Bella
"What are you two doing here?" salubong na tanong ni Zen ng makababa kami sa bangka. Nakakunot ang kanyang noo na sinusuri ang aming kilos na para bang may nagawa ako I mean kami ni Carson na masama. Geez. Nakakatakot o awkward ang atmosphere ngayon.
Magsasalita na sana ako kaso nagsalita siyang muli
"Pumayag akong hilahin palabas ng dalawang ugok na 'yon kasi gusto ninyo na kayo lang dalawa ang mag-uusap, tapos aalis din pala kayo? Edi sana sumabay na kayo." anito.
"Ipagpaumanhin mo Prince Zen, may ipakita lamang ako kay Princess Lynx kaya kami lumabas." saad ni King Carson
"Oh really? Baka naman nag-date lang kayo. Tell me, may progress na ba?" puno ng sarkastimo ang sinabi ni Zen.
Bago pa may masabing kung ano-ano si Zen ay sumabat na ako.
"He's right Zen. Nakikita mo 'to?" Pinakita ko sa kanya ang hinuli naming glautherflies flies. "Hinuli namin 'to don" turo ko naman don sa may lawa. "Kaya wag ka na diyan na kung ano-ano ang iniisip." umiiling kong saad. Minsan talaga masyadong oa ang pag-iisip ni Zen. Tulad nalang ngayon.
"Siguraduhin mo lang Lynx." sabi niya pero halatang hindi parin naniniwala.
"Yeah, so pwede na ba tayong umalis dito?" bored kong sabi.
"Hmm, let's go" sabi ni Zen at naunang maglakad. Napailing nalang ako. Zen is always like that. Kapag ayaw niya sa isang bagay, mananahimik lang yan. Nag-iisip. Bumaling naman ako sa aking katabi which is King Carson.
"Hoy, Carsong panget tara na?" nagngingiting biro ko sa kanya.
Kanina lang kami naging ganito ka-close and I must say he's a good guy. He reminds me of my Kuya Brent kaya siguro napalagay kaagad ang aking loob sa kanya.
"Wag kang maingay Lynx na panget, baka narinig ka ni Prince Zen. Lagot na tayo don." natatawang sabi din niya at nagsimula na kaming maglakad.
"Ipagpaumanhin niyo po kamahalan, nadala lang ako ng bugso ng damdamin!" madramang sabi ko. 'Yan yung sinabi niya kanina nung pumunta siya sa silid na tinutuluyan ko.
"Pwede ka nang maging ako. Kuhang kuha mo na, pati yung facial expression e hahaha" Tawang tawa kami sa aming pinaggagawa. Puro kulitan kami habang naglalakad.
Hanggang sa napalakas ang aming kulitan at si Zen ay masama na namang nakatingin sa amin. Magsasalita na sana ito ngunit hindi niya naituloy. Pati si Carson tumigil na at nagsersoyo ang mukha. Tumigil kami sa paglalakad na tila pinapakiramdaman ang nasa paligid. Bigla akong kinabahan hindi dahil sa inaakto nila kundi dahil alam ko kung bakit sila tumigil.
Nagkatingin kaming tatlo at tumango na parang alam nila ang tumatakbo sa aming mga isipan.
"In the count of three. One, two, three Run!" sigaw ni Zen at tumakbo kaming lahat. Hindi nga kami nagkamali, nagsilabasan ang mga kyath na nakatago sa mga sanga ng puno. Shit. Ang dami nila. Mabuti na lamang ay tumakbo kami kasi kung lalabanan namin sila ay magsasayang lang kami ng lakas. Hindi namin sila kaya lalo na't madilim ang kapaligiran. Dumodoble ang kanilang lakas kapag madilim.
"Akala ko may barrier na nilagay dito? Bakit nakapasok parin ang mga 'yan?" tanong ni Zen. Patuloy pa rin kami sa pagtakbo.
"Hanggang kaharian lang ang nilagyan ng barrier. Ito lang kasi ang kayang pangalagaan ng aking nymphs protector" paliwanag naman ni King Carson.
"What a useless King." sarcastic na sabi ni Zen. Hindi naman nagsalita si King Carson pero alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Zen.
"Zen, pwede ba? Hindi ito ang oras ng pag-- aray! " naputol ang aking sasabihin dahil may biglang humila ng binti ko at napasubsob ako. Paglingon ko isang kyath ang bumungad sa akin. Kulay itim ang kanyang mata at kulay abo naman ang kanyang balahibo. Hindi mo mahahalatang nakakatakot siya pero once na pumula ang itim niyang mata humanda ka.
"Shit. Lynx!" sigaw ng dalawa na tumakbo papunta sa akin ngunit bago pa sila makalapit ay hinarangan ang mga ito ng kyath.
