Bella
Patuloy lang kaming sumusunod kay Kuya SG. Hindi parin siya sumasabay sa aming paglalakad. Kala mo may sakit kaming nakakahawa ni Prince Archer ah.
"Tsk." rinig kong sabi ni Kuya SG
Binasa na naman ang nasa isip ko.
I rolled my eyes kahit na hindi niya nakikita. Wala talagang akong privacy pagdating sa baklang 'to.
Nasa loob na kami ng palasyo pero magkahawak parin kami ng kamay ng batang prinsipe. Tuwang tuwa nga e, kung ano anong tinuturo gamit ang kanyang munting hintuturo. Parang nasa museum kami sa kakasalita niya. Parang akong nasa school trip na may pinuntahan museum. Kung anong itinuturo, may mga paliwanag. Kala mo naman naiintindihan e ang bilis magsalita. 'Yung mapapa 'ahh' ka na lang kahit walang naiintindihan.
"Look Princess Lynx, that's the way to the maid chamber! And the fifth hallway, you can see my room. And-" blah blah blah.
"Oh, I see." sabi ko kay Prince Archer.
"Wanna go there? I want you to meet Ynang panget!" he eagerly said.
I shook my head.
"Oh, okay." sabi niya 'tas nag-pout.
I pinched his right cheek. "Maybe next time, baby." I sweetly said.
Yung kaninang mukha niya ay napalitan kaagad ng tuwa. Kids. It's so shallow when it comes to their feelings. Sana yung pagmamahal ko rin. Para madaling makalimutan.
Huminto kami sa paglalakad nang huminto rin si Kuya SG. May kausap kasi ito.
"Prince Archer, hanggang dito ka na lang. The King and his highness are expecting you to their room. Go there, Lian will escorted you." sabi nito nang matapos kausapin ang isang katulong na lumapit sa kanya.
"What if I don't want to?" nakasimangot na sabi ni Prince Archer. "I want to be with my princess!" anito at nilingon ako. Kita ko yung mga mga matang nagmamakaawang 'wag ko siyang ipamigay. Ganon yung nakita ko e. Bat ba.
"The King said it's important. You need to go there and besides, hindi naman mawawala si Princess Lynx." paliwanag ni Kuya SG
"My Princess!" pagtatama ni Prince Archer. "You ruin our date na nga kanina eh, pati ba naman ngayon? You just want to be with my princess. Just the two of you!" asik niya dito
Parehas kaming nagulat sa sinabi nito. Nagkatinginan pa nga kami e. Nako naman oh,
"Hindi ko sosolohin ang Prinse-" Archer cut him off, "It should be my princess!" pagtatama ulet nito.
Nagpakawala nang marahas na hininga si Kuya SG senyales na naiinis na ito. Haha! Buti nga sa'yo.
"Your highness, you have your own important meeting with your parents and we have ours." sabi nito. "And kasama namin sila Matter Ruih, Zen, and Kuya KG. It's not just me and your princess. 'Kay?" plastic na ngumiti naman si Kuya SG matapos magpaliwanag.
Hindi naman nagsalita ang bata. Nakatingin lang ito sa amin at animong nag-iisip. Pinantay ko ang aking katawan sa kanya at binulungan ko.
"Fine," sabi nito at tumingin sa akin. Ngumiti naman ako at tumango.
Habang naglalakad kami ni Kuya SG. Nagsalita ito.
"Anong sinabi mo don? Bulong lang pumayag na agad." tukoy nito nang makaalis ang prinsipe.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be Her(On-going)
FantasyPretending to be her is not easy, you need to learn how she dress up, how she talks, how she walks, how she moves, in short you need to know everything about her. It's not that hard but I'm tired. I'm tried being someone you're not. I am Bella Ama...