Chapter Twelve

5 1 0
                                    

Bella

If I would be given a chance right now, in this moment, gusto kong bumalik sa panahong pinakiusapan ako ni Zen na magpanggap na prinsesa. Gusto kong itama ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Kung pwede lang talaga huhu

Pero heto ako ngayon katabi siya na sinusuri ako. Magkakrus ang braso at nakakunot na nakatingin sa akin. Walang nagsasalita sa amin. Nagtitinginan lang.

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matatawa sa kanya. Pilit niyang kinukunot ang maliit na noo para makitang hindi niya nagugustohan ang nangyayari pero mamaya ay parang nagagalak pag nakitang nakatingin ako sa kanya tapos balik sa pagiging masungit na ulit

Kung sa bagay, naiintindihan ko siya sa part na nagsusungit siya dahil nahuli niya akong nagpalit sa totoo kong anyo. At sa dinami rami ng tao dito sa kaharian, siya pa ang nakakita sa akin. Hindi ko nga alam kung sinuswerte ba ako o minamalas.

Pero isa lang ang dahilan kung bakit ito nangyari.

Masyado kasi akong naging pabaya. Hindi dapat ako nagpadala sa aking emosyon. Antanga tanga ko kasi eh. Nang dahil lang sa isang haplos, ang matagal ko ng nilimot na nararamdaman ay unti-unting bumabalik. Bakit ba kasi ganon ang epekto niya sa akin? Tsk.

"Uh.. baby Archer.." tawag ko sa kanya ng hindi na ako makatiis.

"Hmp." tugon nito at lalong hinigpitan ang pagkakakrus ng kanyang braso.

Nang makita niya ako kanina, dali dali kong sinuot uli ang porselas. Mas lalo akong mahihirapan kung may ibang makakita pa sa akin. I also closed the curtains para sure na kaming dalawa lang ang pwedeng makaalam nito.

"Hindi ka si Lynx diba? Iba yung mukha mo kanina."

Nagulat naman ako ng bigla siyang magsalita ng hindi nabubulol.

"Ah, ano ka ba, powers ko 'yon. Nagbabago talaga anyo ko hehe" pagsisinungaling ko.

"Liar."

"Baby Archer t-" he cut me off

"Mamaya mo ako kausapin pag di ka na magsisinungaling hmp!" anito at lumayo sa akin.

Natahimik naman ako. Yung mga pwede kong idahilan sa kanya nawala sa isip ko.

Tinitingnan ko lang siya na umabot ng ilang minuto. Nasa harap siya nung malaking baul. Binuksan niya iyon sa may kinuha.

Nanlaki ang mata ko ng makitang ang hawak niya.

"B-baby Archer naman magsasabi na ako ng totoo, wag ka nang gumamit ng espada!"

Nangunot naman ang noo nito at hinarap ako. Naglakad papalapit sa akin. Jusko naman hindi ko inaakalang gagamit siya ng espada para pang mapaamin ako.

"911! help meeee!" nakapikit kong sigaw ng nasa tapat ko na siya

"Hahahaha"

Minulat ko ang mata ko at nakita tumatawa siya.

"Bakit naman kita sasaktan Lynx? Hmp! Tara na nga!" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Bale don sa isang kamay niya hawak yung espada. "Saka laruan ko lang 'to!" tukoy nito at pinakita sa akin. "Ganda no?" pagpapainggit nito. Sus, 'kala mo naman maiinggit ako. Hmm, sabagay, maganda nga. Parang espada ng mga bidang lalaki sa mga movie na naglalabanan.

Eto talagang bata'ng 'to!

"Teka lang, saan tayo pupunta?" tanong ko ng lumabas kami ng silid. Sa palagay ko, playroom niya 'yon.

"Kay Gustav."

"Sino yon?"

"Basta!"

Napapailing naman ako sa kakulitan ng batang ito at hinayaang hila hila niya. Kung saan man kami pupunta, that should be good!

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon