"Information overload Blake at parang teleserye ang plot. Bakit hindi n'yo sila ipakulong?" Nangingilid ang luha niya habang inaalala ang nakaraan.
"We don't have evidence. Magaling sila magtago. Nabura nga nila ang nangyari sa inyo sa Ilocos. They have money and influence." He looked away at mukhang nagpunas siya ng luha sa mata.
"Pero. . . wala naman kasalanan si Lucas. It was an accident."
"Minsan kahit anong paliwanag natin sa isang tao, kung ayaw niyang tanggapin, hindi rin siya makikinig."
"I know. Parang ako. Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong hindi ko na makikita ulit si Lucas. Buhay pa siya Blake. Please aminin mo na sa akin." He bowed his head at nagsalubong pa ang kilay nito.
I was anticipating his answer pero may mga pumasok na nurses para tingnan kami ng baby ko.
"I will talk to you tomorrow Karen. Make sure you follow the nurses orders and take complete rest." Ibinilin niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko. Kailangan kong magpalakas. Sigurado akong malapit ko na makita ang hinahanap ko.
"By the way Karen, our parents arrived today. They want to meet you kung papayag ka?" Sumilip ulit si Blake. Meet the parents? Mas gusto ko ang meet the son pero kailangan ko rin makilala ang magiging grandparents ng anak ko.
"Sige. Salamat."
Kailangan ko paghandaan ang pagkikita namin ni Lucas, pero sa ngayon, paghahandaan ko muna ang pakikipagkilala sa mga magulang niya. Tama si Blake. He tried to take care of me. I was not aware because Im locked in my own misery. Ang miserableng buhay na sana ay malagpasan ko na bago pa dumating ang araw ng pagsilang ng bunga ng pagmamahalan namin ni Lucas.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Protege
HumorCOMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn her the man that she desires? Lucas vowed never to fall in love. Could his cold and frozen heart be t...