Where it begins

90 10 3
                                    

Note: Pwedeng i-skip niyo nalang itong WIB haha flashback lang naman 'to.

~Flashbacks 2 years ago~

Bella

"Okay, class dis---"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihing magic word ng aming Prof sa Biology ay kaagad akong tumayo na naging sanhi ng pag-ingay ng aking silya. Kaya lahat sila napatingin sa gawi ko. Pati si Prof nakatingin din. Shocks ano ba itong katangahan mo Bella?

"O, Montes may sasabihin ka ba?" tanong sa akin ni Prof

"Ah, eh.." sabi ko sa kanya. Shit ano bang sasabihin ko?

"Ih oh uh?" dugtong ni prof sa sinabi ko na siyang nagpatawa sa mga kaklase ko.

"Ano sir, basta! Sorry Sir. May emergency lang." sabi ko nalang at dali daling lumabas ng room. Bago pa ako makalabas ay naririnig ko pa ang mga hiyawan ng kaklase shit aasarin na naman ako ng mga 'yon pagpasok ko.

Kasi naman eh. Hindi ko na kasi kaya. Ansakit sakit na. Parang anytime lalabas siya. Ayoko namang pigilan kasi alam niyo na, ako lang yung mahihirapan. Ang kailangan ko lang ngayon ay CR.

"Yes! Nakita din kita." sabi ko at dali daling pumasok. At nang maging success ay naghugas ako ng kamay saka tumingin sa salamin ng banyong pinasukan ko at inayos ang magulo kong buhok.

Habang inaayos ang aking buhok at biglang nag beep ang phone ko na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang may nagtext.

It was Zen, my best friend. Pinapapunta niya ako sa tambayan namin dahil may importante daw siyang sasabihin. Pumayag na ako dahil wala na naman akong klase. Last na yung kanina.

Paglabas ko sa banyo ay nakita kong nakasandal si Anthonie Luna. Best friend yan ni Zen tas naging kaibigan ko narin dahil lagi kaming magkakasama.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon