Chapter Three (1)

33 2 0
                                    

Bella

"Mahal na Prinsesa Lynx, maaari ba kitang maisayaw?" sabi ng isang boses na nanggagaling sa aking likuran.

Lumingon ako hanggang sa makita ang kamay ng isang makisig na lalaki. Oh my god ang wafuuu niya.


Hindi ko alam kung anong irereact ko kaya ngumiti nalang ako bilang pagsang-ayon at iniabot ang aking kamay sa kanya.

Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya kesa doon sa mga nymphs na nasa paligid na kanina pa nakatingin sa akin.

Inilagay niya sa baywang ko ang kanyang kamay at ako naman ay nasa leeg niya. Habang sumasayaw kami, isang napakagandang kanta na hindi ko maintindihan kasi ibang lenggwahe ang kinakanta ng mga batang diwata. Pero kahit na hindi ko naiintindihan, nakakagaan parin ng pakiramdam ang mga boses nila.

Nymph's Haven ang tawag sa lugar na 'to. Remember? yung tunnel na dinaanan namin ay patungo pala dito. Ang cool nga eh. Habang nasa looban kami, napakaraming paru-paro ang aming napagmasdan. Iba't ibang kulay ng kanilang mga pakpak na nagbibigay liwanag sa aming dinaraanan.

"Mukhang malalim ata ang iniisip ng mahal na Prinsesa, maaari ko bang malaman kung ano?" sabi nitong kasayaw ko. Gwapo na sana kaso chismoso. Sayang.

"Wala 'to." Sabi ko sa kanya. Dapat pala hindi na ako pumayag makipagsayaw sa kanya. Nakakailang kasi yung way ng pagkakahawak niya sa bewang ko, isama mo pa yung mariing titig niya.

Tumingin ako sa pwesto nila Master Ruih at Kuya SG, sesenyasan ko sana na ialis nila ako dito tulad ng ginagawa nila sa tuwing may nakakasayaw akong hindi ko gusto kaso may kausap sila kaya di nila ako napansin.

Upang makaiwas sa malagkit niyang tingin, sumusulyap nalang sa kabuuan ng lugar na ito. Hindi ko makita kung saang parte 'to kasi madilim na ng makapunta dito. Ang tanging masasabi ko lang ay ang simple ng kanilang pagkakaayos. Pinaghalong puti at berde ang makikita mo sa buong lugar, mapa-table man at bangko.

Hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang mahabang lamesa na puno ng pagkain at sa gitna non ay isang upuan yari sa ginto. Doon siguro ang pwesto ng pinuno nila. Ngunit nakapagtataka, kaarawan ngayon ng pinuno nila pero wala siya.

"Ahm--" itatanong ko sana kung nasaan ang pinuno nila kaso bigla siyang nagsalita.

"Tunay ngang napakaganda mo sa malapitan, mahal na Prinsesa."


"Maraming salamat" nginitian ko nalang siya. Huhu can someone save from this nymph?! Baka mamaya kung anong gawin niya sakin.

"Maaari bang hiramin ko muna si Prinsesa Lynx?" isang pamilyar na boses ang nagsalita sa aking likuran.

Lumingon naman ako kung sino ang nagsalita at laking gulat ko kung sino ito. Hindi lang pala ako pati 'tong kasayaw ko nagulat din sa kanya.

Nakatingin lang kaming dalawa sa kanya habang si Zen naman ang sama ng tingin sa kasayaw ko. Nang makabawi ako, magsasalita palang ako pero hinila nalang ako bigla ni Zen.

"A-aray naman Zen! Dahan dahan lang sa paghila" I said but he just stared at me with his blank expression. Oh my god. What did I do?

"Zen!" tulad kanina hindi na naman ako pinansin.

Nakasalubong din namin sila Master at Kuya SG at parehas silang humihingi ng paumanhin. Para san?

"Mamaya tayo mag-usap." sabi niya at hinihila pa din ako.

"Fuck! hindi ka dapat sumayaw ng kung sino sino lang. Alam mo ba ang ibig sabihin ng ginawa mo?" sabi niya habang hinihila ako papunta sa isang madilim na part

"Ha? Ano bang problema mo? Nakipagsayaw lang naman ako" sigaw ko. Naiinis na ako.

"Yon nga ang problema e, nakipagsayaw ka!"

"Ano namang masama don? Pwede ba Zen i-direct to the point mo nga ng hindi ako naguguluhan!"

Pumikit siya at huminga ng malalim. Senyales na pinipigilan niya ang pagkainis. Napaka-oa naman ni Zen, parang sayaw lang eh.

"Isang tradisyon dito sa Nymph's Haven na kapag ang isang lalaki ay nag-akit makipagsayaw sa isang babae, ibig sabihin natitipuhan niya ito. At kapag naman pumayag ang isang babae, natitipuhan niya rin ito. Maaari silang ikasal ngayon mismo once na mapili sila ng isang batang nymphs na pauli-uli sa mga sumasayaw. Sa kaso mo, papalapit na sa inyo yung bata! buti nalang at nakalapit agad ako dahil kung hindi ikakasal kayo! Kaya sabihin mo, bakit ganito ang reaction ko?!"

OH. MY. GOD. MY HEART IS, MY HEART IS, OH MY GOD! Sorry Zen!

Note:
Short ud lang muna haha hentai i mean hintay lang muna kayo sa next part haha tinatamad akong dugsungan 'to eh.

Nga pala, Shoutout sa aking bestfriend. Hi Caryl, Happy Birthday! Lab kita muah :* ge share ko lang. lol.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon