Chapter 8-Tears

6.5K 176 12
                                    







"Karen Santiago!" Galit ang boses ni Lucas ko. Namumula rin ang tenga niya na parang kanina pa siya nakikinig sa pinag-uusapan namin ni Sandy.

"Hala. Bakit parang mainit ang ulo ni fafa Luke ko?" Paglapit ko sa kaniya, inilagay niya ang litrato ko sa kamay ko. When he touched my hands, I felt some kind of electric current passed between us. Hindi niya pinansin pero alam kong naramdaman niya. Hindi pa siya nakuntento na ibinalik sa akin ang picture. Bumulong pa siya ng "Such a flirt" bago tuluyang lumabas. Akala niya hindi ko narinig. I heard and would have felt bad, buti at hindi ako sensitive.

"Karen? What was that about?" Sandy approached me.

"Ha? Eh, kasi ayaw niya ibigay ang number niya. Ang sungit niya talaga bes. Kaya nilagay ko ang picture ko na sinulatan ko ng number ko sa loob ng locker niya. E pabebe, nagalit at nagwalk out pa. Ang hirap talaga ispelengin ng mga lalaki! Sana naging tibo na lang ako! Mas masarap pa magmahal ng babae. Pero joke lang, straight ako eh." Hindi ako sensitive pero I felt bad na flirt ang tingin niya sa akin. I just want him to notice me and see me. Wala naman akong ibang pinagpapantasiyahan bukod sa kaniya.

"Come on. Let's sweat it out. I really want to do some rounds at the treadmill and the rowing machine. Let's do it together so we can chat. You can ask me anything you want." Alam kong inaaliw lang ako ni Sandy dahil nakita niyang affected ako pero sinakyan ko ang alok niya. Maibabaling nito ang atensiyon ko at sa ngayon, gusto ko munang maglibang.

"Sige game ako! Siguraduhin mo lang sasagutin mo lahat ah."

Matagal din kaming nagstay sa gym halos dalawang oras. Isang oras na work out at isang oras na chikahan. We showered and changed clothes. Naalala ni Sandy na may coffee date sila nang family friend niya. Ipinakilala niya ako dahil kasama ako sa package. Hindi pwedeng si Sandy lang. Madedemanda kami ng boylet niyang abogado.

"Franz, this is my bestfriend Karen Santiago. Karen, meet Franz Schwarz, an old friend." We shook hands. Ayaw ko pa sang bitiwan dahil ang lambot ng kamay pero siniko ako ni Sandy. Pagbitiw ko ng kamay niya nakita ko si Lucas na papalapit at masama ang tingin sa akin. Ano naman ang ginawa ko this time?

"Let's go? If you like, can we have breakfast instead of coffee? I'm starving! There's a new restaurant near here, let's just wait for my cousin. Oh, there he is." Cousin niya si Lucas ko?

"Luke, this is Karen Santiago and Sandra Wright. Her family are close friends with ours. Remember Gramps and Grams 50th Anniversary Ball? She was there." Tumango lang si Lucas ko kay Sandy at muli akong tiningnan ng masama. Parang naiinis na nandidiri siya sakin.

"Sands, let's go na?" Niyaya ko na sila. Think positive Karen! Kahit masama ang timpla ni Lucas ay opportunity ko pa rin iyon na makasama siya.

Kung akala ko dati ay mayaman sila, understatement of the year iyon dahil limousine lang naman ang sasakyan nila. I wasn't able to contain my amazement.

"Wow! Limo talaga? Wala bang mas liliit pa diyan? Pang normal na araw n'yo lang ba ito? Ano gamit ninyo kapag special occasion? Chopper ba?"

"Dami mo pa sinabi! Sumakay ka na lang." Nag level up ang sungit ni Lucas ko sa akin. Tumahimik na lang ako kahit noong nasa biyahe kami papunta sa sinasabi nilang kakainan namin.

"We were just test driving this car, we just got this yesterday for the Car rental business Luke and I owns."

"I forgot what your family business were. But I remember that there's a Limo Service and Luxury Car Rental business named K-Schwarz."

"Yes, that's ours. Our family business is more on Car Dealership as well as Rentals."

"I see." Si Sandy at Franz lang naman ang nag-uusap. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng tinted na bintana. Feeling ko may nakatingin din sa akin at siguradong si Lucas iyon kaya hindi ko na inalis ang tingin ko sa labas. Baka sigawan na naman niya ako.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon