Chapter Five

18 2 0
                                    

Bella

This night was very remarkable for me. Ang daming nangyaring first time. Just like this beautiful scenario in front of me.

A thousands of sparkling butterflies flying in the middle of this wide lake. Oh God, tell me I'm not dreaming..

Sa sobrang dami nila, para akong nasa harapan ng libo-libong tao na may hawak ng iba't ibang kulay na lightstick habang sabay sabay nilang iniwawagayway ito sa ere.

Ang lightstick ang magsisilbing glautherflies at ako ang kanilang pinapanood. Ang tangi kong entablado ay ang munting bangka na siyang sinasakyan ko ngayon.

"Anong masasabi mo Prinsesa Lynx?"

Napapitlag ako ng konti nang may biglang nagsalita. Damn! Nakalimutan kong may kasama nga pala ako, si King Carson.

"Woah! Huwag kang masyadong gumalaw mahal na prinsesa kung ayaw mong mahulog tayo sa malamig na tubig." sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Pasensiya na kamahalan, nagulat lang ako nang bigla kang nagsalita.. Ah, maaari niyo nang tanggalin ang inyong kamay sa balikat ko" pagkasabi ko 'non agad din niyang inalis ang mga kamay niya.

Ngayon ko lang din naisip, first time kong makasama ang isang lalaki sa ganitong bagay. At hindi lang basta lalaki, Hari pa siya ng Nymphs Haven, Gwapong Hari ng Nymph's Haven. Dapat ko ba itong ikatuwa?

"Sisimulan na ba nating manghuli ng mga glautherflies Prinsesa Lynx?" biglang tanong ni King Carson.

"Pwede bang Lynx nalang ang itawag mo sa akin? O kaya ay Bella? Naiilang kasi ako kapag may mga Prinsesa o mahal eklavu ang idinudugtong sa pangalan ko" -ito sana ang sasabihin ko sa kanya kaso hindi pwede. Baka makahalata siya na hindi talaga ako si Lynx.

At isa pa, Lynx is a princess kaya kailangan siyang igalang. Kailangang may paggalang sa tuwing kausap ako or kami. Alam naman 'yon ni King Carson.

Tsk, how I hate Royal Traditions. Ultimong sa pagkain, sa susuotin, sa araw-araw na kailangan gawin ay may rules and regulations. Ang daming kaechosan. Mas gugustuhin ko pang maging nobody kesa kilala ng lahat. Nasa itaas ka so they're expecting high from you. No wonder why Princess Lynx left her throne.

"Mahal na Prinsesa?"

"Ay! Sorry, may naalala lang ako"

"It's fine. Tara na't manghuli ng glautherflies. Paalis na rin kasi ang mga iyan mayamaya"

"Ah, Oo. Sige, ngunit papaano natin sila mahuhuli?" Tiningnan ko ang bangkang sinasakyan namin nagbabakasaling nandito ang gamit na pwedeng ipanghuli sa mga ito kaso wala.

"Doon tayo sa may tulay, naroon kasi ang pwedeng paglagyan ng huhulihin naging glautherflies."

"Okay."

Ipinunta niya ang aming bangka sa gilid ng tulay upang itali ito. Nang matapos niyang itali ay tinulungan niya akong umakyat sa may tulay o tulay nga ba ito?

Yari sa malalaking sanga ang aming inaapakan. Halatang matibay at maayos ang pagkakagawa ng tulay na ito. Sa gilid naman ay puno ng pulang bulaklak at maliliit na dahon na siyang nagpaganda dito. Hindi masyadong malaki itong tulay kasi nakikita ko ang dulo nito sa aking kinatatayuan.

Sumilip ako sa ilalim ng tulay upang tingnan kung saan nakakonekta ang sangang ito at gosh! Nasa ibabaw lang naman siya ng tubig.

"Bata pa lang ako, nandito na talaga ang tulay na'to ngunit wala parin ipinagbago. Maganda pa rin." Napatango nalang ako sa sinabi ni King Carson.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon