Chapter Four

25 3 0
                                    

Bella

Nakatingin lang kaming lahat sa kanya. Wala nag-abang magsalita nang bigla siyang tumikhim.

"Pwede ba akong pumasok?" sabi niya habang nakatingin sa akin. Natauhan naman ako kaya tinulak ko si Zen na nasa harapan ng Hari upang bigyan ng daan si King Carson.

"What the hell Lynx?" reklamo ni Zen

Inirapan ko siya at tumingin uli sa hari. Pinaupo ko siya at sumunod din sila Master Ruih

"Anong kailangan niyo kamahalan" nanlaki ang mata niya ng sinabi kong kamahalan.

"Nagulat ka ba kamahalan? don't be, dahil kahit ako nagulat. Nagulat ako dahil yung kasayaw ko kanina at ang Hari ng lugar na 'to ay iisa lang. At alam mo yung mas nakakagulat?" huminto ako sa pagsasalita dahil hinintay ko siyang umimik. At hindi nga ako nagkakamali, nagsalita siya.

"Prinsesa Lynx, patawarin mo sa aking inakto. Masyado lang akong nadala ng bugso ng damdami-"

"Nadala daw ng bugso ng damdamin? Nyenyenye! Puro kalokohan!" Zen

Nanlaki ang mata ko nang biglang sumabat si Zen, ang bastos niya! Hari ng lugar na 'to ang kausap ko! Paano kung biglang mainis sa kanya ang hari? Baka hindi na kami makaalis dito

At nang naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay lumingon siya sa akin.

"What?" saad niya.

"Pwede ba Zen? Kung wala kang magandang sasabihin, pwede bang tumahimik ka nalang." sabi habang tiningnan ko siya ng masama.

"Aba't pa-" Zen

"Kuya SG, Kuya KG at Master Ruih, maaari bang iwan niyo muna kami saglit ni kamahalan? Isama niyo na rin po si Zen. Hindi kasi kami makakapag-usap ng maayos kung naririto siya."

Tumango naman si Master at nagsimula ng tumayo. Habang ang kambal naman ay lumapit sa magkabilang side ni Zen at hinawakan ito sa magkabilang braso upang hindi ito makawala. Hindi rin naman umangal si Zen. Napagod na ata dahil kadarating niya nalang dito at sa akin kaagad siya dumiretso. At tada! Wala na sila.

Tanging kaming dalawa na lang ni King Carson ang nasa kwartong ito maliban sa kawal na nakabantay sa labas ng pinto.

"Pinaalis ko na silang lahat upang tayong dalawa lang ang mag-usap at kamahalan, pagpasensyahan mo nalang si Zen sa inaakto niya. Minsan ganon talaga siya lalo na pagdating sa akin. Pero ayos naman siya. Minsan naiisip ko kung ano bang nainom o nakain kung ba't siya nagkakaganyan" sabi ko sa kanya habang umiiling-iling.

'Minsan din nagdadalawang isip ako kung isa ba talaga siyang prinsipe. May pagka-childish kasi si Zen.' Gusto ko sanang idugtong 'to kaya lang mas mabuti kung sa akin na lang 'yon haha.

Hinihintay ko siyang magsalita ngunit walang lumabas na salita mula sa bibig niya. Tanging ngiti lang ang ginawa niya.

"King Carson?" Tawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Anyare? Maayos naman siya kanina ah.

Tinawag ko ulit siya ng pangalawang beses hanggang sa biglang siyang nagsalita ng hindi ko inaakalang tatanungin niya.

"Mahal mo siya di ba?"

Natigilan ako sa biglang pagtanong niya. Pano napunta sa ganito ang usapan? Nang makabawi ako ay nagsalita ako.

"Mahal? Anong sinasabi mo kamahalan? Akala ko ba hihingi ka ng paumanhin?"

"Si Prinsipe Zen. Mahal mo siya hindi ba? Wag mo nang ikaila binibini, kita ko sa iyong mga mata na mahal mo siya."

"A-ano naman kung mahal ko siya?" nanginginig kong tanong sa kanya.

Ang daming tanong ang pumapasok sa aking isipan tulad ng paano niya nalaman? Masyado na ba akong halata? Kung halata ako, bakit hanggang ngayon hindi parin alam ni Zen?

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya? Malay mo mahal ka rin ni-"

"Tumigil ka na! Wag mong ibahin ang usapan!"

Nagulat siya ng tumaas ang boses ko. Miski ako nagulat din sa sarili ko.

"Paumanhin mahal na prinsesa, hindi ko naman intensyon na ibahin ang usapan. Gusto ko lang sabihin sayo ang nakikita ko sa iyong mga mata." hindi ako nagsalita kaya ipinagpatuloy lang niya ang kanyang sasabihin. "Nakakabasa ako ng emosyon ng mga nilalang kapag napapatingin ako sa mga mata nila. Nababahala ako nang tingnan ko ang iyong mga mata. Unang tingin ko palang sayo nabihag mo na ako, at sa unang tingin ko alam kong may iba kang gusto.."

Masyado akong na-carried away kaya hindi manlang pumasok sa aking isipan ang mga pinagsasabi ni King Carson.

I tried to pretend like I'm not in love with him. I tried to forget him kasi alam kong hanggang best friend lang ako but fuck! Ang hirap! Until now, siya pa rin. The way he talks to me, the way he holds my hand. The way he treat me feels like we're more than just a friend. Lahat ng iyon may meaning sa akin.

So tell me? how can I stop from falling? He got my heart for a long time and I don't know how to bring it back to me.

Namalayan ko nalang na umaagos na pala ang mga luha ko at yakap yakap ako ni King Carson. Hinahagod niya ang aking likod.

Ngayong ko lang napansin, napakaiyakin ko this past few days.

"Tahan na Prinsesa Nixia, kung sana may magawa akong makakapagpasaya sayo ay gagawin ko. Tumahan ka lang" sabi niya habang yakap pa rin ako.

"Talaga?"

"Oo mahal na prinsesa."

Tumigil na ako sa pag-iyak kasi nga wala ng lumalabas na luha sa'king mata.

"Kung ganon gusto kong isama mo ako sa mga paru-parong umiilaw sa dilim! Gustong gusto ko sila. Sa katunayan nga gusto kong huhingi at dadalhin ko ang mga ito sa palasyo."

"Sige kung 'yan ang magpapasaya sa'yo" ngumiti siya at pinunasan ang natirang luha sa aking mukha using his thumb. Nailang naman ako don kaya tumayo na ako.

"Uhm, Tara na?" tanong ko. Ngumiti lang siya bilang pagsang-ayon at hinawakan ang aking kaliwang kamay at sabay kaming lumabas sa silid na 'yon.

--
Nang makalabas kami, hawak hawak pa rin niya ang aking kamay at hinila ako ni King Carson papunta sa may lawa.

Wala namang nakapansin sa amin kasi nagkakasiyahan sila saka madilim kaya hindi nila masyadong maaaninag ang aming mukha.

"King Carson? Anong ginagawa natin dito?"

"Hindi ba't gusto mong makakita ng maraming Glautherflies? Doon tayo makakakita 'non." Sabi niya habang may itinuturo. Tiningnan ko naman yon at salamat sa bilog na buwan dahil naaaninag ko pa ang nasa dulo. Isang malawak na lawa, may nakikita rin akong kumikislap sa itaas. Iyon na ata ang mga glautherflies.

Ah, glautherflies pala ang tawag don sa mga paru-paro.

"Halika na Prinsesa Lynx! Kailangan nating bilisan upang maabutan ang napakaraming glautherflies" sabi ni King Carson na nakasakay na pala sa maliit na bangka. San yon galing? Wala naman 'yon kanina ah. Nevermind. Ang mahalaga ay makakakita ako ng maraming glautherflies. Aym so eksayted!

Tumango naman ako sa sinabi niya at lumapit sa may bangka. Tinulungan niya akong makasakay at mayamaya nagsimula na siyang sumagwan.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon