Bella
Nandito ako sa isang hardin kung saan natatanaw ko ang lawang pinuntahan namin ni King Carson.
Napabuntong hininga ako nang may naalala ako. Isang linggo na pala.
It's been a week mula ng umatake ang mga Kyath sa amin na hanggang ngayon hanggang ngayon hindi ko parin nalilimutan.Binaling ko ang aking tingin sa aking kamay at braso. May kaonting kalmot ito ng galing sa kyath na nakaharap ko. Yung Kyath na nagsasalita. His voice, it seems familiar. The way he say my name, para bang matagal na niya akong kilala. And he calls me baby. The f? Isa lang ang kilala kong tumatawag 'non sakin and it's impossible na siya 'yon. Like duh? normal na tao lang naman 'yo at hinding hindi nito nalalaman ang mundong ito.
"Hoy, Lynx!" biglang sigaw ng kung sinuman sa aming tagiliran.
"Ay baby!" napatakip ako ng bibig sa aking nasabi. Walangyang Carson 'to nanggugulat. Kung makasigaw pa parang boss ko lang 'no?
Ngumiti naman siya ng nakakaloko "Why? Baby na ba ang tawagan natin?"
"Sira!" sabi ko at umirap.
Napatawa naman siya sa aking ginawa at umupo sa aking tabi
"Ano bang iniisip mo? Care to share Princess" biglang sumeryoso ang pagkakasabi niya. Oh, King Carson is back to his old self again. Too serious.
"Akala ko ba nakakapagbasa ka thru eyes? Bakit 'di mo alam?" napairap naman ako.
"Yeah, but it doesn't mean na nababasa ko rin yung nasa isip mo. Nakita ko lang na ika'y naguguluhan. 'Yon lang" sabi niya. Hmm, may point naman siya.
"So ano nga yang iniisip mo?" sabi ng Hari na siyang nagpatigil sa aking pagmumuni-muni.
"Naisip ko kasi bigla yung kyath e."
"What about them" aniya.
"Naalala mo yung umatake sa akin?" tumango siya sa akin na parang inaalala ang nangyari noon. "Nagsasalita siya." sabi ko. Akala ko magugulat siya pero hindi. Para bang normal lang sa kanya ang aking sinabi. May alam ba siyang hindi ko nalalaman?
Tiningnan ko siya bago muling magsalita.
"Bakit parang okay lang sa'yo na nagsasalita ang kyath? Hindi ka ba nagtataka? As far as i know, they can't talk King Carson."
"Well, you're right. They can't talk except for their leader. In your case, the one you're interact with, is their leader." Aniya.
Humugis bilog ang bibig ko sa sinabi niya. Seryoso? Leader nila yon? Kaya pala medyo malakas kumpara don sa iba. At kaya pala buhay parin siya nang tamaan siya ng kapangyarihan ni Zen.
"Eh?" takang tanong ko. Sa pagkakaalam ko'y hindi sumasama sa labanan ang leader ng mga kyath, pero bakit kasama siya?
"May malaking sugat ba siya sa kanyang pisngi?" tanong niya
"Uhh, wala." Sure kong sagot. Alam kong wala siyang sugat sa pisngi dahil nakita ko ito ng malapitan.
Nakatuwid ang tingin ni King Carson na tila may inaalala. Ginaya ko 'yon, baka sakaling may naalala din ako.
"Ah!" lumingon sakin si Carson nang bigla akong sumigaw.
"Ano 'yon?" anito.
"May ekis siya sa bandang balikat niya na mukhang kakalagay lang dahil may nakita akong natuyong dugo 'don." ani ko.
Nagkaroon ng minutong katahimikan bago siya magsalita
"So, Kygo's son has come."
"H-huh?" Kilala ko si Kygo, he's their leader pero son? How come? I thought Kygo is the only one who survive when the war between royalties and Kyath's clan.
Sa expression palang ng mukha ko ay alam niyang hindi ko din 'yon alam kaya ipinaliwanag niya sa akin.
