Chapter Ten

8 1 0
                                    

Bella

Naririnig ko ang mga boses sa aking paligid. Tila nagtatalo talo. Gusto ko man imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Masakit. Ni pagkibot ng talukap ng mata ko ay masakit. Pakiramdam ko namamaga ito. Sinubukan ko namang igalaw ang aking mga kamay upang sana'y gamitin para hawakan ang aking mata ngunit napadaing ako. Masakit rin.

Shit. Ano bang nangyari? Bakit sobrang sakit ng halos parte ng katawan ko? At bakit ako nakahiga? Ang huli kong natatandaan ay nag-uuli ako at na kita ko yung apat na babae tapos may bata na umiiyak.. wait, siya ba ang may gawa nito sa akin? Oh my god! 'Wag naman sanang magsugat-sugat at magka-peklat kundi bye clear skin na ako huhu.

Pinilit ko uling igalaw ang mga braso ko ngunit lalo lang akong napadaing

"Don't force yourself to move, you dumb!" sigaw ni Zen nang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Napadaing ako like duh? Hahawakan niya ako eh masakit nga ang braso ko.

"Tss, tatanga tanga kasi." bulong niya habang binibitawan ang braso ko. Hmp, anong akala niya hindi ko naririnig ang mga pinagsasabi niya? Pasalamat siya't hindi ako makapagsalita dahil mahapdi rin ang labi ko, kundi nasigawan ko na ito. Sabihan ba naman ako ng tanga.

"Tama na yan Zen" rinig kong sabi ni Master Ruih. Nice, Master! Isa kang hulog ng langit.

Naramdaman kong umalis sa gilid ko si Zen at mayamaya ay may malamig na kung ano ang inilalagay sa aking mata patungo sa aking pisngi. Ano yon? Kung ano man 'yon salamat at unti-unting gumiginhawa ang namamaga kong mukha

"Pansamantala lang itong gamot sa iyong mukha kaya 'wag kang masyadong maggagalaw." sabi ni Master habang patuloy na pinapahiran ang aking buong mukha. "Maaari mo nang imulat ang mga mata mo" dugtong nito na sinunod ko naman.

Sinandal ko ang aking likod sa headboard nitong malaking kama at nang maging komportable na ay inilibot ko ang aking paningin at nakitang nasa malaking silid ako. Napatingin naman ako sa kumot na nakapatong sa'kin at may napagtanto. Halos asul ang nakikita kong kulay ng mga kagamitan. Ang hindi lang ay ang dingding nito na kulay puti. Kaninong kwarto ito? Hindi ito ang kwartong pinagdalhan sa'kin ng isang alalay. Sa pagkakatanda ko kasi kulay gray 'yon na may touch ng white. Well anyway, hindi naman masama yung pagkakaayos ng kwarto 'to kaya okay na rin.

Napadako naman ang tingin sa isang lalaking nakahalukipkip na nakatingin sa akin sa gilid at tinatapik tapik ito ni Kuya KG. Ano na namang kasalanan ko sa Zen na 'to? Kung tumitig, parang anytime susugod sa'kin at lalapain ako. Geez!

Umiwas naman siya ng makitang ngumiwi ako sa kanya. Ganyan nga Zen. Maling tingnan ang maganda ng ganon tss.

"Mag-uusap tayo mamaya Lynx." sabi ni Zen na may malamig na boses. Napailing iling nalang si Master Ruih nang maglakad na si Zen patungo sa pinto.

Bago pa man niya mapihit ay biglang bumukas ito. Isang babae na may maiksing buhok ang pumasok katabi ang isang lalaki na mukhang asawa nito. Kung titingnan sa kanilang kasuotan, halatang mataas ang katungkulan ng mga ito.

"Magandang araw Haring Phillip, Reyna Meghan" magalang na sabi ni Master Ruih na nakayuko. Ginaya naman ito ng kambal na sina Kuya Sant at Kint.

Ginaya ko rin ito at ang walanghiyang Zen, wala man lamang pakialam sa dumating. Bored na bored ang pagmumukha. Nagbago lang ito ng mapatingin sa bukas na pintuan.

Naputol ang pagmamasid ko sa siraulong Zen nang magsalita ang may malaanghel na boses. Naagaw nito ang atensyon ko at nakitang ang Reyna pala ang nagsasalita. Sheyt na malupet. Hindi lang pala boses ang mala-anghel, pati pala ang kanyang mukha. Nang tingnan ko naman ang Hari ay isa pang sheyt, Greek mythology ba ito? Mukha kasi silang Greek God at Goddess.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon