Bella
Umihip ng malakas ang hangin na siyang yumakap sa aking katawan. Ang tahimik, tanging ihip ng hangin at ang huni ng mga pulang ibon ang naririnig sa buong kaharian.
"Can't sleep?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Sant pala.
"Hmm" tugon ko at tiningnan ang malawak na espasyo sa baba ng kaharian.
Napaaga ang gising ko dahil sa isang panaginip, isang masamang panaginip. Pinilit ko uling matulog kaso sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay biglang lumalabas sa aking isipan ang imahe ng tatlong tao kaya napagpasyahan kong bumangon na lamang.
Paglabas ko sa aking silid ay tinungo ko ang isang malawak na balkonahe. Tandang tanda ko pa ang pangyayari dito dalawang taon na ang nakalilipas. Dito ako pinakilala sa harapan ng napakaraming tao na nasa baba. Todo sigaw sa aking pangalan na parang nagagalak dahil nakabalik na ako.
Hindi ko rin nakakalimutan ang sinabi ng ama ni Lynx na siyang nagpasinghap sa tao. Sinabi niya sa lahat na bumalik ako hindi dahil may katungkulan ako sa kahariang ito kundi nalaman ko daw na hindi talaga ako mahal ng isang pangkaraniwang mamamayan na siyang sinamahan ni Lynx upang takasan ang lugar na 'to.
Napairap nalang ako bigla ng maalala ko 'yon. Kahit na hindi ako ang totoong Prinsesa, alam kong hindi 'yon ang dahilan niya. May mas malalim pa siyang dahilan ngunit napakakikitid ng utak ng mga tao dito, I mean mga nilalang.
Akala ko sa mundo lang namin may makikitid ang pag-iisip, dito din pala. Hindi lang nila ginagaya ang anyo naming mga tao, pati rin pala kung paano kami mag-isip at kumilos. How pathetic.
Umangat ang aking tingin kay Kuya Sant dahil sa biglang pagtikhim niya. Napataas ako ng kilay nang makitang nakatitig lang siya sa akin.
"Nagtanong sa akin si Vin kung nasan ka, hindi ka daw pumunta sa silid niya upang gumawa ng mga potion na ibibigay sa kabilang kaharian" Ah, finally. Nakapagsalita din siya. Akala ko forever na kami magtititigan.
"Ah oo, nakausap ko na siya at sinabing mamaya nalang namin ituloy." sabi ko.
"Bakit ka umalis?" seryosong tanong niya
"Binisita ko lang mga kaibigan ko at si Ate Bea, namiss ko kasi sila at si Austin" sabi ko dahil 'yon naman ang totoo. "At kung ang inaalala mong may nakakita sa'king gumamit ng balon patungo sa mundo namin ay 'wag kang mag-alala, gumamit ako ng invisibility coat." dugtong ko pa.
Napabuntong hininga nalang siya na parang may mas mabigat pa siyang gustong sabihin sa akin.
"Nakakahalata na ang Hari." sabi niya ba napatigil sa akin. "Napapansin niyang iba ang mga kinikilos mo." tuloy niya ng mapansing hindi ako nagsasalita.
"Hala! Kuya Sant, ginagalingan ko naman ah! Pero bakit hindi parin sapat?" reklamong sabi ko pero bigla niya akong pinitik sa noo.
"Aray naman! Ba't bigla ka nalang namimitik! Ang sakit kaya" singhal ko sa kanya. Hindi niya ba alam na pwede akong mabaliw sa simpleng pitik sa noo? Well, hindi nga. Ako lang nakakaalam 'non.
"Umayos ka nga, baka may makarinig sa'yo na ganyan ka magsalita for sure sasabihin agad 'yon sa Hari" aniya
"Wala akong pakialam sa Haring 'yon. Kailan ba siya nakinig sa mga sinasabi ko?" sabi ko at bigla nalang niya akong sinamaan ng tingin. Okay, kasalanan ko. Pero nagsasabi lang ako ng totoo no! Ang ayos ng pakitungo ko sa kanya pero siya lang itong parang may galit sa akin. Parang 'di niya ako anak ha, I mean kung si Lynx siguro ang nasa posisyon ko ngayon ay ganito rin ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be Her(On-going)
FantasyPretending to be her is not easy, you need to learn how she dress up, how she talks, how she walks, how she moves, in short you need to know everything about her. It's not that hard but I'm tired. I'm tried being someone you're not. I am Bella Ama...