"So all this time mali pala yung nasa librong nabasa ko about Kyath?" tanong ko pero umiling lang siya
"Tama 'yon pero kulang lang ang nakalagay. Hindi isinulat na bago ang labanan, nanganak ang isang magaling na manggagamot at si Kygo ang ama nito. Mahigpit na ipinagbabawal ang umibig ng isang kyath sa hindi nito kauri kaya itinago ang asawa't anak sa malayong lugar. Nalaman ito ng Oracle at nasundan kung nasaan ang mag-ina ni Kygo." Carson said.
"Namatay ba yung mag-ina?" kuryoso kong tanong.
"Maybe yes or maybe not? Maraming nagsasabi na nakaligtas ang dalawa dahil maraming alam na panlunas ang asawa ni Kygo upang mailigtas silang dalawa pero may nagsasabi din na namatay ang dalawa dahil sa kalaban."
"Wala bang sinabi ang Oracle?" tanong ko. Maaaring alam nila ang tunay na nangyari sa asawa't anak ni Kygo pagkatapos ng labanan dahil ang Oracle din ang mismong nagsabi na may pamilya si Kygo na matagal na niyang tinatago.
"May humaharang sa mga oracle upang hindi malaman ang tungkol sa tunay na nagyari noong labanang iyon. Pero isa lang ang masisiguro ko. At nagpapasalamat ako sa'yo dahil ang aking hinala ay totoo, na buhay ang nawawalang anak ni Kygo." anito. "Isa ako sa mga taong nasa mahiwagang silid nang sabihin ng Oracle ang tungkol sa lihim ni Kygo, ilang taon na ang nakalilipas" dagdag pa niya. Ibig sabihin matanda na pala si King Carson? Pero bakit hindi man lang kumulubot ang kanyang balat? Hay Ewan,bahala na.
"Pero paano kung patay na naman talaga yung anak ni Kygo at ibang tao 'yon?" I asked. Nasabi niya kanina na tama siyang buhay ang anak ng Hari ng mga Kyath. "Paano mo nasabi eh wala namang kasiguraduhan na yung naka-encounter kong Kyath ang nawawalang anak ni Kygo. Malay natin na inilipat nalang ang trono sa ibang Kyath dahil no choice na si Kygo at mamamatay na ito?"
Kahit ako, o si King Carson, kahit ang Oracle ay walang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong nagyari. Dahil hindi naging tama ang makikita ng Oracle. Minsan, mas pinagugulo pa nito ang lahat. At ang tanging nakakaalam at ang makakasagot ng nagpapagulo sa lahat ay ang Kyath's King, si Kygo.
Hindi na natuloy ang aming pag-uusap sapagkat may lumapit sa amin na isang kawal. Sa pagkakaalam ko'y kawal ito ni Zen.
"Mahal na Prinsesa Lynx, pinapasabi po ni Prinsipe Zen na maghanda na po kayo sapagkat ngayon po ang ating paglalakbay patungo sa lugar na tinutukoy ni Ginoong Kint." magalang na sabi nito.
Oh shit! Nawala iyon sa aking isip. Siguro'y galit na naman sakin si Kuya SG dahil napaka makalilimutin ko.
Dali dali akong tumakbo palayo hindi alintana ang mabigat at makambong na suot kong kasuotan. Shit, malalagot na naman ako kay Kuya SG nito. Magkakaroon na naman ako ng parusa dahil huli na naman ako sa oras na ibinigay niya.
Saka ko lang naalala si King Carson nang bigla akong natapid. Naiwan ko siya. Shit shit shit, sa sobrang pagkataranta ko ay nakalimutan kong may kausap nga pala ako. At ang masama pa'y iniwan ko nalang bigla. Argh nakakahiyaaaaa.
Nilingon ko siya mula sa kanyang kinatatayuan halatang nagulat din siya dahil sa aking inakto. Pati rin yung kawal nakatingin lang din sa aking direksyon. Argh!
"Pasensiya na! May aasikasuhin lang ako. King Carson mamaya na natin ituloy ang ating pag-uusap." malakas kong sigaw bago tumuloy uli sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be Her(On-going)
FantasyPretending to be her is not easy, you need to learn how she dress up, how she talks, how she walks, how she moves, in short you need to know everything about her. It's not that hard but I'm tired. I'm tried being someone you're not. I am Bella Ama...