Nagpumiglas ako ng hawakan ang aking magkabilang braso at biglang ilapit ng kyath ang kanyang mukha sa aking leeg na animo'y inaamoy ito. Napapikit ako ng mas lalong ilapit ng kyath ang kanyang katawan sa akin. Pati rin ang hininga niya nararamdaman ko sa aking pisngi.
"You'll be mine soon Bella.." bulong nito. Napamulat ako ng mata sa gulat. Hindi nagsasalita ang mga kyath. Tanging ungol lang ang mga sinasabi nito. Pero bakit ang isang ito? Naguguluhan ako, pati ang tunay kong pangalan ay alam niya.
"S-sino ka?" nangiginig ko tanong sa nakapatong sa akin. Ngumiti lang siya at nagsalita.
"Guess who, honey?"
"I d-don't know you.." Tumalim naman ang kanyang mata at biglang itong pumula. Hindi ko siya kilala. Wala akong kilalang kyath o kung sino man siya.
"Ipapaalala ko kung sino ako." sabi niya at dahan dahang ilapit ang kanyang labi sa akin. Ngunit bago niya pa mailapat iyon sa akin ay biglang may tumamang kulay pula sa kanyang nguso na siyang nagpadugo dito. Tumalon naman ang kyath papalayo habang hawak nito ang kanyang nguso.
"Lynx, are you okay?" sabi ni Zen na lumapit sa akin. Itinayo niya ako at tumingin sa kanyang kaliwang kamay na may apoy. So sa kanya pala nanggaling yung tumama sa kyath.
"O-okay na ako Zen" sabi ko.
"Tara na, baka dumami pa ang mga kyath kung magtatagal pa tayo dito." saad ni King Carson na lumapit na din sa pwesto namin. Natalo na pala nila yung humarang sa kanila kanina "Hindi ko sila lahat napatay, nagsitalunan sila nung tamaan ni Zen yung kyath na papatayin ka" dugtong nito na nakatingin sa akin.
Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kanila. Kung alam lang nilang hindi ako papatayin nung kyath. Kung alam lang nila kung anong gagawin sa akin. Kung alam lang nila.
"Lynx! I'm asking you" napapitlag ako ng biglang sumigaw si Zen na nasa aking tabi.
"Sorry, sumigaw ako. Hindi ka kasi nakikinig sa sinasabi ko. Ano bang iniisip mo?"
"Ha? Sorry, ano ba yung tanong mo?" tanong ko
"Tinatanong ka niya kung kaya mo bang maglakad." sabi ni King Carson.
"Kaya ko, wala namang masakit sa akin" I lied. Masakit yung pagkabagsak ko kanina. Sinabi ko 'yon kasi ayokong mag-alala pa sila.
"Oh, ano pang tinutunganga niyo diyan? Nagsimula na kayo ng maglakad" pagtataray ko sa kanila. Napahinga naman sila ng malalim na parang nabunutan ng tinik.
"Anyare sa inyo?" tanong ko pero ngumiti lang ang dalawa at sumunod na sa akin. Biglang umakbay si Zen sa akin.
"Tanggalin mo yang pagkakaakbay mo kung ayaw mong masapak." nasabi ko nalang at tinanggal naman niya at nauna nang maglakad. Nananakit na daw yung katawan niya at gusto ng magpahinga. Napailing nalang ako sa mga reklamo niya at tumingin kay Carson na nakatingin din pala sa akin.
"Mukhang mapapaaga ang alis niyo ah." saad niya
"At pano mo naman nasabi?" nakataas ang kilay kong tanong
"Nabasa ko sa mata ni Prince Zen e."
"Ah" tumatango kong sabi
"Mami-miss kita Lynx na panget" sabi niya at niyakap ako
"Aw, mami-miss din kita Carsong panget" sabi ko at gumanti din ng yakap.
Bigla akong natakot ng makita ko yung kyath na nakatingin sa akin. Hindi ako maaaring magkamali, siya yung kanina. Pumula ang mata niya kaya napabitaw ako ng yakap kay Carson. Sino ba talaga 'yon?
"Ayos ka lang Lynx? Namumutla ka" nag-aalalang tanong niya.
"Wala, ganito lang talaga ako" sabi ko at tumingin ulit sa pwesto nung kyath. Wala na ito.
"Halika na." Tumango lang siya at nagsimula na kami.
Whoever you are. I'll hunt you down. Charot.
Note: Happy New Year guys! Ilang araw nalang birthday ko naaa haha kahit book lang ni Miss Jenny Han na TATBILB lol. I really really love Peter Kavinsky❤
BINABASA MO ANG
Pretending To Be Her(On-going)
FantasyPretending to be her is not easy, you need to learn how she dress up, how she talks, how she walks, how she moves, in short you need to know everything about her. It's not that hard but I'm tired. I'm tried being someone you're not. I am Bella Ama...